Chapter 1

119 5 3
                                    

First day of classes. Excited yata lahat maliban sa akin. Naririnig ko na ung mga alarm clock ng kapitbahay. Alas-kwatro palang pero maaga gising pa si Mama. Nakakapanibago din na nandito siya at nagluluto na. Kadalasan, gising na kami ni Papa, siya tulog pa din. Call center agent si Mama, graveyard shift lagi. Baliktad ung umaga at gabi niya. Si Papa stay at home lang. Mukhang maaga din gumising at ganado mag car wash. Siguro may biyahe siya ngayon. Yung van na nililinis niya, napundar nung makuha ung seperation pay ni Papa sa naluging companya. Pinaparentahan niya sa mga kakilala, minsan siya ung nagda-drive para extra income. Bumangon na ako. Iniisip ko kung maliligo ba ako o mamaya nalang pag-uwi. Kinuha ko ung gitara, gusto ko tumugtog. Pero parang walang gana ung mga daliri ko. Bakit ko nga naman poproblemahin ung pagligo, sa September na ung battle of the bands, wala pa din akong compo. Pinipilit na ako nila Rica. Anong magagawa ko, wala talagang pumapasok sa isip ko. Isa pang dapat ko problemahin ung mamaya. Para akong kindergarten na kinakabahan. Galing ako sa public na San Agustin High School mula Kinder hanggang Third Year, tapos biglang sa St. Margarette Academy na ako papasok ng Fourth Year.

Actually, di naman biglaan. Last year pa lang alam ko na na doon ako magpo-fouth year kaya kahit papaano, hindi na masakit. Nakapagpaalam ako ng maayos sa mga kaibigan at kaklase ko. Itong pagpasok ko sa St. Margarette, scholarship grant lang dahil 3 times champion na ung banda namin sa Inter-School Battle of the Bands. Doon kasi sa Academy ginanap ung last year competition kaya ung kasama sa P10,000 grand prize, ung scholarship. Apat kami sa banda, si Rica ung childhood bestfriend ko sa bass, Si Dion sa gitara, si Sib sa drums at ako ung vocalist. Noong una, parang trip-trip lang namin magbuo ng banda. First year, lagi kami nagja-jamming sa bahay nila Rica. Hanggang sa may isang fourth year student na nakadiscover sa'min, Si Kuya Nico. Siya nagencourage samin sumali sa battle of the bands, dun na nagsimula lahat.

Si Rica, di pumayag magpalipat kasi malalayo siya sa boyfriend niyang si Vince. Nung Grade 4 palang kami, pansinin na ung beauty ni Rica. Chinita na bilugan ung mata, maputi at straight na straight ung brown hair niya, parang model ng shampoo. Pero hindi lang sa panlabas kung bakit siya nagugustuhan. Masayahin kasi siya. Halos lahat kinakaibigan niya. Lagi din siya naboboto na muse. O sinasali sa mga pageant. Kaya hindi nakakapagtaka na ang daming may gusto sa kanya. Pero sa dami ng nagkacrush kay Rica, si Vince ang nagustuhan niya. MU lang sila nung una, pero nitong summer bago mag fourth year, formal na mag-on na sila.

Si Dion, gusto sana lumipat dahil madami daw chicks. Pero ayaw ng Mama niya na magcommute pa siya. Walking distance lang kasi ung San Agustin sa kanila at hatid-sundo ni Tita Mabel. Mama's boy si Dion. Yung tipong may bimpo at baby powder pa sa likod. At kahit saan siya pumunta, hinahatid at sinusundo talaga siya. Hanggang sa mga gig namin present si Tita. Good thing na din kasi mga under-age minors palang kami. Iniisip nalang namin na chaperon naming apat si Tita Mabel. Thankful na din kasi libre sa pamasahe at pagkain minsan. Ang nakakabilib kay Dion, never siya nahiya na Mama's boy siya. Nung una, tinutuko siya. Pero kahit kailan hindi siya pumatol. Minsan nangiinggit pa siya kasi masarap ung pabaon ng Mama niya sa kanya. Hanggang nagsawa nalang ung mga nangaasar.

Nung inannounce ung scholarship, nakita kong maiyak-iyak sa tuwa si Mama. Hindi kasi kami mayaman at sapat lang sa pang-araw araw na gastos ung sweldo ni Mama at sideline ni Papa, kaya hanggat merong mga libre, go na go siya. Free taste sa mga supermarkets, free trial, 10-days free subscription sa cable, free text sa mga sachet ng shampoo, buy 1 take 1 ng sabon, kahit ano, basta libre o discounted. Ayoko talaga lumipat, pero mas ayoko naman sumama loob ng mga magulang ko sakin. Aarte pa ba ako, sobrang laking advantage sa'kin ng paglipat. Sabi nga ni Mama, iba pa din kapag sa private school graduate. Mas madaming oppurtunities, mas maraming matututunan. Tatlong tumbling lang din ung bahay namin sa St. Margarette. Walking distance lang. Parang simula doon hanggang diyan. Gusto ko din ung library nila. Bukod sa airconditioned na, meron pang mga couches na kung gusto mo maghapon magdamag magbasa, upo ka lang dun at kalimutan ang mundo. Bonus pa kasi sabi sakin ng librarian nun nagenroll kami last time, graduating na daw ung student assistant nila. It means, may job vacancy sila ngayon. Baka pwede ako mag part-time job after school. Gusto ko kasi makaipon bago mag-college.

The Rock Star and The Princess [a GxG novel]Where stories live. Discover now