See You Soon

25 3 0
                                    

Unang kita ko pa lang sayo non nung orientation natin, naging crush na kita. Ang lakas kasi ng dating mo. Sayo nga lang ako nakatingin halos hanggang matapos mag-orient e. Natatandaan mo pa ba nung grade 7, yung panahon na sobrang nahiya ako sayo. Paano ba naman kasi inanannounce ni Ma'am na sinabi kong ang gwapo mo. Hindi talaga ako mapakali non, baka kasi mainis ka. Ang tahimik mo pa naman non tapos mukha ka pang masungit. Pero nagkamali ako. Ang bait mo pala, sobra. Hindi tayo naging close non pero pag nag uusap tayo, ang gaan ng pakiramdam ko sayo.

Grade 8, di ko akalaing magiging kaclose kita. Nawala na rin pagkacrush ko sayo, syempre nakilala na kita ng lubusan e. Paano nga ba tayo naging magkalapit? Ng dahil sa viber. Hahaha! Lagi ka rin non nagpapakwento sakin tungkol kay Hyacinth. Yung first love mo. Shiniship ko nga kayo non e. Ang cute niyo kasi tignan tapos pareho pa kayong maputi at matangkad. Pero syempre hindi lahat ng mga taong nagiging mahal natin e nakukuha natin sila. May iba kasing gusto si Hyacinth non. Naging mag-M.U kayo pero halos 1 week lang. Alam ko at nakita ko kung gaano ka nasaktan non.

Hanggang sa nakailan ka na ng girlfriend. Hindi ko alam pero nawala bigla yung dating Clyde na kaibigan ko. Nawala na yung pagiging torpe mo, pagka-inosente mo. Pero maganda nga yon e, atleast medyo nagmamatured ka na pero siyempre namimiss ko pa rin yung dating ikaw. Simula nung nagkagirlfriend ka, aaminin ko na medyo lumalayo na talaga ako sayo. Natatakot ako at ayaw ko kasing makasira ng relationship. Don't get me wrong, I don't like/love you in a romantic way. Pero baka kasi dumating yung point na mag-away kayo ng gf mo dahil sakin, yung magselos siya kasi kung paano kita tratuhin. Kung ano-ano kasi mga tinatawag ko sayo tsaka minsan pa-sweet talk pa tayo. Alam naman kasi nating wala lang sa atin yon.

Magiging malapit lang tayo sa isa't-isa kapag back to single ka na ulit. Kasi alam kong wala naman ng pwedeng magselos non, di ako makakasira ng relationship o mapagmulan ng away. Alam mo bang di talaga ako naniniwala sayo dati na hindi mo naman talaga ako tinuturing na best friend? Puro biro lang kasi tayo non e. Pero napaniwala mo na ako nung isang araw na down na down na talaga ako, hinahanap ko yung sarili ko, ayaw ko na munang makihalubilo o makipag usap sa kahit na kanino. Sinabihan kita non na wag muna tayong mag usap tsaka ayos lang naman sayo non kasi wala lang naman ako sayo. Pero nabigla ako kasi sinabi mo kung gaano ako ka-importante sayo. At don ko rin napagtanto na sobrang special at importante ka rin sakin. Iba ka sa lahat ng mga kaibigan kong lalaki e.

Kaya sobrang lungkot ko na lang nung sinabi mong aalis ka na. Sa ibang bansa na kayo maninirahan ng family niyo. Sobrang lungkot ko talaga non, hindi ko lang pinapahalata. Dumating pa sa punto na pag naiisip ko ngang aalis ka na, naiiyak na lang ako bigla.

Hanggang sa dumating nga yung araw na umalis ka na..

Walang kasiguraduhan kung kailan ka babalik. Maybe after 1 year, 3 years, 5 years, 8 years. Walang nakakaalam. Ikaw na nga rin mismo ang nagsabi na baka hindi ka na bumalik.

Hindi na rin tayo gaanong nagchachat ngayon. Gusto ko lang malaman mo na miss na kita. Sobra. Kahit nung mga panahon na nandito ka pa. Meron kasi sa pagkatao mo na may nawala na at hindi ko alam kung ano yon na pilit ko pa ring hinahanap-hanap. Sana maalala mo pa ako rin ako after 10 years. Alam ko namang importante rin ako sayo pero hindi ko pa rin maiwasan mapa-isip minsan na hindi na.

Sana hindi dito natatapos yung pagiging magkaibigan natin. Isa ka sa mga tao na mahalaga sa buhay ko. Ikaw nga lang nakakatiis sakin kahit na minsan nasusungitan kita tapos inaaway pa. Sina Nate nga, hindi ganyan tulad mo e. Haha! Ayaw kong mawala ka sa akin, ah?

Sana kung magkikita 'man tayo ulit, ganon pa rin tayo kaclose. I miss you, my love so sweet with cherry on top. Oo, 'yan tawag ko sa kanya. Hahahahaha. Ang tagal ko na rin pa lang hindi kita natatawag na ganyan.

Miss na miss na kita.

Balik ka ah, lilibre mo pa ako. Just kidding.

See you soon, Clyde.

See You SoonWhere stories live. Discover now