Invisible

3.1K 123 48
                                    

Naalala ko pa noon nung una kitang nakita. May activity tayo noon sa school at sa totoo lang bored na bored na ako non. Pano ba naman, hindi ako mahilig makinig sa mga debate o sa kung ano-ano pa. Paalis na sana ako non ng narinig ko ang mga taong naghiyawan.

Akala ko kung anong problema nila pero nagbago yon nung nakita kita. Parang tumigil ang oras ng ika'y aking nakita. Ang simple mo. Naka plain white shirt ka lang, pants at vans pero siopao lang ang lakas ng dating mo. Bumalik ako sa pagkakaupo at ika'y aking pinanuod.

Hindi ko maipagkakaila na magaling ka sumayaw. Pano ba naman, bawat bagsak ng mga nota sa kanta ay sinasabayan mo ng indak. Halatang halata na ito ang gustong gusto mong gawin, ang sumayaw. Nang matapos ang programa, agad akong pumunta sa backstage para makita ka, pero wala na akong naabutan. Hindi na kita naabutan. Tanging yung video mo lang na sumasayaw ang aking pinanghahawakan.

Lumipas ang mga araw, hindi na muling nagkrus ang ating mga landas. Sadya bang malaki ang paaralan o ayaw lang ng tadhanang maging masaya ako kahit minsan? Hay. Buhay nga naman o, kung kailan mo gustong maging masaya tsaka ka naman pahihirapan. Tsk.

Badminton try outs namin noon, habang naglalaro ako lumabas ka mula sa isang silid kasama ang mga taong kasama mong sumayaw nung nakaraang araw. Suot mo nanaman yung plain white shirt na bagay sayo. Nanuod kayo ng laban at kung nananadya ka nga naman, pumwesto ka pa sa likod ng kalaban ko. Nawala tuloy ako sa konsentrasyon pano ba naman, nakatitig ka lang sa akin habang nakangiti. Natalo ako dahil sa iyong ginawa. Nainis ako. Pangarap ko yon eh ang makapasok sa varsity pero ng dahil sayo nawala.

Pero may kapalit yung ginawa mo. Nakikinig ako nun sa coach namin at ng tumalikod ako, siya rin ang harap mo sa akin. Halos magkalapit na ang mga labi natin. Agad akong tumalikod sayo at humingi ng patawad. Buti nalang at hindi mo nakita ang aking mukha nakaheavy bangs kasi ako noon, feeling koreana lang. Sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses mo. Ang ganda nito, napakababa pero napakalambing. Lalong bumilis ang puso ko dahil dito. Crush lang naman kita ah, pero bakit ganto ang nararamdaman ko?

Mabilis na lumipas ang mga buwan, mas lalo pa kitang nakilala. Ang ganda nga ng pangalan mo eh, Indigo Luis Avila. Isa kang junior, hilig mo ang pag sayaw at ang pag tugtog ng gitara. Hindi ka lang puro looks pero puro ka din attitude. Ang bait mo, walang araw na hindi kita nakitang nakangiti. Contagious nga ata ang ngiti mo eh, makita ko lang kasi ito, napapangiti na rin ako.

Isang araw, malakas ang buhos ng ulan. Nastuck ako sa may foodcourt kasama ng aking kaibigan. Nakaramdam ako ng gutom kaya pansamantala ko siyang iniwan para bumili. Pagpasok ko nung store, nandon ka rin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para hindi mo ako mapansin, dali dali kong hinawakan ang isang supot ng potchi. Pero wrong move, kasi hinawakan mo rin yon dahilan para magkahawak ang ating mga kamay. Bitiwan ko ito at nagnod sayo.

"Sige kuya, ikaw nalang po ang bumili niyan."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo ng tinawag mo ang atensyon ko.

"Sayo na yan. Ikaw naman ang unang nakahawak eh. :)"

Ayan nanaman po ang mabilis na tibok ng puso ko. Feeling ko nga, kulang nalang at lumabas ito mula sa aking dibdib. Tumango ako sayo at dahan dahang kinuha ang supot ng potchi sa kamay mo. Nagpasalamat ako at binayaran nato upang makaalis na sa lalong madaling panahon.

"Oh Blue, natagalan ka ata sa pagbili ng pagkain?"

Natatawang sabi sa akin ng kaibigan ko. Nginitian ko nalang siya at umupo sa kaniyang tabi. Binuksan ko na yung supot ng potchi at nagsimula na tayong kumain.

InvisibleWhere stories live. Discover now