Unlucky I'm In-love with my Best friend.

94.3K 1.4K 449
                                    

UNLUCKY I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND

by ThatDaydreamerJ of Wattpad ©August2013

PLAGIARISM IS A CRIME. Please don't claim it as your own and do not redistribute or repost without the author's consent. Maraming maraming THANK YOU po! ^___^


--

"Minsan talaga may mga bagay na mahirap sabihin nang seryoso kaya dinadaan na lang sa biro.

Minsan talaga may mga damdaming mas alam pa ng ibang tao kaysa sa sarili mo.

Minsan talaga may mga damdaming kailangan pa ang ibang tao bago mo mapagtanto.

Minsan talaga may mga bagay na bago malaman ay kailangan pang may masaktan.

Minsan talaga may may mga pagkakataong kailangan mo pang makasakit ng iba bago ka maging masaya.

Minsan talaga may mga damdaming nalalaman lang kapag huli na ang lahat.

Minsan talaga may mga pagkakataong yung hinahanap mo ay katabi mo na pala. "

---

"I'm lucky I'm in love with my best friend

Lucky to have been where I have been

Lucky to be coming home again..~" ♪♪♪

Ano ba namang tugtog yan. Lucky I'm in love with my best friend daw? Kalokohan! E bat ako feeling ko ang unlucky ko? =___=

I'm Jade Rhianne Mendoza nga pala, JR for short, Jade naman kung di naman tayo gaanong close. 18 years old na ako and currently ay fourth year college. At gaya nga ng sinabi ko, in love ako sa best friend ko.. Well.. uh.. UNFORTUNATELY.. =___=

"Yow Rhianne!", speaking of the devil with his angelic smile.

At alam na alam nya talaga kung pano ako aasarin e no. Ayoko kasi sa second name ko dahil masyadong pambabae. Di bagay sa itsura ko. Sige nga. Ikaw magsuot ng jersey shorts na panlalaki at malaking t-shirt tapos yung buhok mo maigsing shaggy layer? Gugustuhin mo pa bang tawaging Rhianne? Kaya ayun mas prefer ko talaga kung JR ang tawag sakin.

Anyways, ayun pumasok sya sa kwarto ko at humiga sa tabi ko. Sunday kasi ngayon at walang pasok kaya nakahiga pa rin ako dito.

"Tigilan mo nga ako dyan sa Rhianne-Rhianne mo! Sakalin kita e!", pagsusungit ko naman sa kanya.

"Sungit! Meron ka no!!!", Bigla syang bumangon at tinusok tusok ang magkabilang tagiliran ko at kiniliti ako nang kiniliti habang tumatawa. Isip-bata talaga tong lalaking to. "Bawal pikon BWAHAHA"

"HAHAHA Uy! Tama na! Ano b- HAHAHA Isa! HAHAHA", at dahil malakas ang kiliti ko, di ko na rin mapigilan ang pagtawa habang pinapalo palo at sinasalag ang mga kamay nya dahil mamamatay talaga ako sa kiliti nito.

Yan ang best friend ko for almost 11 years pero 5 years na kong in love sa kanya. Si Jay Clarence Cruz, JC for short. Ang best friend kong saksakan ng pagkababaero. Kaya nga di talaga ko lucky na in love ako sa kanya e. Just what do you expect from a playboy right? High School pa lang kami, madami ng naging girlfriends yan. Or mas tama ata kung FLINGS ang term? I can't blame him 'cause he got the looks naman. At hindi ko rin sya masisisi kasi naloko sya ng first girlfriend nya na sineryoso nya nang bongga.

Magkapitbahay lang kami at classmates kami since Grade School hanggang High School. Pagdating sa college hindi na dahil bukod sa iba ang course nya, iba rin ang school na pinasukan nya. Ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng best friend na babaero -- klase ng mga lalaking kinakamuhian ng mga babaeng katulad ko. Basta alam ko best friends din ang mga mama namin kaya kami nagkakilala. At saka hindi mo naman madidiktahan ang sarili mong piliin kung sinong kakaibiganin mo e. Basta alam ko of all people, kay JC ako pinakakomportable.

Unlucky I'm In-love with my Best friend.Where stories live. Discover now