Chapter 1 - I met Mr. Perfect unexpectedly ..

29.3K 303 34
  • Dedicated to Arian Talag
                                    

" I thought I'm almost perfect but I'm not .. You made me see the real me .. And at this moment, I can say that I'm already Perfect .. Darling, you complete me! "

(Ang storya na to ang magpapatunay na walang perpektong tao sa mundo, unless, mahanap mo ang taong kukumpleto sa buhay mo, ang taong magmumulat sayo sa mga kakulangan mo, ang taong magtatama sa mga pagkakamali mo, at ang taong magmamahal sayo sa kung ano ka at hindi sa kung ano ang gusto niya! Ito ang kuwento na peperpekto sa araw niyo!)

***

Mga Tauhan:

Arian:Isang napaka gandang dalaga, mabait, maunawain, palakaibigan, masipag, matalino at sadyang palaban.. Naging isa syang mabuting anak ngunit kailanman ay hindi iyon nabigyan pansin ng kanyang ama sa halip ay madalas sya nitong saktan at pagbuhatan ng kamay.. Sa kanyang kagustuhan na magkaroon ng trabaho  upang patuloy na matustusan ang kanyang pag aaral ay nag hanap sya ng trabaho at doon ay makikilala nya ang Pinaka masungit na lalake sa balat ng lupa..

Simon: Isang Mayaman, Napaka gwapo at matalinong lalake.. Ngunit ubod ng kasungitan sa katawan, para bang ipinaglihi sa sama ng loob dahil ni minsan di pa nagawang tumawa.. Perfectionist masyado at walang pakialam kung makakasakit sya ng damdamin ng ibang tao.. Kahit na ganito ang pag uugali niya ay hindi naman talaga sya masamang tao .. At malaki ang pagbabagong mangyayari sa buhay niya kapag nag krus na ang landas nilang dalawa ng isang babae na kahit kailan ay hinding hindi sya uurungan..

 


James: Isa siyang matalik na kaibigan ni Arian, gwapo at mayaman, mula pa high school ay magkasama na sila at dahil doon ay lumalim pa ang pagtingin nya para sa kaibigan.. Hindi nya pa magawang masabi dito ang nararamdaman sapagkat ayaw niyang magbago ang kanilang pagtitinginan.. Handa syang gawin ang lahat alang alang kay arian ..

 


Kat:Ito ang mestisang girl friend ni simon.. Mayaman, Maganda at sosyalera pero mabait naman at friendly kaya naman agad silang magkakasundo ni arian sa una palang nilang pagkikita .. Ngunit pagdating sa lalakeng kanyang pinaka mamahal ay kaya niyang isugal ang lahat wag lamang itong mawala sa piling niya…

 


Misty:Siya ang kaibigan nila Arian at James na matagal na ding may pagtingin kay james.. Inis siya kay Arian dahil alam niyang ito ang gusto ni james kaya naman madalas nya itong pahiyain kahit pa na kaibigan nila ito ay hindi naman ganon ang tingin nya para dito.. Kundi isang Karibal na dapat unti unting burahin sa kanilang landas…

 


Dan:Siya lang naman ang lasingero at napariwarang ama ni arian.. Mula ng iwan sila ng ina ni Arian ay nawalan na ito ng direksiyon sa buhay .. Madalas niyang saktan at pagbuhatan ang anak dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naalala niya ang pang iiwan na ginawa sa kaniya ng ina nito .. Kaya suklam na suklam siya sa kaniyang anak kahit pang alam niyang mahal na mahal siya nito ..

MR. PERFECTWhere stories live. Discover now