Chapter One

18K 240 2
                                    

"What?" Kulang na lang ay pandilatan niya ng mata ang CEO ng kumpanyang pinagtratrabahuhan niya.
"You heard me right. This assignment and you get to be the next president of the company."
"That's absurd! I worked my way to the top. I deserved the position!" Hindi siya makapaniwalang parang walang anumang sinasabi sa kaniya ng boss na hindi niya makukuha ang posisyong pinaghirapan niya dahil hindi siya sumunod sa kapristo nito.
"Come on, G. Hindi mahirap ang pinagagawa ko."
"Walang madali doon. That's illegal!" Muli niyang protesta.
Tumawa ang matandang lalaki. "There's nothing illegal with that, G. Kumpanya ko pa rin iyon, kahit bilang shareholder lang."
"Iyon na nga, sa tagal ko dito, hindi ko alam na may kumpanya ka sa Cebu. Hindi ko maintindihan ay kung bakit ako ang pinagagawa ninyo. Then you're trying to lure me out with that promotion."
"That's the point. Ikaw sa lahat ang pinakapinagtitiwalaan ko. You're almost my daughter. Kaya naman sa'yo ko ito ipinagkakatiwala. Alam kong unfair para sa'yo na hilingin ito kapalit ng promotion mo. But please do this for me. Just this one for this old man." Seryoso na ang anyo nito.
Napailing siya. Trust the old man to put her on the spot. Alam na alam nito ang kahinaan niya, hindi niya ito mahindian lalo na kapag ginamitan na siya ng ganoong tono na para bang bata ito at umuungot ng candy na gustong-gusto nito.
"Paanong hindi ko nalaman ang tungkol doon?"
"Share lang ang meron ako, hindi siya talaga pag-aari ng Santibanez Group of Company. Iba ang presidente at CEO. 10% lang ang nasa pangalan ko. Gusto ko lang protektahan ang parte ko lalo pa at maliit lang iyon. Please, Anna Geraldine..." Muling ungot nito.
Hindi niya mapigilang mapangiti, tinatawag lang siya nito sa buong pangalan niya kapag may hihilingin ito sa kaniya na hindi niya gusting gawin. "Fine! Ano pa ba ang magagawa ko? That's two months right?" Iisipin na lang niyang magbabakasyon siya, with pay.
Maluwang itong ngumiti na halos pangalawa na niyang ama. Ninong niya at kaibigan ng nadeads niyang tatay. Ito na halos ang tumayong magulang niya simula ng maulila siya dalawang taon pagka-graduate ng college. Mahigit limang taon narin at kilalang-kilala na niya ito. Wala itong ginusto na hindi nasunod. At siya ngayon ang napagtritripan nito.
Well, in some ways, he didn't mean any harm. In the end, it was always for the good of everyone. Kahit minsan ay hindi siya sang-ayon sa mga ways nito, saludo naman siya sa dedication nito na gumawa ng desisyong makakabuti para sa marami. Ang totoo, hinihiling niya na hindi niya mabigo ang matanda at magtagumpay siya. Nakadama siya ng galit sa taong nananamantala kay Don Enrico Santibanez. And she will do all she can in order to protect the old man.
Isa pa, para din ito sa sarili niyang pangarap. She'll be the next president of the company. Alam niyang unfair dahil deserved niya ang posisyon iyon pero alam niyang magagawa niya ng successful ang gusto ng matanda. It would be too easy for her.

"Damn it! I need to talk to the old man!" Halos mamatid ang litid niya sa pagsigaw. What kind of mess did she get herself into?
Imbes na matakot ang babaeng kasama niya sa kwarto ay tumawa pa ito ng malakas. "Relax!"
Pinandilatan niya ang kaibigan. "Relax? Look at me! Sino ang makakapagrelax sa itsurang ito?" Ibinalik niya ang paningin sa life size mirror at napangiwi siya sa itsura niya. Where's Anna Geraldine Alcantara?
Tinabihan siya ng kaibigan niyang si Valerie. Ito rin ang salarin kung bakit ganito ang itsura niya. Ito ang kaniyang make-up at wardrobe personnel ngayon, para tuloy gusto niya itong sakalin. Pero hindi niya magagawa dahil napag-utusan lang ito.
"You're gorgeous! Tiyak pagkakaguluhan ka doon." Valerie said.
"Gorgeous? Hindi na ako igagalang ng mga subordinates ko kapag nakita nila ako." She shrieked.
Muling tumawa ang baliw niyang kaibigan. "Don't worry, two months lang, hindi ka naman nila makikita eh, layo kaya ng pupuntahan mo. Saka pumayag ka na sa gusto ni Daddy. No backing out."
Inirapan niya ito. "Manang-mana ka sa tatay mo!"
Muli itong humalakhak na parang nang-iinis pa. "Of course, daddy's girl!"
"Ewan sa'yo!" Saka siya muling tumitig sa sarili niya sa harap ng salamin. The person reflecting in the mirror is a slut personified. Super high heels, micro mini skirt, hanging blouse and deep neckline. Hindi rin pahuhuli ang buhok niya, gulo-gulo na parang hindi nagsuklay. Kamusta naman ang make-up niya? Makapal na kolorete sa mukha at matingkad na lipstick, violet! Neon pink ang blouse niya at light green na palda. Seryoso ba siya talaga sa pinapasok niyang gusot?
"Bakit ganito?" Parang gusto niyang umiyak. Ganito ang itsura niya sa loob ng dalawang buwan? Baka mapariwara ang buhay niya.
"G, para mas kapani-paniwala, para hindi sila maghinala kung ano talaga ang motibo mo doon. If you went there as the real you, you'll never caught the criminal embezzeling the company's money. Kailangang kang umakto na parang clueless ka sa mga bagay-bagay."
"In short, weird na sekretarya." She concluded.
Tumawa ito. "Of course, hindi naman pwedeng yung totoong ikaw ang humarap doon. They will be suspicious of you. Kaya nga Geraldine Morales ang gagamitin mong name di'ba, para hindi nila mahalata kung sino ka talaga. Kaya din ganiyan get-up mo para hindi ka mamukhaan."
"Sa itsura ko bang ito, hindi sila maghihinala?"
"For sure hindi nila maiisip na may iba kang motibo sa pagpunta doon."
"I'm not sure. This is kinda lame." Hindi pa rin siya kumbinsido.
"Relax, my friend. Kayang-kaya mo iyan. Isipin mo na lang na ginagawa mo ito para sa Daddy at sa company. Plus my bonus ka pang promotion. Mantakin mo, ikaw na ang next president. Ibang level ka na, hindi na kita mareach!"
She laughed at her. Kahit kailan talaga ay puro kalokohan ito. Hindi nga niya alam kung paano sila nagkakasundo gayung opposite sila sa lahat ng bagay. Ito nga dapat ang namamahala sa kumpanya ng daddy nito pero hindi iyon gusto ng babae. International model ito at pabalik-balik sa ibang bansa para sa mga commitments nito. Iniindulge ito ng mga magulang nito dahil kaisa-isang anak. "Fine, wala na nga akong magagawa dahil pumayag na ako. So, lahat ng damit ko ganito ang cut, pati make up ko?"
"Yap, I already bought the clothes for you!"
Napailing siya. "Hindi ka naman masyadong ready ano?"
Tumawa lang ang babae.

The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon