Ako Pala 'Yon (One shot)

97.9K 1.8K 389
                                    

Written by: deeksee/ @DixieJSalgado

All Rights Reserved 2013.

No Plagiarism please.

-----------------------------------------------

AKO PALA 'YON.

"I found the right guy, gave the perfect love, it was the right time and everything was perfect except for one thing: For him, I wasn't even close in being the right one."

***

Heto na naman ako, nakatitig sa litrato mo.

Akalain mo, ilang taon na rin pala ang lumipas nang umalis ako rito. At ito ako ngayon, bumabalik sa lugar kung saan ako nagsimula.

Habang nakatitig pa rin sa litrato mo, hindi ko maiwasan muling masaktan. Bumabalik ang lahat ng alaala mo sa akin. Lahat ng masasaya at malulungkot na bagay na nangyari noong mga panahong magkasama pa tayo.

Umasa kasi ako sa'yo. Akala ko kasi mag pag-asa tayo eh. Akala ko maglelevel-up tayo. Pero akala ko lang pala ang lahat ng 'yon. Kasi kahit kailan pakiramdam ko ang layo layo ko sayo.

Fourth year high school tayo noon nang una kitang makausap. Sa Facebook pa nga yun diba? Tandang tanda ko pa nung nagpapalike ka ng picture para dun sa kaibigan mo. Kailangan kasi natin ng extra-curricular kaya kahit pagpapalike ng picture sa Facebook eh tinubos niyo na. Ang haba nga ng naging usapan natin nun diba? Hanggang sa ewan ko ba kung anong nangyari at nagkahingian na tayo ng number.

Alam mo bang halos magtatatalon na ko sa tuwa nung mga panahong yun? Ikaw, si Jason Rodriguez na sikat sa school natin ay hiningi ang number ko. Syempre, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at binigay naman ang number ko. At alam mo ba ang mas ikinakilig ko? Nang itext mo ako agad nang...

From: 09161234567

Hi Kim! Good night na. Thank you sa time ha. Ang saya mong kausap grabe. Bukas ulit! :) - Jason

Naalala ko tuloy kung gaano ako katanga noon para kiligin sa simpleng text mo na yun. Dahil sa simpleng text na yun, nagsimula akong umasa...


Tapos yun, nagtuloy tuloy naman yung maayos na communication natin. Nakakailig lang kasi kahit yung mga simple at maliliit na bagay eh napag-uusapan pa rin natin huwag lang matapos yung pag-uusap natin. Naalala ko tuloy nung tinanong kita kung ano ang gusto mo sa babae. Inaamin ko, sobrang umasa ako nang mabasa ko ang reply mo. Sabi mo kasi...

Mabait...

Mapagpasensya...

Maka-Diyos... at

Masayang kausap.

Napa-isip ako. Mabait naman ako. Tapos oo, mapagpasensya rin ako. Ikaw pa nga ang nagsabi na ganun ako eh. Isang araw kasi habang magkatext tayo bigla kang hindi nagreply. Tapos tinanong mo ako kung galit ako sayo at ang sabi ko ay hindi. Kaya ayun, para sayo mapagpasensya ako.

Yun, tapos linggo linggo rin naman akong nagsisimba kaya maka-Diyos ako. At masayang kausap, check! Naalala ko yung una mong text sa akin. Sabi mo masaya akong kausap.

Ako Pala 'Yon (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon