Himnario

7.7K 57 10
                                    

*****

1

SA PAGSAMBA'Y PATNUBAYAN

I

Oh Dios na dakila

Kami'y tunghayan

Sa aming pagsamba

Ay patnubayan

Pusong marurungis

Ay Iyong hugasan

Kaming alibugha'y

Nang magsikinang

II

Ama ay tunghayan

Ang tumatangis

Hamak Mong alipin

Na humihibik

Puso'y lumuluha

Sa salang tangkilik

Nang maging marapat

Na sumalangit.

Amen . . .

*****

2

AMA NAMING LUBHANG BANAL

I

Ama naming lubhang banal

Anak Mo'y kahabagan

Sa malaong pagkaligaw

Itinuro ang daan

Laking awa sa matamis Mong pala

Laking awa sa matamis Mong pala

II

Nagpupuri't pasalamat

Sa awa mo at habag

Sa panganib ay iniligtas

Dahil sa bugtong Mong Anak

Kaya Ama kami ay lingapin Mo

Kaya Ama kami ay lingapin Mo

III

Utang na kikilalanin

Ama naming sa Iyo

Marawal na kabuhayan

Pinapaging dapat Mo

Kaya kupkop kaming nagbalik loob

Kaya kupkop kaming nagbalik loob

*****

3

SAMBAHIN ANG DIOS

I

Sambahin ang Dios sa katotohanan

At Espiritong Banal

Nawa'y maghari kapayapaan

Sa ating pagpipisan

KORO:

Halina't naghihintay

Espiritong aaliw

Susuguin ng Ama

Na pangako sa atin

Masiglang awit at panalangin

Espiritong'y nang kamtin

II

Maglingkod tayo nang buong ingat

Pagsamba'y maging dapat

Sala'y isulit huminging lunas

Patawad nang matanggap

HimnarioWhere stories live. Discover now