Love and Pain.

117 2 0
                                    

Love is patient.

Love is blind.

Love is the greatest feeling. 

Love conquers all.

Love is when you feel butterflies in your stomach when you see that person.

Love is the way your heart beats for that person.

Love is waiting.

Bakit kaya kapag umiibig tayo, hindi pwedeng hindi tayo masaktan? Hindi ba yung, mahal kita, mahal mo rin pala ako kaya lang nahihiyan umamin, happy ending. Hindi katulad sa mga fictional books na nababasa natin na palaging happy ending, palaging healthy sa lovelife, hindi pinapakumplikado. Bakit sa totoong buhay, kailangan pa nating mag-suffer dahil hindi tayo mahal ng taong mahal natin? Kailangan pa natin maranasan yung pain dahil may ibang gusto yung taong gusto natin. Kailangan pang maramdaman yung pagkatalo at pagkawala ng pag-asadahil kahit anong effort natin, kahit  gaano katagal tayong maghintay, gaano katagal man tayong umasa, kaytagal man nating magtiis, alam na nating simula pa lang, talo na. Wala na. 

Ganyan naman talaga tayo magmahal eh. Gusto natin yung tao kahit di naman tayo pinapansin. Wala naman talaga siyang ginagawa pero bakit patuloy tayong nahuhulog sa kanya? Lagi natin siyang iniisip, may times na hindi na makatulog sa gabi kakaisip, pero naisip nga ba natin na hindi naman tayo ang nasa isip niya kundi ibang tao? Nagseselos pero wala naman karapatan. Patuloy pa tayong lumalaban kahit wala naman talagang pinaglalaban. Kumakapit pero alam mo naman na wala kang kinakapitan. Gusto na magmove-on, maglet-go, makalimot, lumalayo ka, pero wala naman talagang pakielam yung taong yun. Kapag lumayo ka, aasa kang hahabulin ka rin nung taong yun. Sabihin na nating medyo nakalimot na, pero aminin man natin o hindi, umaasa parin tayo na may mga katagang "Mahal din kita." o "Mahal na kita." tayong maririnig mula sa mga bibig nila.

Siguro nga ganyan kapag magmahal tayo. Hindi natin masasabing true love kung kailanman ay hindi tayo nakaranas ng sakit at puro lang kasiyahan. Dahil sabi nga, love hurts.

Pero may kasabihan din na "True love waits." Malay natin na yung taong mahal na mahal natin ngayon, na ika-nga ay true love natin, ay hindi talaga natin true love. Maraming taon pa ang lilipas. Marami pa tayong makakasalamuhang mga tao sa buhay natin. Sabi nga eh hindi naman natin masasabi ang future. Siguro, natagpuan na tayo ng ating true love pero hindi pa lang natin nakikita. Parang tayo, natagpuan nga natin yung true love natin kaso hindi naman tayo makita-kita.

Malay din naman natin na yung taong hindi tayo mahal ngayon, mahalin din tayo sa hinaharap. Sabi nga ng friend ko, kung gusto ko daw magmove-on dun sa taong mahal ko, huwag ko daw isagad. Iset-aside ko daw muna yung feelings ko para sakanya, dahil malay ko daw balang-araw na kami din ang magkatuluyan. Pero ayoko kumapit at umasa na kami ang magkakatuluyan dahil wala akong alam sa hinaharap at wala ding kasiguraduhan.

Bakit nga ba sinabing "Love hurts, but also heals."? Siguro dahil sa sakit na naranasan natin sa pagmamahal, doon tayo makapulot ng lesson. Mas maging matatag tayo. Doon sa lesson na iyon natin matagpuan yunghappiness. At dun sa happiness na yun, malay natin, kasama na natin yung taong inilaan ni Lord para satin. :)

LOVE AND PAIN.

It's alright to feel the pain. It will make you and your heart stronger.

Love and Pain.Where stories live. Discover now