Prologue

5.4K 82 6
                                    

Nandito ako ngayon sa lugar na hindi ko alam. Hating gabi ngayon at malakas ang ulan. Nakahinto lang ako sa isang gilid katabi ng isang malaking abandonadong building. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon sa buhay ko kaya naisipan kong tumakas malayo sa lahat nang hindi nag papaalam. Malayo sa magulong lugar na puro sakitan lang ang nagaganap at malayo sa gulo.

Aalis na sana ako pero may narinig akong ingay sa hindi kalayuan. Ayoko pa rin kasing umuwi kaya sinundan ko ang pinang gagalingan ng tunog, sa likod ng abandonadong building.

"Tulong!"

"Maawa na kayo sa amin!"

"Ha! Akala niyo ba may makakarinig sa inyong dalawa? Abandonado ang lugar na 'to at malayo sa syudad saka dis oras na ng gabi ngayon, mag isip nga kayo!"

"Tulungan niyo kame!"

"Hindi ba kayo nakakaintindi?! Nag iingay lang kayong dalawa!" Sabi ng isang lalake saka sinapak ang binatang sumisigaw ng saklolo.

Pinag isipan ko pa kung aalis na lang ba ko o tutulungan ko sila. Kakasabi ko lang na ayaw ko na sa gulo pero hindi ko maatim na iwan na lang ang dalwang 'to dito. Hindi kakayanin ng konsensya ko saka masama naman 'tong lalakeng kumidnap sa kanila.

Lalabas na sana ako nang makitang may lumabas pang tatlong lalake sa van at ang lalaki masyado ng mga katawan nito. May dalang baril ang isang lalake kaya hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Mukhang tutuluyan nila ang dalawang binatang 'to.

"Kunin niyo yung pera." Utos ng lalakeng may baril sa isa pang lalakeng kalbo. Pagkakuha naman nito ng wallet nilang dalawa ay nilabas niya ang pera, binilang pa niya ito saka binalibag ang wallet sa mukha nung dalawa. Ang sasama ng ugali.

Tumingin ako sa paligid ko na at naghanap ng bagay na maaaring makatulong sakin sa pagligtas ko sa dalawa. Kaya ko namang sapakin na lang sila kaya lang ay medyo nanlalata din ako sa kadahilanang hindi pa ako kumakain.

"Patayin mo na." Sabi ng lalakeng may mahaba ang balbas sa lalakeng may hawak na baril. Agad naman akong naalarma sa sinabi nito kaya mabilis kong kinuha ang isang baseball bat at kumuha din ako ng tatlong maliliit na bato.

"Wag!"

"Maawa kayo samin!"

Humanap ako ng magandang pwesto saka initsa ang tatlong bato sunod sunod sa ere at nung sakto na ang height nito para matamaan ng baseball bat ay pinalo ko ito sunod sunod doon sa lalakeng may baril bago pa niya maitutok ang baril niya.

Agad namang tumumba ang lalakeng may baril at kita ko ang pagdudugo ng noo nito. Kasabay ng pagbagsak ng katawan nito ay ang pagtingin nilang lahat sakin. Lumabas naman ako sa dilim saka hinagis ang baseball bat sa mukha ng lalakeng kalbo at tumumba rin ito.

"Sino ka?!"

"Kasamahan ka ba nila?!

"Narinig ata niya ang ingay ng dalawang pesteng 'to." Sabi ng lalakeng kalbo na binato ko ng baseball bat sa mukha. Matibay ha.

"Babae lang yan, sugurin niyo na." Sabi pa ng lalakeng makapal ang balbas. Babae lang pala ha? Masyado akong minamaliit ng mamang 'to.

Una akong sinugod ng lalakeng mahaba ang buhok pero masyadong predicted ang galawan nito. Mahinang nilalang. Pinaulanan ko siya ng suntok sa tagiliran at ang panghuli ay isang malakas na suntok sa mukha na siyang ikinatumba niya. Rinig ko namang napamura ang lalakeng makapal ang balbas. Sunod siyang sumugod sakin at kinuha pa talaga ang baseball bat na hinagis ko. Hinarang ko ang braso ko bilang panangga dito at napangiti pa siya sa kadahilanang natamaan niya ko, kasabay no'n ang pagkahati sa gitna ng baseball bat na tumama sa akin. Nagulat pa siya sa nakita, kala niya ata nanalo na siya eh. Pagkatapos no'n ay sinuntok ko siya sa mukha at yon tumba siya. Yung isang lalake naman ay nakatingin lang sakin pero bigla bigla na lang itong tumayo saka tumakbo. Duwag.

"Ayos lang ba kayong dalawa?" Tanong ko sa dalawang binatang puro pasa sa mukha at katawan. Tumango naman sila at nagulat na lang ako nung yakapin nila ko.

"Maraming salamat po!"

"Salamat po talaga. Akala ko ay mamamatay na kami."

Hinimas ko naman ang buhok nilang dalawa na basa na ng ulan. Maging ako ay basa rin dahil sa ulan. Nung kumalma na silang dalawa ay inabot ko ang perang kinuha sa kanila. Pumara na rin ako ng taxi para sa kanilang dalawa. Pinipilit pa nga nila kong sumabay na pero hindi pwede dahil kailangan kong ipahuli ang apat na lalakeng bumugbog sa kanilang dalawa.

Agad akong tumawag sa isa sa mga tauhan ko at sinabi ang nangyare. Ngayon ay binabantayan ko na lang ang tatlong lalakeng nakahiga sa semento habang ang isa naman ay pina trace ko na. Kala niya ata makakaligtas siya.

Tulad nito ang rason kung bakit gusto ko na lang mamuhay ng normal. Nagsasawa na ko sa gulo. Gusto kong maging normal na babae na lang yung hindi ganito. Gusto kong gawin ang mga ginagawa ng isang teenager na tulad ko tulad ng dates, gala with friends, at ma in love hindi yung nakikipag away.

Ako nga pala si Yuria Flame Natsugawa isang simpleng babae pero malakas. Gangster ako dati kaya lang kinalimutan ko na yun dahil sawa na ako makipag away at gusto ko na mabuhay bilang isang normal na babae. Nandito kami ngayon sa France kasama ang kaibigan ko pero pinapabalik ako ni mama sa Pilipinas kaya wala na akong nagawa kung hindi ang um oo. Okay na rin dahil kasama ko ang best friend ko, gangster din siya dati kaya lang ay nag bago na rin siya tulad ko.

Nung gangster pa kami ay kami ang pinaka malakas sa buong mundo kaya lang tumigil na kami. We want a new life kaya eto pinipilit mag paka normal. Nakakasawa na rin kase at na realized namin na mas maganda kung maging normal na lang ang lahat malayo sa gulo.

Maraming kumukuha samin bilang ka gang nila pero tinatanggihan namin dahil nag babagong buhay na nga kami diba. Maging dito sa France ay kilala kami. Umabot ata dito sa ibang bansa ang ginawa namin dati noong namaalam kami sa mga gangsters sa Pilipinas.

Pero di ko aakalaing mag babago ang buhay namin pag dating namin sa Pilipinas dahil lang sa KANILA.

Babalik kami sa pag ka gangster dahil lang sa KANILA.

Simula nung pumasok kami sa paaralan na yun ay nagulat kami dahil halos lahat ng nag-aaral doon ay GANGSTER. Hindi rin namin akalaing babalik kami sa dating nakagawian namin.

Napunta kami sa Special Section at nandun ang pinaka malalakas at nung nalaman nila na di kami gangster ay binubullly nila kami.

Hanggang sa sumulpot na lang SILA.

At dahil sa kanila nag bago muli ang buhay namin at naging GANGSTER.

To Be Continue....

Her Gangster LifeWhere stories live. Discover now