32nd Scene Cute Love Triangle

13.5K 400 13
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Pinagpaalam kaya tayo nung mga ugok na yun kay sir?" Tanong ko kay Kara habang inaantay sila Ace sa parking lot ng school.

"Ba't ako ang tinatanong mo, magkasama tayo mag hapon."

"Tsk, nagtatanong lang, sungit sungit nito" tampo ko sa kanya.

"Asan na ba yung mga yun?" Asa parking lot kasi kami ngayon ni Kara at hinihintay yung apat na dumating. Ang usapan kasi deretcho na kami sa camping ground kaya pinadala nalang namin kay Ren ang gamit namin na naempake kagabe.

Kaya nga lang isang oras na kaming naghihintay dito sa parking lot pero wala parin yung mga hinihintay namin.

"Ba't ako ang tinatanung mo. Magkasama tayong dalawa buong maghapon." Inis na sagot sa akin ni Kara. Heto nanaman si Kara ang init nanaman ng ulo para lang nagtatanong.

"Ba't ang init init ng ulo mo? Para lang nagtatanong, susungitan mo pa ako."

"Magtatanong ka na nga lang kasi sa maling tao pa."

"Ang high blood mo. Meron ka ba ngayon?"

May bigla namang humarang sa aming dalawa ni Kara. "guys, guys. Don't fight, okay."

"Etong si Kara kasi tinopak nanaman."

"I said no fighting. I'll call nalang them kung asan na sila at bakit hanggang ngayon wala pa." Prisenta naman ni Izzy.

"Both of you needs to chill, okay" segunda naman ni Wendyll sa kaibigan niya.

"Problema mo ba?" Tanong ko kay Kara kasi simula ata kaninang umaga ay wala ito sa mood.

"hmmmp" Yun lang talaga ang sinagot niya sa akin. Ano ba talagang problema ng babaeng 'to.

"Uy ah nagtatanong ako ng maayos. Baka gusto mong sagutin ako ng maayos ayos na sagot."

"Ikaw kasi" Sabay turo niya sa akin.

"Anong ginawa ko? Ikaw tung buong maghapon nakasimangot" depensa ko sa sarili ko. Kahit naman di ko alam kung among problema niya.

"Kung hindi mo pinilit pilit na pumunta dito sa Pilipinas yung dalawa, sana hindi ako nakasimangot ngayon."

Ah alam ko na ata kung bakit nakasimangot 'tong taong to.Tumawa ako ng bahagya "Ano ka ba naman, hanggang ngayon ba upset ka parin dahil sa ginawa nilang prank sa'yo, nung isang araw pa yun ah?"

Nung isang araw kasi nilagyan nila Mia at Nana ng sugar syrup yung shampoo na ginagamit ni Kara. Hindi naman ata niya napansin na may kakaiba sa shampoo na ginagamit niya kaya nung nasa school na kami biglang nagsilapitan yung mga bubuyog at langaw sa kanya. Buong period ng umaga siyang di tinigilan ng mga bubuyog at langaw dahil sa asukal. Ni hindi naman niya alam kung anong nangyayare kung bakit nila ito sinusundan kaya di niya alam ang gagawin niya.

Etong sina Nana at Mia naman pinagmayabang pa ang ginawa nila dito nang nakauwi kami kaya hayun nag away silang tatlo at hanggang ngayon hindi parin sila nag se-seize fire sa bahay. Lagi nalang akong referee sa kanilang tatlo, nakakapagod din yun.

Kaya ngayon imbes na hindi kami sasama sa kalokohan nila Rouge , napasama tuloy kami dahil ayaw ni Kara na makita ang mukha nung dalawang bruha.

"Ikaw kaya lapitan ng langaw at bubuyog buong maghapon. Alam mo ba yung feeling na para kang isang kalabaw na hindi pa pinapaliguan kaya yung mga langaw ay nag sisiliparan sa tuktuk ng ulo mo" mahaba niyang litantya sa akin.

"OA ka naman. Wala naman nakahalata ng ganun."

"Anong wala si Ace nga nung nasa cafeteria tayo ang weird ng tingin niya sa akin. Alam mo ba kung anong sinabe niya sa akin. Alam mo ba? ALAM MO BA?" Galit na tanong niya sa akin.

My girl is a Mafia!!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ