Game of Pretending. ʿ₯ʾ

7.3K 224 142
                                    

Written by: de_profundis 2013

Friendly reminder: Plagiarism is a crime. :))

。✐✎。✐✎。✐✎。✐✎

• • Her Side • •

"Aaaaaaaaaaace!"

Hingal na hingal na akong hinahabol ang lalaking, wala man lang effort na lumingon.

"Hoy Ace! Hintaaaaaay."

Para talaga siyang bato. Ang tigas tigas na nga niya, wala pa siyang pakiramdam. Kanina ko pa siya tinatawag pero hindi man lang siya humihinto.

"Ace Nickel Hermoso! Sabing tumi-- Ack!"

Sh.t! Ang swerte ko talaga kahit kailan.

"Aww. Ang sakit."

Kung kailan naman may hinahabol ako, saka ako matatalapid (matatapilok). #MedyoSwerte.

Nilingon ko naman iyong likod ni Ace. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Kahit lingon lang. Ipakita mo namang nag – aalala ka.

"Tss. Ang bait mo talaga." Bulong ko.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Masakit kasi iyong pagkakaupo ko sa sahig pati na rin iyong paa ko.

"Uy, Miss. Okay ka lang?"

"Bakit umiiyak si Ate?"

"Makakalakad ka ba?"

"Dalhin ka namin sa clinic."

"Tulong?"

Game of Pretending. ʿ₯ʾTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon