Chapter 1: Glowing Tarpaulin

5 0 0
                                    


Kyleigh's Pov

"Ang init naman!" Inis na sambit ko, nagpalit ako ng damit at lumabas para magpahangin. May nakita akong maliwanag na ewan sa tapat ng bahay ko kaya pumunta ako don, may nakita ako isang napakalaking tarpaulin (Photo on the media). "Spellcraft? Academy of Magic? What kind of sht is this?" Natatawa kong sambit, tiningnan ko uli ito ng mabuti at nakaagaw ng pansin ko yung ps no tuition fee, a private school with no tuition fee? is this some kind of joke? pero wala namang mawawala kung itatry ko diba.

Tumakbo ako papunta sa bahay at binuksan ang luma kong laptop para isearch ang website na nakalagay doon, wth kailangan ng password para makapasok sa website, tinry kong iemail at kailangan rin ng password, tinry ko ring tumawag ngunit paulit ulit lang na sinasabi na say the magic word daw. Naloko ako don ah, kala ko pa naman makakalibre na ko ng tuition fee.

Naiiyak akong humiga sa kama at nagmukmok "Pano ako magaaral neto? San ako kukuha ng pera?" wala na akong magulang, hindi ko alam kung nasan sila. Ang tita ko ang nag palaki sakin ngunit bigla na lang siyang nawala, tatlong linggo na. I tried to find her pero may nabasa akong note sa kwarto niya na huwag ko raw siyang hanapin. Oh diba, nakakaloka, panong hindi ko siya haha napin eh kahit singkong butas hindi siya nagiwan? ay nagiwan pala siya ng mga pagkain pero malapit ko na ring maubos ang mga yon.

*Ting!* Maghanap kaya ako ng trabaho? Kinuha ko ulit ang laptop ko at nag search search search, *Pop* may nag chat sakin sa fb.

"Kyleigh, nahanap mo na ba ang tita mo?" si Chase lang pala, bestfriend ko, Nagiisang kaibigan ko.

"Hindi nga eh T_T" reply ko.

"Sabi ko naman sayo dito ka muna tumira saamin, magugutom ka diyan sige ka." Reply niya, gusto ko naman eh kaso nakakahiya, shytype kaya ako.

"Wag na, nakakahiya kay tita." Lagi kasi akong nasakanila, at inuubos ang stock ng pagkain niya sa kwarto mwehehe.

"Eh pano ka niyan? Pano ka magaaral? Pano ka kakain?" pano nga ba?

"Uhmm, magtatrabaho?" di siguradong sagot ko,

"Sa coffee shop ka nalang ni tito mag trabaho, i'll talk to him later. Bawal tumanggi." Ang bait bait talaga ng bestfriend ko, katouch anoba.

Nag pasalamat ako kay Chase at nagpaalam na para maligo, at para makapunta na sa coffee shop ng tito niya. Nag ayos ako at naglakad nalang papunta sa coffee shop. "So you're the girl who's Chase talking about? Come on, they will show you how you're going to do your job." Nagthankyou ako at umalis na siya dahil may meeting pa daw siya, buhay bussinessman nga naman.

"Helloooo!!! Anong pangalan mo? Ang ganda ganda mo naman. Saan ka nakatira? Ilang taon ka na? Ako nga pala si Audrey Santiago *abot kamay*" Masiglang sigaw niya, oo sigaw, ang ingay niya pero muka naman siyang mabait. Inabot ko ang kamay niyang nakalahad at sinagot ang mga tanong niya "Kyleigh Bellona, diyaan lang sa kabilang street, 15 palang ako" Nakangiti kong sagot.

"Waaaa ang ganda mo talaga, lalo na pag nakangiti. Shet natotomboy ako." Masiglang sambit niya, ang hyper niya. Tumawa nalang ako at nag thankyou.
Sinimulan ko na ang trabaho ko, nagserve ako sa mga customer, punas ng mga lamesa. "Miss?" Ako ba ang tinatawag niya? Lumingon ako at nakatingin nga siya saakin kaya lumapit ako. "Isang mocha latte, large" Tumango ako at ngumiti.

Naglakad ako papunta sa table na inuupuan nung lalaking umorder ng mocha latte, medyo matanda siguro mga nasa 40's na siya ngunit gwapo parin at mukang mayaman. Binigay ko ang order niya at may inabot siya saking papel, akala ko tip, masyado akong nagassume, papel lang pala. Binulsa ko muna ito, at pinag patuloy ang trabaho ko.

"Bye Kyleigh! See you tomorrow! Ingat ka!" Masiglang sigaw ni Audrey. "Byee, ingat ka rin!" Masigla ko ring sigaw sakanya, masaya ako eh dahil makakauwi na ko. Nakakapagod pala magtrabaho no, feeling ko dinaanan ng truck yung katawan ko, ang sakit eh. Di ko alam kung nakakapagod ba yung trabaho ko o kulang lang talaga ako sa exercise.

Pagdating ko sa bahay, naligo ako saglit at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang cellphone, at pumunta sa terrace. Napansin kong wala na ang tarpaulin na maliwanag na nakita ko kaninang umaga. Naalala ko yung papel na binigay saakin nung lalaki kaya pumunta ako sa banyo para kunin ito sa sinuot kong pantalon kanina. Binuklat ko ito at may nakalagay na "Spellcraft: Academy of Magic Website and Email Password: hecate" What's Hecate? Sino kaya yung lalaking yon? Bat niya kaya binigay sakin to? Weird.

Tinry ko yung password doon sa website at gumana nga ito at nagbukas, tiningnan ko yung pictures ng school, maganda naman kaso ang weird naman ng mga teachers don, naka robe sila at may hat na triangle. Muka silang wizard, yung parang sa enchanted kingdom, ganon yung suot nila. Dito na lang kaya ako mag enroll? Kaso parang ang weird eh, yung pangalan, yung lalaki kanina.

Sinend ko nalang sa email nila yung fifill up-an na form para mag enroll, nag decide na ko na dito nalang mag aral kahit weird yung pangalan, kasi libre pagkain, uniform, gamit, at may dorm pa. Oh diba, aarte pa ba ko? Syempre hindi na. Humiga na ko sa kama at natulog na.

-------------------------------------------------------------------------------------------

The font on the cover is not mine, I searched school of magic and I saw that so I saved it. (c)

I'm not good at writing stories, so please bear with me. I just tried to write this story because there's so many imaginations running in my head, so I decided to express it through writing.

Next chapter, I'll show you the room of Kyleigh. I'm the one who made it, by the help of room planner app.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 16, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

SpellCraft: School of MagicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora