Coming Back To You

639 23 1
                                    

Ara

"Daks, umiiyak ka na naman. Ano ba kasing nangyayare?" Tanong sa akin ni Mika habang hinahagod ang likod ko. "Oo nga naman, wafs. Sabihin mo naman sa amin kung ano na ang nangyayare sayo para naman may clue kami diba."

"Saka daks, umayos ka nga. Ayusin mo yang sarili mo. Tingnan mo ang laki laki na ng eyebags mo, halatang hindi ka nakakatulog ng maayos. Napapabayaan mo na ang studies mo. Kanina sa training off ka rin. Hindi naman pwedeng ganun, daks. Ano ba kasing nangyayare sayo?"

"Si T-thomas." Sagot ko at yumuko ng muli.

"Oh, ano namang ginawa sayo niyang si Torres? Aba't iuumpog ko siya sa muscles ko!" Sagot ni Kimmy. "Isang linggo na kasi kaming mag ka away at isang linggo na rin siyang walang paramdam. Usually naman kapag may tampuhan kami naayos namin kaagad pero iba na to." Sagot ko at niyakap ko ang aking mga tuhod. Naramdaman ko naman na niyakap ako nung dalawa.

"Puntahan mo, daks. Kung hindi mo siya ma reach dahil walang communication, puntahan mo. Kami na bahala mag pa lusot kay coach."

"Oo nga, Vic ako na ang bahala. Ako naman captain e kaya magagawan ko ng paraan." Dagdag pa ni Kimmy.

Niyakap ko sila at nag pa salamat. Pero dahil hapon pa lang naman ay naisipan kong ipagluto si Thomas sa condo niya ng spaghetti.

Kahit anong pagod ko galing sa training ay binalewala ko, maipagluto ko lang siya. Sigurado ako pagod na pagod yun galing sa training niya sa PBA lalo't rookie siya.

Natapos akong magluto siguro ay mga ala sais na ng gabi. Nilinis ko ang condo niya, lahat na ata ng pam pa lipas oras ay ginawa ko na. Hanggang sa hindi ko namalayan na alas dose na pala ng madaling araw ay wala pa rin siya.

Aalis na sana ako nung biglang dumating si Thomas.

"Babe." Masaya kong salubong sa kanya. Akmang hahalik ako sa pisngi niya nung bigla siyang umiwas. "Bakit ngayon ka lang, Thomas? Gutom ka na ba? Halika kain tayo ipingaluto kita."

"I'm full." Yun lang ang sagot niya sa akin at dumiretso na siya sa kwarto niya at nagbihis.

Inintay ko siyang matapos at mukang gulat na gulat siya na nandito pa rin ako sa condo niya. "Ano pang ginagawa mo dito, Ara? Umuwi ka na sa dorm niyo." Wow. Ara. Ara hindi baby. Ganito na lang ba, Thomas?

"Gusto ko kasing makausap ka. Thomas, ano na bang nangyayare sa atin? Are we sinking? Thomas wag namang ganito oh. Ano bang nangyayare? Thomas date naman masaya tayo ah. Saka date naman sabay tayong kumakain pero ngayon wala na. Date kapag ipinagluluto kita na a-appreciate mo. Kahit gabi na at maaga ang class ko bukas sinadya kong dumaan dito makausap ka lang at makasama ka. Ano bang nangyayare, Thomas? Explain mo naman oh."

Tiningnan niya lang ako. Stare full of hate. "Nag sasawa na ako, Victonara. Pagod na ako, nawawalan na rin ako ng oras para sayo. Nasasakal ako! Saka Ara, date yun! Date, hindi na ngayon! Tapos ngayon isasampal mo sa akin na sa ating dalawa ikaw na lang yung mas nag e-effort!? E di sayo na! Tapos mag rereklamo ka sa akin na sinadya mo ako dito kahit maaga pa ang pasok mo!? That's bullshit Ara kasi in the first place naman I don't even want you to come here!"

Hindi ko alam kung bakit pero parang sasabog ako sa sakit na nararamdaman ko sa mga sinasabi niya. "Naiintindihan ko na busy ka, hindi naman ako nag de-demand na araw araw tayo mag kita ah! Yun man lang bang mag balita ka na kung anong nangyayare sayo, mahirap ba yun? Saka hindi ko isinasampal sayo ang efforts ko, ang sa akin lang naman gusto kitang makausap, yun lang! Anong nakakasakal don? At ano, pagod ka na? Ngayon ka pa ba napagod e halos apat na taon na tayo!"

"Ara wag ngayon, ayaw ko na." Yun lang ang naisagot niya.

"Ayaw mo na? Bakit dahil hindi mo na ako kayang isiksik sa priorities mo? Grabe, Thomas! I'm at the top of my career din naman but ginagawan ko ng paraan makita at makasama ka lang!"

ThomAra Chronicles Where stories live. Discover now