31th Scene Mia and Nana

14.2K 422 6
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Hoy! dalawang daga lumabas kayo jan sa lungga niyo" sigaw agad ni Kara ng makapasok kami sa loob ng bahay.

"Uy! Kara pasado alas dos na baka tulog na yung dalawa. Bukas mo nalang sila kausapin." Pag kumbinse ko sa kanya dahil baka tulog na ang mga ibang tao sa bahay.

"Wag mo kong kausapin. Galit pa ako sa'yo"

Para naman akong bata na sunod ng sunod sa kanya, ito kasing si Kara minsan parang bata kung mag tampo. Hindi ka friend kung may konting galit sa'yo kailangan mo pang suyuin na parang girlfriend.

"Kara naman wag ka namang ganyan. Sasabihin ko naman sayo dapat eh."

"Sasabihin mo sa akin. Kelan? kung andito na sila sa harap ng bahay ko o kung nakita ko na sila ng harapan ganun?"

Napaisip naman ako. Kelan ko nga ba balak sabihin sa kanya pag nag kataon na hindi niya sila nakita. "Parang!" Sagot ko nalang dito na halos ma guilty kasi di ko nga naman napag isipan kung kelan. Tama talaga si Ren gulo talaga pag nalaman ni Kara na andito yung dalawa. "Pero talagang sasabihin ko sayo, promise."

"Hime-sama, Jen-chan. Okaeiri-nasai" bati sa amin ng mga ibang pang gabing nag babantay.

"Tadaima. Nana to Mia to, doko ni wa?" Tanong niya habang pataas kami ng hagdan.  ----> (Where is Nana and Mia?)

"Asa left side #1 guest room sila ngayon natutulog" sagot niya kaya Kara.

Nang malaman ni Kara kung asan yung dalawa halos itapon ko ang sarili ko para harangan siya. Alam kong inis na inis ngayon si Kara dahil sa palabas na ginawa nung dalawa pero ang gisingin si Mia kapag tulog ay isang napakalaking away.  "Kara, pwede bang bukas nalang." huling huling pag kumbinse ko dito.

"Tabe" pagkatapos ay tinulak niya ako bahagya sa pader para makadaan.

"Kara" tawag ko sa pangalan niya at sinundan ko ulit siya.

Next thing I knew ay halos sirain ni Kara ang pintuan para lang makapasok sa kwarto.

"Okiru" pag papagising ni Kara sa kanilang dalawa.---->(get up!)

Yung dalawa namang tulog ay halos hindi gumalaw sa kinahihigaan nila.

"I said okiru." Nawalan ng pasensya si Kara na halos mag gitgit sa pag papagising sa dalawa dahil alam naming gising pa sila dahil nakita naming dalawa na napangiti pa si Nana sa kinahihigaan niya na nakaharap sa amin.

Lumapit si Kara sa higaan at sabay ng pag papagising niya sa dalawa ay hinugot niya ang doble kama ng kama nila dahilan para mahulog yung dalawa sa kinahihigaan nila.

"What duh!" Inis na bulyaw ni Nana.

"KARA" sigaw naman ni Mia.

"ANO?" Tanong naman ni Kara sa kanilang dalawa. "Kayong dalawa ano bang utak ang meron sa inyo at nag gate crush kayo sa isang party lalo na at gawin ang ganung bagay sa hindi niyo kilalang tao."

Nag roll eyes naman si Nana at Mia habang tumatayo sa kinahihigaan nila ngayong lapag. "My gosh Kara hindi ba makakapag hintay yang sermon mo para bukas at kelangan mo pa talaga kaming gisingin." Sagot naman ni Nana sa kanya.

"And excuse me, remind you lang hindi kami nag gate crush. We are invited at the party, hindi katulad niyo." Sabay tawa ng mahina ni Mia na sinabayan naman ni Nana.

"Is it?"

"Pwede ba, Kara bukas nalang tayo mag usap. Pagod kami, okay" sabat naman ni Nana.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now