Six, Seven, Eight, Nine [ONESHOT]

129 4 1
                                    

            “Ayon sa mitolohiyang Griyego, ang mga tao raw noon ay may tigdadalawang mukha, apat na braso’t binti, at tigdadalawang pares ng mga kamay at paa, Ngunit ang mga ito’y biniyak sa dalawa ni Zeus na hari ng mga diyos kung kaya ang mga tao ay patuloy sa paghahanap ng kanilang mga ‘nawawalang kalahati’,” sabi ng aking guro sa Literatura.

            Kanina pa ako nakatitig sa bilog na orasang nakadikit sa pader. Tila ang oras ay lalong bumabagal ‘pag ito ay inaasam-asam. Hindi naman sa ayaw ko nang makinig sa aking guro - sa katunayan nga ay ang paksang tinatalakay ay isang kinawiwilihan ko, Ngunit parang ganoon na rin nga sapagkat ako’y atat na atat nang makalaya mula sa aming silid-aralan.

            May hinahanap kasi ako.

            Bakas na siguro sa aking mukha ang pagkainip sa mabagal na oras dahil ako ay may special mention mula sa aking guro, “Bb. Evanna Midas, ang akala ko pa naman ay ikaw ang pinaka interesado sa mitolohiya.”

            “Oo nga po, sir, kaya nga po pinagninilay-nilayan ko lang talaga: paano natin malalaman kung nasaan yung totoong kabiyak natin? Kasi po ang dami-daming tao sa mundo. Paano kung akala nating tama na eh mali pa pala? Lalung-lalo na po doon sa ibang kabiyak naman ang kinapupusuan,” ang aking sagot.

            Naks. Ang galing ko talagang magpalusot.

            *KRIIIIIIIING*

            “Kaya nga mitolohiya ang tawag dito, dahil ito ay nanggaling sa paniniwala ng isang tao. Ngunit tatalakayin pa natin ‘yang tanong mo sa susunod na sesyon dahil kapos na tayo sa oras ngayon. Salamat sa pagbabahagi ng iyong pinagnilay-nilayan,” nasa tinig ng aming guro ang pagkaaliw – nahalata niya pala na nagpapalusot lang ako.

            “Opo, sir. Paalam po.”

            Woohoo! Malaya na ako. Oras na para hanapin si Niño.

            Palabas na sana ako ng silid-aralan nang may humarang sa aking daan, Si Anton Jimenez, ang matalik at napakakulit kong kaibigang lalaki. “Evanna, Evan. Uy, Evan. Napakagaling mo siguro sa mga puzzles,” ang sabi niya.

            Sinagot ko naman siya ng, “Ha? Bakit naman?”

            “Kasi nagsisimula pa lang ang araw ko, nabuo mo na agad.” Nagloloko nanaman siya, pero bakit tila may pag-aalala sa mga mata niya – na para bang gusto niya akong pigilan sa paglabas ng silid-aralan. Wala lang naman siguro.

            “Hahaha. Hala sige, ituloy mo lang ‘yang kabaduyan mo, Ton.” Matapos noon ay nakalabas na nga ako.

            Kanina’y nabanggit ko na may hinahanap ako. Hindi naman ito dapat nang alalahanin, ‘di naman ako nawawalan ng telepono, alahas, daga o kuting man. Ang hinahanap ko ay isang taong halos perpekto na: nasa kanya na ang lahat – ang bait, ang gwapo, ang talino (hindi rin siya ninakaw o nawawala, sadyang nasa ibang silid-aralan lamang), ang aking crush; ang aking kabiyak na ihiniwalay ni Zeus, si Niño Cruz.

Six, Seven, Eight, Nine [ONESHOT]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu