Forsaken Love Story

79 7 5
                                    


Hello po :)  Ang istorya pong ito ay hango lamang sa aking imahinasyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hello po :) 
Ang istorya pong ito ay hango lamang sa aking imahinasyon.
Sana po ay magustuhan ninyo.

Enjoy reading po.



Aiden's POV

"Ladies and gentlemen, welcome to Philippine Airlines. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day" saad pa ng kapitan ng eroplanong sinasakyan ko.

Ako nga pala si Aiden Villaluz at isa akong engineer. Kagagaling ko lang sa Madrid dahil inasikaso ko ang isa sa mga building na pinapagawa doon ng isa sa aming mga bigating kliyente. Tatlong taon din akong namalagi doon at ngayo'y nagbabalik ako dito sa Pilipinas upang isagawa naman ang mga plano para sa hinaharap ko at ng babaeng mapapangasawa ko. Sandali na lang at makakasama ko na si Keith. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko. At higit sa lahat, ang babaeng kasama kong haharap at manunumpa sa altar. Si Keith ay isa namang architect. Kaya masasabi kong match made in heaven talaga kaming dalawa. Naaalala ko pa noong una kong makilala si Keith.


FLASHBACK #1

Naglalakad ako sa may hallway ng building ng architecture. Hinahanap ko kasi yung faculty room ng professor ko dahil may isusumite akong project. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong paparating at nagmamadaling maglakad papunta sa kinaroroonan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw sa pwestong kinatatayuan ko kaya nagkabungguan kaming dalawa. Nahulog yung mga librong hawak niya at gayundin yung project na isusubmit ko at nagkalat sa hallway.

"Oh My God! Sorry po kuya ha, pero nagmamadali po kasi ako," saad niya saka pinulot yung mga libro niyang nahulog at naglakad na uli. Napailing na lamang ako. Hindi man lang niya ako tinulungang pulutin yung project ko. Kaya wala sa loob na pinulot ko ang nagkalat na print outs nang biglang may nakita akong panyo. Siguro nahulog to nung babae kanina. Kinuha ko ito at binuksan. Nakita ko doon ang nakaburdang marka na K.M. Agad kong isinilid yung panyo sa bulsa ko at nagmadaling hanapin yung faculty room ng professor ko. May iba akong naramdaman noong makita ko yung babae kanina. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan magkita kaming muli.

Natatawa na lang ako pag naaalala ko iyon. Noong araw na iyon, napatunayan kong totoo nga ang sinasabi nilang 'love at first sight'. Lalo na nung muli ko siyang nakita.




FLASHBACK #2

Nagpunta ako noon sa cafeteria para sana bumili ng makakain pero iba ang nangyari. Nakita ko kasi yung babaeng nakabunggo ko noong isang araw. Dumiretso ako sa may counter at umorder. Pagkatapos noon ay pumunta ako sa may table niya. "Excuse me miss, pwede ba akong makishare ng table sayo?"

Forsaken Love Story (One Shot)Where stories live. Discover now