Perfectly Imperfect

52 4 2
                                    


Taas noo akong naglalakad palabas sa campus. Wala eh, maganda ako. May iilang sinusundan ako ng tingin at may iba naman na walang pakialam. Naiinggit lang siguro sila sa mukha ko at sa height ko. Hah! Edi mainggit sila.

"Ano ka ba Noreen! Kebabaeng tao, anlakas manigarilyo.", sabi ng isang kaklase ko.

Inismiran ko lang sya sabay hithit ulit sa sigarilyo ko.

"Oraaayt! Agahan, tanghalian, hapunan mamen?", malakas na sigaw ng kaibigan kong si Ulysses.

"Manghihingi ka lang ng yosi eh!", sigaw ko pabalik sa kanya.

"Ang galing mo talaga! Akin na nga yan!", sabay kuha sa extrang yosi ko. Anubayan!

Oo, nagyoyosi ako. At ang mga mabubuting tao *insert sarcasm* ay grabe makahusga sa akin. Ang peperfect nila eh! Nakakahiya naman sa kanila. *roll eyes*

Oh, hindi ako nasasaktan kung yan ang iniisip nyo. Wala akong pake sa kanila. Kapag ba naapektuhan ako sa mga sinasabi nila, yayaman ako? Hindi naman diba?

~•~

"Hi miss.", ngiting bungad sa akin ng isang lalaki. Tch, akala mo naman gwapo.

Tiningnan ko lang ang nakalahad nyang kamay tsaka nilampasan sya.

"Ang snob mo naman miss." Aba sinundan pala ako ng mokong.

"Alam mo mister--"

"Enrico.", sabat nya.

"Alam mo, wala akong panahon para ientertain ka. Kaya pwede ba? Tumabi ka."

"Eto naman. Magpapakilala lang eh. Classmate naman tayo sa isang subject kaya siguro naman pwede di ba?"

I just rolled my eyes. Guys nowadays.

"Fine! Kilala mo naman siguro ako kasi 'classmate naman tayo sa isang subject'." I said while imitating his tone. He just laughed anyway.

"Yes Ms. Yangyang. I knew you."

I glared at him. "You don't know me. No one knew the real me so shut up."

"Alam mo? Lagi mong pinipigilang maging close sa isang tao."

"I don't trust people. Especially, like you."

"Hindi mo din ako kilala Noreen."

"Alam mo? You're just wasting your time getting to know a party person like me. Hindi mo ba naririnig ang mga taong humuhusga sakin?"

"They don't know you and besides, you may have your reasons why you are like that. You are perfect. That's the thing they can't see."

"I am not perfect. No one is perfect. Imperfect akong tao mister--"

"Enrico."

"Enrico. Imperfect akong tao. Kaya pwede ba? Ginugutom mo lang ako eh."

He chuckled. Aba gago to ah! "Your imperfections are the reasons why you are perfect. Sa mga imperfections mo nakikita ang tunay na ikaw. And being the real you? It takes courage and with that? You are perfect."

I was dumbfounded by his words. May point sya.

"Tara? Ginutom kita diba? Libre na kita."

Tumango na lang ako. Oo nga, gutom na ako.

~•~

Months passed. At sa mga buwang iyon, mas naging close ko si Enrico. Mabait sya atsaka marami syang Words Of Wisdom.

Hell No! Hindi ako in love sa kanya ha? Mga iniisip nyo eh no? Sampalin ko kayo dyan eh!

Pero special sya sa akin.

"Oy! Uwi na ako ha?", sabi nya.

"O sige. Ingat ka ha?"

"I will. I love you."

"Ha? Ano yun?", bakit ba kasi bubulong pa eh!

"Wala! Sige na. Babye."

"Biyers!"

~•~

Nakatingin ako sa langit habang nakahiga sa damuhan. Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakakarelax.

Napatingin ako sa pangalang nakalagay dito sa tabi ko at napangiti.

Siguro masaya ka na kung nasaan ka ngayon no?

Ang daya mo naman. Iniwan mo kami. Iniwan mo ako. Pero mahal na mahal kita. Wala ka man ngayon, alam kong lagi mo akong binabantayan. Isang taon na din ang nakalipas pero hindi pa rin masink in sa utak ko. Ikaw yung una eh.

Ikaw yung unang anak namin.

"Tara na?", he asked and I nodded.

For the last time, we looked at her tomb.

Mahal na mahal ka namin Coreen.

We lost our first daughter kasi mahina yung puso nya. For Godsake! She died two days after I gave birth to her. Masakit pero knowing na nandito si Enrico sa tabi ko, naging matatag ako.

Ang gulo ng pinagdaanan namin. Pero nandito pa rin kami.

"Road trip tayo?", he asked.

"Tara!", sabi ko sabay hila sa kanya. Excited ako eh!

Oo, hindi ako perpektong tao. At hindi din perpekto itong lalaking ito na nasa tabi ko. Pero dahil sa pagiging imperpekto namin, naging perpekto ang pagsasamahan namin.

Our imperfection is the reason why we fell in love with each other.

Fin.
------
Okay! Kaway-kaway kay NoPainNoReen! Haha labyu goy! Baws'2 lang yan. :-D aylabyo.
PS: ALAM KONG WALEY.

One ShotsWhere stories live. Discover now