Teaser

18.7K 277 35
                                    

  A/N: You can check now the ROLE PLAY (ENGLISH) on this link:
https://m.goodnovel.com/book_info/21000007969/null/RolePlayEnglish

ALL RIGHTS RESERVED.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without express written permission from the author.

Names, characters, some places and incidents are product of itsmeblackSG's imaginations. Any resemblance to actual event, places or person's living or dead is ENTIRELY COINCIDENTAL!  

*****

Nakaupo lang ako sa kama habang nakatingin sa babaeng abala sa pagpinta ng apple na may nakatusok na drinking straw sa ginta ng prutas. Ewan ko ba kung anong nasa isip niya at naisipan niyang ipinta ito. Addict talaga ang taong ito. Sapagkat hindi naman kasi siya mahilig magpinta ng tao, hindi pa niya nama-master iyon. Marami siyang pwedeng ipinta pero bakit ganoon pa napili niya?

"Tine?"  tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin at hinintay ang susunod na sasabihin ko. Tinignan ko muna siya ng mabuti at napako ang tingin ko sa mapupungay niyang mga mata na punong-puno ng emosyon.

"Hmmm,"  sabi pa niya.

Tumawa ako ng mahina dahil alam ko na mainipin siyang tao. Kailangan ko ng sabihin kung ano man ang dapat kong sabihin bago pa siya mainis. Ngunit gumapang ang takot at kaba sa puso ko dahil sa sasabihin ko sa kaniya. Kaya umiling na lang ako sabay ngiti sa kaniya ng matamis.

"Tss," sabi na lang niya, binaling na ang tingin sa ginagawa niya kanina pa.

Paano ko nga ba sasabihin sa kaniya? Kaya ko ba?

"Ahmm. Tine?"  tawag ko ulit sa kaniya and this time nag-"hmmm" lang siya pero hindi siya nag-abalang lingunin ako.

Good thing hindi siya lumingon sa akin kasi kung ginawa niya iyon ay baka dagain na naman ang puso ko sa kaba. Baka malunod ako ng tuluyan sa klase ng tingin na ipapakita niya.

"What are we?"  Nag-aalangang tanong ko.

Lumipas ang isang minuto pero wala akong narinig na isang sagot man lang sa tanong ko.

"Tine?"  tawag ko ulit sa kaniya.

"Kailangan ko ba talagang sagutin iyan?"  sagot niya na may halong sarcastic ang tono.

Bigwasan ko kaya siya. Nagtanong nga diba dahil hindi ako sigurado kung ano ba talaga kaming dalawa.

"Sumagot ka na lang kasi!"  Iritang sabi ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"We are friends, Rae! A good one ay hindi, best friend ang tamang sagot doon,"  sagot niya ng diritsa sa tanong ko na nagbigay kirot sa puso ko.

#Bestfriendzone! Dahil sa hindi matahimik ang aking kaluluwa, isip at puso kung hindi ko sasabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin dati pa.

"Gawin nating totoo ang relasyong mayroon tayong dalawa."

Mas lalong dinaga ang puso ko ng may marinig akong nahulog kaya napapikit ako agad. Naku, po!

Noong idinilat ko ang aking mga mata makalipas ang ilang minuto, mababaks ang gulat sa kaniya ekspresyon.

Role Play (GN - ENGLISH VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon