Dear JongIn

231 2 0
                                    

Dear Jongin,

Wala ng "KO" dahil di ko na ikaw pagmamay ari. Siya na ang mahal mo. Ako? Heto mag isa dahil wala ka na. Asan ba ako nagkulang? JongIn minahal kita pero anong ginawa mo?

Sabagay, ano ba naman ang panama ko sakanya? Maganda siya. Mabait. Matalino. Talented. Maalaga. In other words, PERPEKTO siya. Hindi kagaya ko na di gaanong ka ganda. Moody. Di gaanong ka talino. Talented pero mas talented siya. Pabigat lang ako sayo. Oo masakit na iniwan mo ako pero alam kong mas makakabuti to para sayo. Nakita mo na ang taong magpapasaya sayo habang buhay. At masaya ako para sayo. Di man ako ang dahilan na sasaya ka, atleast alam ko na isang mabuting tao ang magiging dahilan nun.

Naalala mo pa ba noong ikalawang Anniversary natin? Naalala mo pa ba yung mga pangako natin sa isa't isa? Na ikakasal tayo sa isa't isa at mag kakaroon tayo ng isang dosenang anak? Binatukan pa nga kita nun. Sabi ko na di naman ako mabubuntis. At sumimangot ka nun. Alam ko na gusto mo talagang magkaanak, isa siguro yun sa mga dahilan kung bakit mas pinili mo siya. Ok lang naman yun sa akin, atleast may mag aalaga sayo pag wala na ako.

Jongin alam mo ba kung bakit di na ako pumalag nung nakipagbreak ka sakin? Dahil alam kong bilang nalang ang mga araw ko dito sa mundong ito. May Brain Cancer ako and the Doctor told me that I only have a year to live. I know that I can't take care of you anymore, so I just gave up when you said you'll break up with me.

Sure ako na habang binabasa mo tong liham na ito ay wala na ako. Pero wag ka mag alala dahil kahit asan man ako mapupunta ay babantayan parin kita.

Nagmamahal,
Kyungsoo

Binasa ko ang iyong liham ngunit di parin ako makapaniwala. Pagpasensyahan mo na kung iniwan kita nung mga panahong kailangan mo ako. Ang tanga-tanga ko!! Di ko lang man kinonsider ang feelings mo. Mag lilimang taon na rin pala no? Alam mo ba na wala na kami ni Krystal? Nalaman kong di ko pala talaga siya mahal. Ikaw, ikaw lang ang mahal ko. Isa akong tanga para ngayon ko lang malaman yun. Kaya pag ka break namin ni Krystal ay agad kitang pinuntahan sa bahay nyo. Ngunit itong liham lang ang nakita ko sa kwarto mo nung pinapasok ako ng Mama mo. Itinanong ko sakanya kung asan ka. At isang di makapaniwalang sagot ang ibinigay niya sakin. Pumunta ako rito dahil akala ko may dinalaw ka lang. Pero tinuro niya kung asan ako ngayon at ito ang nakita ko...

R.I.P.
Do Kyungsoo
A great SON
And A good FRIEND

You will be missed

Born: January 12 1993
Died: **** **,****

Kyungie sorry at ngayon ko lang ito nalaman. Nabulag ako sa pagmamahal na di naman totoo. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko. Hinaplos ko ang iyong lapida gamit ang aking kaliwang kamay habang pinapangpahid ko ng aking luha ang aking kanang kamay.

"Kyungie mahal na mahal kita. Sorry sa lahat."

Bigla namang umihip ang napakalakas na hangin. Kyungie alam kong nandiyan ka lang. Ipinikit ko lang ang aking mata habang pinapakiramdaman ang malakas na hangin.

Mahal rin kita Jongin

Sapat na ito sakin. Alam kong babantayan mo ako parati Kyungie ko. Di man kita nakikita atleast ay nararamdaman naman kita. Hintay na lang at magkakasama rin tayo...

KYUNGIE KO.

°°°END°°°

    

KaiSoo Forever Walang TItibag (One Shots)Where stories live. Discover now