33rd Scene Ramjay Lopez

12.5K 388 4
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Hanggang ngayon ba naman di ka mamamansin?" Tanong sa akin ni Ace ng nasa sasakyan na kami matapos kumain.

Hindi ko siya pinansin at nanghingi nalang ako ng pag main kay Wendyll na kasama ngayon ni Izzy sa back seat. "Wendyll yung chips nga jan pahingi ako."

"Hoy! Kinakausap kita." Tawag pa din niya sa akin.

"Jan ka sa daan tumingin baka maaksidente tayo." Sagot ko dito para hindi na ko kulitin.

"Ikaw nakakainis ka na, ikaw na nga 'tong pinapansin ikaw pa 'tong ayaw."

"Bravo" sabay palakpak ko pa. "Haba ng sentence natin ngayon. Super."

Prumeno naman siya sa stop light ng saktong nag red light ito.

"You" sabay turo niya sa akin ng naka preno na ito.

"Alam mo! sa harap ka nalang tumingin hindi kung saan saan." Turo ko dito.

"Kung kasi hindi ka pikon hindi sana ako napipilitan na makipag usap sa'yo" Bawi niya naman sa akin.

"Waah ako? Pikon! In your dreams."

"Dude ganda naman ata ng kasama natin" banat nung isang lalaking prumeno din katapat namin.

"Wag mo ng pansinin" sagot ko kay Ace. Pero infairness gwapo din si Mamang Driver. Sorry di ko alam ang pangalan at siya ka siya yung nag mamaneho kaya Driver nalang.

"Miss gusto mo bang maki hitch sa amin? Mas maganda ang car namin?" Tuloy pa nung lalaking isa ding gwapo infairness yun nga lang parang tipong mayabang.

Ni roll ko nalang yung bintana ng sasakyan para hindi na nila kami kausapin pero dahil sa sobra nilang kulit ay binato pa talaga nila yung bintana.

"Ano ba?" Sigaw ko sakanila.

"Miss, wag naman bastos. We are opering you a dribe. Ayaw mo nun." Sagot nung isa ulit nilang kasama. Sayang gwapo din siya pero yun nga lang parang hindi ata alam mag English.

Tumawa naman ng malakas si Wendyll at Izzy sa likuran namin ni Ace.

"Friend turuan mo ng proper English yang manliligaw mo. Sige ka baka pag umakyat yan ng ligaw dito mapahiya siya kay Bulol." Pang iinis ni Wendyll sa kanila at mas lalo pang nilalasan ang tawa niya.

Kumunot naman ang noo ni Izzy. "Who's bulol?"

Tinignan naman ni Wendyll ang kaibigan at nag roll eyes pa siya. "Eh sino pa. Di ikaw."

"I'm not bulol." Sagot naman nito.

"Proper tagalog ka nga. Yung straight huh." Hamon naman ni Wendyll sa kanya.

"Fine. I'll pass" akala ko pa naman mag sasalita na ng straight English 'tong si Izzy.

Binaba naman niya ang bintana ng door na katabi niya. "Hey! You!?" duro ni Izzy sa katabe ni driver na epic fail ang English.

"Uy! Dude may isa pang magandang babae dito sa likod oh" sagot naman nung lalaking nasa likod din nung sasakyan nila.

Hindi naman pinansin ni Izzy yung sinabe nung lalaki kanina at pinagpatuloy ang pagtawag dun sa may hawak ng manibela. "Hey! You! Epic Fail"

"Ako ba ang kinakausap mo?" Tanong ni Friend #1 nung napansin na siya ang dinuduro.

"Yes! You" maarteng sagot ni Izzy.

"Guys! Crush ata ako nung tisay." Masayang sagot ni Friend #1.

"Sorry dude! But I'm not into people who don't know how to choose the right vocabulary."

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now