Maskara

7 1 0
                                    


Sabi nila kapag nagmahal ka pagkatapos nagawa mo na ang lahat ng mga bagay na hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo, Mahal mo daw talaga ng sobra yung taong yon. Bakit kapag binigay mo na ang lahat ng kaya mong ibigay sa isang relasyon bakit parang may kulang pa? Pinipilit mo naman punan lahat pero bakit natapos?

Ganito talaga siguro kapag masyado mong piangkatiwalaan ang isang relasyon. Humantong sa punto ng relasyon na nagkakaubusan na kayo ng sari-sariling pasensya para sa isa't-isa. Yung tipong bigla nalang kayong aayaw, Bibitaw.

Lumipas ang panahon na nasabi mo sa sarili mong kaya mo na. Na kahit makita mo siya ika'y magiging masaya, Mahal mo pa rin siya pero hanggang doon nalang. Ang dati'y nararamdaman mong kabog sa dibdib mo ay mahina nalang. Na kahit na yakapin ka niya, Isang yakap nalang ng kaibigan na may pagmamahal ang ipapaabot ng iyong mga braso't kamay, Na kahit titigan ka niya ay wala na ang sumpang kuryenteng dadaloy sa mga ugat mo at gigising sa nauntog mong puso. Alam mo sa sarili mong kaya mo na. Pero nung nagkatotoo ang pagkikita na akala mo kaya mo na, Bakit hindi mo nagawa ang mga sa isip mo'y ipinasya.

Nakakalungkot man isipin na sa kabila ng lahat ng pagod na inalay mo malimutan mo lang ang isang tulad niya ay bigla nalang itong nabasura sa inyong muling pagkikita. Ang kuryenteng nag-uugnay sa mga ugat mo patungo sa puso mo ay kanyang tuluyang nagising at ang karamdamang pilit mong iniwasan, ibinaon at kinalimutan ay siyang ngayo'y nararanasan.

Napatunayan mo sa sarili mo na sa kabila ng lahat ng kasiyahan na natamo mo mula sa pagkakalimot mo sa trahedyang nagwasak sa pagkatao't isipan mo noon ay siya pa rin palang makapagbibigay sayo ng ibang klaseng kasiyahan na sa kahit kanino man ay hindi mo masisilayan. Alam mo sa sarili mong kahit gaano mo man kalimutan ay pilit pa rin uusbong at yayabong dahil patuloy mo pa rin itong kasama habang pinipilit mong limutin siya. Dahil sa kabila ng mga panahon na inalay mo para siya'y iyong malimutan lang ay ang katotohanan na hindi mo siya kayang kalimutan kaya ang mukha mo'y nilagyan mo ng pekeng katauhan.

Ang katauhan na akala mo masaya ka, Na akala mo kinaya mo at nagawa mo. Ang totoo pineke mo lahat, Kaya sa inyong muling pagkikita. Ang puso na ang nagsumamong ilabas ang tunay na pagkatao, Na sa pusong yan siya parin pala at walang bago. Na kahit masaktan ka ulit ay ayaw muna magtago sa halip ay haharapin mo ito kasama ang taong nagdulot sayo ng sawing puso.

Nagpahayag ang taong ito na ika'y kanyang tinatangi. Mahal kita oh aking prinsesa ang kanyang sinambit sa kanyang mapupulang labi. Isinaad ang labis na kalungkutan dahil ika'y kanyang pinakawalan. Hinanap ka't ngayo'y sinusuyo, Na maging kahati at muling maging kaparis nito. Basta ipangako mo lang sa sarili na sa susunod na magmamahal ng lubos sana ay natuto na at hindi na kailanma'y magkukunwari't magtatago sa ibang katauhan at maglalagay ng pekeng maskara sa maganda at inosenteng mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MaskaraWhere stories live. Discover now