My Last Goodbye

33 3 2
                                    

"Goodbye."

"Huwag ka ngang ganyan magpaalam."

"Bakit na naman?"

"Ang panget pakinggan. Sige na, umuwi ka na."

"Oo na."

At naglakad na ako papuntang bahay. Ako nga pala si Fritzy Middleton at yung lalakeng kasama ko kanina na kinokontra ako ay walang iba kundi si Troy Odonnell, my boy bestfriend, kaharap lang ng bahay namin ang bahay nila kaya sabay kami pumasok at umuwi galing eskwelahan.

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naligo na ako, nagbihis, nagtoothbrush at ginawa ang iba ko pang rituals bago matulog, pagkatapos ay humiga na ako sa aking kama.

Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata, minulat ko ulit ito at kinuha ang mobile phone mula sa aking side table at nagselfie. Ewan ko ba, pero this past few days naisip ko na magtake ng picture as much as i can and as long as i can, tapos nahiligan ko na rin na palaging binabasa ang mga messages ko, hindi rin ako nagdedelete kahit wala ng sense yung iba. Well, i guess there's nothing wrong with that.

-Morning-

Nagising ako ng may liwanag na sumilaw sa aking mga mata at huni ng ibon na tila awit sa aking tenga.

My gosh, makata na pala ako haha. But seriously, maliwanag na talaga sa kwarto ko dahil umaga na, meron din akong naririnig na mga ibong humuhuni. Tumayo ako at binuksan ang bintana sa aking kwarto, pagbukas ko ay napangiti ako dahil sa nakikita ko, dahil sa pagdungaw sa bintana ko dito sa kwarto ay matatanaw mo ang garden na pinaka-iingatan ni mama.

"May pasok pa pala ako!" Sabi ko at nagmadali nang naligo para makapagbihis na. Nang matapos na ako ay agad akong bumaba para mag-almusal, naabutan ko naman si Daddy na nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning Daddy!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Lumabas naman mula sa kusina si mommy na may dala-dalang dalawang baso ng gatas.

"Good morning mommy!" Hinalikan ko din siya sa pisngi. "Bakit dalawa yung gatas na dala n'yo?" Tanong ko

"Syempre sa akin yung isa!" sigaw ni Troy na lumbas din mula sa kusina.

"Oh? Bakit nandito ka na? Ang aga pa kaya." sabi ko sabay kuha ng bacon.

"Kakadating ko lang naman atsaka anong maaga? 7:30 na kaya, 8:00 am ang pasok natin." sabi ni Troy sabay inom sa kanyang gatas. Malapit na din ang loob ni Troy kina mommy at daddy kaya lagi siyang nasa bahay, kung minsan nga kapag may pupuntahang business meeting si mommy hinahabilin nila ako kay Troy, ganun kalaki ang tiwala nila sa kanya at hindi na ako magtataka because Troy is my bestfriend since we were kids and Troy's Mom and my parents were highschool friends.

"Tara na Fritz." aya sa akin ni Troy kaya tumayo na ako.

"Goodbye mommy daddy. I love you." paalam ko kina mommy

"Fritzy..." Pagbabawal nanaman sakin ni Troy.

"Oo na!" Iritang sagot ko.

"May problema ba anak?" Narinig ata ni Mommy kaya napaharap siya sa amin.

"Heto kasing si Troy lagi nalang akong pinagbabawalan na magsabi ng 'Goodbye' e."

"Bakit mo nga ba siya binabawalan Troy?"

"Ang pangit po kasing pakinggan nang pagkakasabi niya." paliwanag pa niya kay mommy.

"Ah yun ba? Talagang kayong dalawa. O sige na at malelate na kayo." sabi ni mommy nang natatawa-tawa pa.

"Mauna na po kami tito." paalam niya kay daddy.

"Mag-iingat kayo iho."

"Goodbye daddy." tinignan na naman ako ng masama ni Troy but i acted innocent.

The Last GoodbyeWhere stories live. Discover now