ANG NAKARAAN #1

294K 4.1K 390
                                    

"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"

Toinks!

Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?

"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.

Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap.

"God, na-miss kitang bata ka."

"Na-miss din po kita, Tita."

Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan.

"Okay lang po ako, Tita."

"Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakabait na ginang si Yolly.

Naluha naman si Yolly. Hindi rin niya mailarawan kasi ang damdamin na muling makita ang mabait na ginang. Maliban kay Yaya Chadeng ay ito rin kasi ang tinuturing niyang pangalawang ina. Kasama sa kalokohan, for exact.

Noong nagtatago nga siya sa maid quarters ay paminsan-minsan lumalabas siya at sumisilip kasi hindi niya matiis na hindi ito makita lalo na si Andy, pero syempre maingat na maingat siya. Sinisigurado niyang hindi siya makikita. Subalit sa halos tatlong buwan na iyon ay mailap na makita niya ang mag-ina dahil nga sa wala lagi sila sa bahay gawa ng paghahanap daw sa kanya.

"Hindi namin alam kung saan ka hahanapin, Diyos ko, iang drum 'ata ng luha ang naubos namin ni Balaeng Yolanda kakaiyak dahil kinakabahan kami sa 'yo. 'Yang si Andy naubos lahat ng alak sa mini bar. Ay, Grabe talaga," kuwento pa ni Madam Angie.

Napahagikgik si Yolly na napatingin kay Andy.

"Yolly, ano kumusta ang ending? Ayos ba? Nakakilig ba ang moment na sinasabi mo?" bungad ng excited na si Yaya Chadeng na bagong gising.

Inirapan ito ni Yolly. Naalala niyang tinulugan kasi siya nito. Ang sama.

Natawa naman si Andy. Dahil alam na nito ang lahat. Alam na nito na pakana lahat ni Yaya Chadeng ang nangyari. Bago kasi sila umuwi pagkatapos ng halikan na iyon ay nagkwentuhan muna sila ni Yolly at ipinagtapat lahat ni Yolly sa kanya. Una na nilang pinauwi sa Karen na inubos ang lahat ng pera sa wallet ni Andy. Bayad daw sa binigay nito sa magbabalut.

Napatingin si Madam Angie kay Yaya Chadeng. "Ano'ng ibig sabihin nito, Yaya? Mayroon ba akong hindi alam na ginawa mo? Anong ending ang sinasabi mo?"

Biglang tiklob si Yaya Chadeng sa kinatatayuan. Nag-peace sign ito kay Madam na humakbang patalikod. Ito yata ang lagot ngayon. Aw!

But at least dahil sa ginawa nitong pagtatago kay Yolly ay naging maganda naman ang resulta. Dahil kung hindi, eh, malamang indenial pa rin ng indenial ang dalawa sa totoong damdamin nila.

"Mom, may kasalanan nga sa 'tin si Yaya," sumbong ni Andy sa ina.

"Yaya, ano 'yon?!" nanlalaking mga mata ni Madam Angie na tanong pa kay Yaya Chadeng.

"Madam, magpapaliwanag ako," napangiwing wika ni Yaya Chadeng.

"Pwes, simulan mo na!" galit na hindi na sabi ni Madam Angie.

BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon