6 Words in 6 Days

2 0 0
                                    

11:11?

11:23?

15 Days?

Nine Stars?

5 signs?

24 signs?

At yung isusulat mo yung pangalan nang crush mo sa stars yung connect the dots?

Ako nga pala si Noelle at marami na akong alam na mga ganyan at lahat nang mga yan nagawa ko na, pero in the end wala parin nangyari. Alam ko naman talaga eh, Dahil yung mga yun ay mga astrology theories lang o mga theorya na maaring totoo at maaring hindi pero higit sa lahat marami parin ang sumusubok, marami parin ang sumusugal sa paniniwala, sabagay wala nga naming mawawala kung humiling ka, kung gawin mong wallpaper ang crush mo sa loob nang 15 days nang walang nakakakita , o dikaya magbilang nang 9 stars nang 9 gabi at Humiling nang wish kapag pumatak na ang orasan mo nang 11:11 o 23:11. Wala naman talagang mawawala kung sumubok, Kailangan lang minsan talagang tanggapin sa huli na maaring matupad ang mga ito at maaring hindi. Tulad nalang sa akin halos gawin ko na lahat yan pero wala paring nangyari, wala paring dumadating sa akin, may dumating nga pero hindi naman nagtagal, may dumating nga at nagbigay nang pahiwatig pero hindi naman talaga totoong para sa akin at ito pa ang nakaka-loka may dumating bakla naman pala.

"Noelle! Noelle! Halika dito!" sigaw ni Stefani sa akin. "Oh? Ano nanaman yan, Huhulaan ko ngayon palang tungkol nanaman yan sa mga wish wish ha?" bungad kong sabi habang papalapit ako. "AHH Oo siguro hahaha, Pero ngayun try na natin last na ito last na last na talaga best." Pakiusap ni Stefani. "Hayy. I won't believe it would be the last,cause I know that no matter how we say that "LAST" word it still won't end." Paliwanag ko. "Ayan kananaman eh, Sige na subukan lang natin , Diba wala na mang mawawala kong susubukan diba?" Pagpipilit niya, "Sige na nga subukan natin ano ba yan?" Halos magtatalon si Stefani nung pumayag ako at sabay paliwanag sa akin ito ay "6 words in 6 Days to your crush and you will post it to facebook and supposedly you need to have 6 likes or more and darating ang lalakeng para sayo o di kaya magiging kayo nang crush mo. Game?" tanong niya. "Game" sabi ko.

Nagsimula na akong magpost sa FB nang status ko with 6 words lang para kay crush at ito yung first 6 words ko in my first day; "Things are impossible but let's try." Tapos hindi palang umaabot nang 1 oras ay umabot na ang 6 more likes yung status. Kaya yun pinagpatuloy ko nalang hanggang makaabot ako sa pang-anim na araw. Pang-tatlong araw na ngayon simula nang ginawa ko yung 6 words in 6 days nang habang naglalakad ako pauwi galling eskwela ay nakita ko si crush, grabe matipuno talaga,Sakto lang ang kanyang katawan, Maputi, Hindi naman gaano katangos o ka pango ang Ilong, ang ganda nang mata at nakakamtay ang kanyang ngiti. Siya nga pala si Keith kaklase at maaring kaibigan na rin dahil kaibigan siya nang mga kaibigan ko ika nga "Your friends are also my friends." Tinawag ko siya at lumingon naman siya pero lumingon lang at ngumiti kaya ngumiti rin ako pero hindi siya lumapit nakalimutan ko palang sabihin na medyo snob pala siya. Nung naka-uwi na ako nang bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko upang mag-status na nang 6 words. Ito ang sinabi ko "Walking down the street you smiled" nung matapos na akong mag-status ay tumingin muna ako sa news feed at bumungad ako sa status ni Keith six words rin yung status niya at nakalagay "She called my name and smiled ." Nagulat ako dahil ako yung tumawag sa kanya kanina nang pangalan niya at nag-smile ako, baka ako yung status niya?, baka gumagawa rin siya nang 6 words pang-ilang araw na kaya niya? Agad kong tinignan yung Timeline niya nalaman ko nalang na pang 6 na araw niya nap ala at bigla akong nagtaka kung sino itong babaeng sinasabi niya sa status niya, para kasing ako. Kasi naman nakalagay tinawag yung pangalan niya, nakatabi niya nung nasa Science lab, Pinahiram siya nang ballpen. Ako yung gumawa nun sa kanya? Hindi kaya? Crush niya din ako?

Mabilis na lumilipad ang oras pang-anim na araw na ngayun at last day na matagumpay naman ako sa mga status ko dahil maraming nag-like. Naglalakad ako papuntang classroom nang narinig kong naghihiyawan ang mga kaklase ko kaya nagtaka ako siguro wala pa si Ma'am kaya dali-dali akong pumasok sa room namin. Nagulat ako sa nakita ko, maraming flowers, naghihiyawan lahat nang ka-klase ako, may mga balloons at siyempre may nag-gitara nang love song, halos kinakabahan ako at lalo pa akong nagulat nang makita ko si Keith na nakaluhod sa harap

.

.

.

.Ni

.

.Stefani?

At tinatanong niya ito kung okay lang na maging Girlfriend niya ito. Hindi alam ni Stefani na crush ko si Keith, Wala ring may alam pero kung pwede lang akong tumakbo sa labas at umalis dito sa kinaroroonan ko kaso lang parang hindi ako makagalaw na para bang hindi ako pinapaalis nang aking mata nang tumulo nalang yung mga mata ko sa sagot ni Stefani kay Keith na

"Oo."

Bigla itong yinakap ni Keith at bigla rin akong nakatakbo nalang sa labas na para bang hindi ko alam kung saan ako pupunta basta lang makalayo dito para makapag-isip'isip. Habang tumatakbo ako napagtanto ko nun na hindi lang pala ako ang tumawag kay Keith nang naka'ngiti, at hindi lang pala ako yung katabi niya sa science lab dahil nung araw na din nun ay magkatabi kaming tatlo nila Stefani at nung pagkasunod na araw ay humiram siya nang ballpen sa akin pero pagkatapos nun ay humiram siya nang ballpen kay Stefani dahil hindi gumana yung binigay ko. Bakit ba kasi ako umaasa na ako yung nasa status niya? Bakit ba kasi binigyan ko lahat nang motibo yung ginagawa niya bakit ba kasi? Ang tanga ko naman talaga. Habang napahinto ako sa pagtakbo ay narinig ko ang mga yapak sa likod ko na tumatakbo nang Makita ko to nagulat ako dahil si Keith papalapit nang papalapit sa akin sabay tawag niya nang pangalan ko "Noelle?!" Noelle?!" sigaw niya habang malapit na sa akin. "Okay kalang ba? Nakita kasi kitang umiiyak dun sa room habang nag-sho'shooting kami para sa Filipino Role play kanina, Ayos kalang ba? Nakita kitang tumakbo nalang papalabas kaya sinundan agad kita." Sabi niya habang napahinto sa harapan ako, Habang ako ay nagulat sa mga sinasabi niya. "Anong Role play? Wala naman akong alam na Role Play eh." Bungad ko na tanong sa kanya. Natawa siya sa sabbi ko "Akala mo walang Role Play kasi kahapon natutulog ka nung sinabi sa atin yun, akala ko alam mo? Hindi pala sinabi sayo ni Stefani?Yan kasi puro tulog kalang." Pagpapaliwanag niya sa akin. "Ewan ko sayo, Nasaktan ako kaya dun, Akala ko totoo." Sabi ko nang pabulong. "Akala mo totoo? Nakakaloko ka naman talaga no? Siyempre hindi yun totoo. Kasi hindi ko naman gusto si Stefani at isa pa gumawa ako nang 6 Words in 6 days sa Facebook pang walong araw ko na nga ngayun eh." Narinig niya pala yung bulong ako, at ano ang sinasabi niya? So sino tinutukoy niya?. "So Ano naman ngayon? Sino naman yung gusto mo?" bungad kong tanong.

"Tinatanong mo kung sino ang gusto ko?" Tanong niya sa akin.

"Siya yung babaeng tumawag nang pangalan ko at nginitian ako sa daan, Siya rin yung nagpahiram nang ballpen na hindi gumana, Siya rin yung lagi kong katabi sa Science lab at Siya rin yung nagging kahati ko sa Sandwhich kahit hindi naman talaga kami Super Close,At siya yung nakabangga ko nung first day of school at ngayun ang babaeng yun ay nasa harapan ko na." sabi niya habang ako ay tahimik lang.

"Sino?" sabi ko na'nagpapaka'inosente a ata.

.

.

.

.Akala ko sasagutin niya ang tanong ko, ngunit nagulat nalang ako nang dumampi ang kanyang mga labi sa akin at bumitaw siya sa paghalik sabay sabi

.

.

.

.

. "Ikaw". 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

6 word in 6 days(One shot)Where stories live. Discover now