I Love You, Pikachu! (One-Shot)

27.2K 725 83
                                    

Dedicated to JaztinKei. Gurlpreyn ko 'yan. Hihibells! Sana magustuhan mo. Harthart:**

---

"Go Pikachu, thunderbolt attack!" yan ang sigaw ni Ash Ketchum sa anime na pinapanood ko, ang Pokemon. Sino ba namang tao ang hindi nakapanood sa ganitong act ng isa sa mga pinakasikat na Pokemon na si Pikachu? Si Pikachu ang pinakapaboritong Pokemon ni Ash, at ayaw n'ya itong mag-evolve bilang isang Raichu. Sa totoo lang, mas cute naman si Pikachu, kumpara sa isang Raichu. Patuloy ako sa pagkain ng popcorn habang nanonood pa rin. Ilang beses ko na ngang inuulit-ulit ang panonood sa Pokemon, pero hindi pa rin ako nagsasawa rito, lalo na sa ubod nang cute na si Pikachu. Habang busy ako sa panonood, biglang umalingawngaw sa living room ang boses ng kapatid kong megaphone. Dinaig pa si Mama kung makasigaw eh. Akala mo naman kung isang bundok ang pagitan namin.-_-''

"Hay naku Brielle, ilang ulit na kitang nadadatnang pinapanood 'yang dilaw na nilalang na 'yan. Ano bang napapala mo sa panonood sa dilaw na nilalang na 'yan, eh wala naman s'yang ginawa kundi maglabas ng electric shocks. Hay naku, baka paggising mo isang araw, kamukha mo na 'yang si Puchichu? Tsk!" sabi n'ya sabay kuha ng popcorn doon sa bowl at naupo doon sa tabi ko. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, panira sa trip eh. Pake n'ya ba kung adik ako kay Pikachu? Palibhasa kasi wala s'yang hilig sa mga cute creatures na katulad ni Pikachu. Paano ba naman kasi, puro boys ang nasa kokote. Kung hindi ko lang 'to kapatid, sasabihan ko talaga s'yang malandi. Hay naku.TT__TT

"Hoy Brielle, bakit ka ba adik sa Puchichu na 'yan? Nakakadiri 'yung mukha n'ya! Mukha s'yang ewan! Mukhang sapatos!" sigaw n'ya habang nakatutok ang mata doon sa pinapanood ko. Akala ko ba ayaw n'ya kay Pikachu? Etong babaeng 'to talaga, may UFO sa ulo.

"Anong pustiso ka d'yan? Pikachu! PIKACHU! PI-KA-CHUUU! Gets?!" sabi ko sabay iling. Mas mukha pa s'yang pustiso kumpara kay Pikachu noh. "Napakagaling mo talaga Pikachu! The best ka!" sabi ni Ash pagkatapos ng naging laban nila sa isang wild pokemon na si Squirtle. Ang galing talaga ni Pikachu! Wiee~~ Kung totoo lang talaga s'ya, baka isa ng zoo ng mga Pikachu 'tong bahay namin. Nasa gitna ako ng panonood sa next episode nang biglang magring ang aking phone.

~Just a kiss on your lips in the moon light, just a touch, and the fire burning so bright...~

"Hello?" yan ang bungad ko doon sa kabilang linya. Sino ba 'tong tumatawag? Unknown caller kasi eh.

"Hello?" muli kong tanong ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Ano bang problema ng caller na 'to? Wala ako sa mood na makipagbiruan sa kanya, kung sino man s'ya, lalo pa't nang dahil sa kanya, hindi na ako makapag-concentrate sa panonood ng Pokemon. Panira ng moment, mga dre! Paslangin ko na kaya?

"Hello?!" medyo naiinis na ako dahil wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Langya! Kung sino man 'tong caller na 'to, matamaan sana s'yang bulalakaw at masunog ang pagmumukha! Sinisira n'ya ang panonood ko kay Pikachu eh! Grrr!! Huminga ako nang malalim, kumuha ng kaunting bwelo at humugot ng lakas ng loob kay Pikachu... Isa na lang talaga, at pag nainis ako, bababaan ko na talaga ng telepono ang isang 'to.

"Hello?! Kung balak mo lang mantrip d'yan, wag mo nang ituloy!! Kanina pa ako salita nang salita dito tapos wala man lang sumasagot?! Hoy, balasubas ka!! Panira ka!! Natapos na 'yung isang episode ng Pokemon at hindi ko man lang nasilayan si Pikachu bebe ko!! Panira ka!! Grrr!! Ihetchu!! Bahala ka na d'yan! Mas gugustuhin ko nang sayangin ang oras ko kay Pikachu, kaysa sa makipag-usap sa damuhong tulad mo! Prankst~~" hindi ko na naituloy ang dapat ko pang sabihin dahil narinig kong bumuntong-hininga 'yung caller sa kabilang linya, at nagsalita.

I Love You, Pikachu! (One-Shot)Where stories live. Discover now