P R O L O G U E

46 0 0
                                    


"We take the lead but we rule the evil"

Yan ang una kong napansin. Nakapaskil sa 1 folder ang papel na may nakasulat na "We take the lead but we rule the evil" at may nakasulat na Golden Rule sa baba na may logo. Tinitigan ko ang logo na iyon, may nakasulat na sobrang liit. Tinitigan ko pa ng mabuti at may nabasa na naman ako.


"OVERTAKERS" nasambit ko na lang. May naramdaman akong presensya sa harap ko. Inangat ko ang tingin ko, may nakita ako. Isang lalaking naka-tux na black ang nasa harap ko. May shades siya, may kalakihan ang katawan at nakatitig siya sa akin ng mariin. Kahit na nakashades siya ay halata ko pa din.


"You've suprised me." nagtataka ko siyang tiningnan. Pokerface siya, medyo kalamigan ang boses niya at katulad kanina nakatitig siya sa akin ng mariin.


"H-ha?" nasambit ko. Kaso may nagpalaki ng mata ko.


"Welcome, you're new member of the OVERTAKERS" Sabay labas ng baril niya at tinutok sa collar bone ko. Bago pa ako makareact sa ginawa niya, nabaril na niya ako.


Akala ko na katapusan ko na kaso hindi pala. Isa lang itong needle kaso kakaiba, bumaon ito sa collar bone ko malapit sa kaliwang leeg ko. Ang sakit, sobra. Parang mas masakit pa ito kesa sa bala ng baril. Tuloy tuloy na tumutulo ang mga luha ko.


May nakita akong simbolong unti-unting nabubuo sa collar bone ko at nang natapos iyon may narinig ako.


"Mission accomplished." at nawalan na ako ng malay.


xoxo

Hi! New story ito hope you'll love it ^-^.

The OVERTAKERS (Mission: to rule EVERYONE)Where stories live. Discover now