Just a Kiss (One Shot)

555 17 18
                                    

"Mahalaga ang buhay."

Totoo naman diba? Sabihin niyong hindi, sapak abot niyo sa'kin ^___^v

Sabi naman ng mga broken hearted

"Mabuti pang mamatay nalang ako ngayong wala na siya sa'kin."

Masyadong corny diba? No offensement pero corny talaga. Nakipag-break lang sa'yo, magpapakamatay ka na? Masyado ka naman atang tanga para magsayang ng buhay para sa walang kwentang dahilan. Lalaki lang yan.

Ayan. Ayan yung mga sinulat ko sa isang papel last year. Alam kong masyado akong happy-go-lucky dati pero hindi na ngayon. Actually, kinain ko na lahat ng sinulat ko na yan simula nung nakilala ko siya. Oo, siya. Si Jerome Robles. Gwapo, matalino, magaling sa badminton, gwapo, at gwapo. Wait, nasabi ko na bang gwapo ang babe ko? :">

June 19 ng nakilala ko si Jerome. Nagkabanggaan kasi kami sa SM dahil sa dami ng tao. Naalala ko pa nung time na yun na parang tumigil ang buong mundo, pati na ang mga tao at ang oras. As in! Sobra akong nabighani sa kagwapuhan niya. Dahil nga nabunggo ako sa kaniya, napakapit ako sa braso niya.

At dahil nga dun nakilala ko siya. Charot. Nalaman ko na parehas lang kami ng school na pinapasukan. 1st year college na pala siya. Ako naman, 3rd year high school. Bale, 2 years ang tanda niya sakin pero, ayos lang yan. Wala namang pinipili ang love diba?

After nung incident namin sa SM, nagkasalubong naman kami sa cafeteria. Pero ang totoo kasi nun, naging stalker niya ako. Wait, admirer pala. Hihi :') So ayun nga. Nalaman ko yung schedule niya. Pati nga oras ng practice nila at oras na nakakauwi siya sa bahay nila alam ko eh. Yung nagkasalubong kami sa cafeteria? Hinila lang talaga ako ng mga kaibigan ko na kumain nung time na yun. Hindi talaga namin sila dapat makakasalubong kaso nga mukhang pinagtagpo kami ng tadhana.

Nung nakita niya ko, para naman siyang natuwa at tiningnan siya ng mga kabarkada niya ng nakakaloko. Hindi ko alam pero mas lalo akong nainlove sa kanya nun. Nilapitan niya ko at saka sinabing "Pwede ba tayong mag-usap mamayang dismissal? Hihintayin kita sa playground." Pagkasabi niya nun, bigla namang naghiyawan yung mga kabarkada niya. Ako naman, medyo tulala pa rin at.......kinikilig. Syempre!

Dismissal na at nagpunta ako sa playground. Walang tao. Inisip ko nalang na baka late sila pinalabas ng prof nila. After 3 minutes, biglang may tumugtog na Can I have this dance? Tumingin ako sa pinanggalingan nung tugtog at nakita siya na nakatayo at may hawak na rosas. Nagsayaw kami at sa huli tinanong niya ako kung pwede daw bang manligaw. Syempre, sino ba namang hindi sasagot ng "Pwede" sa kanya diba? Nanligaw sa'kin si Jerome for 3 weeks at sinagot ko na rin siya. Kumalat yun sa college building at syempre sa high school din. Maraming nagsasabi na hindi naman daw seryoso sa'kin si Jerome at hindi rin daw kami magtatagal. Sabi pa ng iba, hindi raw kami bagay. Pero hindi ko sila inintindi kasi sabi sa'kin ni Jerome "Pabayaan mo na sila. Magsasawa rin sila. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita Anna. Huwag na huwag kang makikinig sa mga sinasabi nila kasi naiinggit sila sa'yo."

Kaya simula noon, medyo nawala na rin yung mga babaeng insecure sa'kin. Okay, tama na nga ang kwento. Kinikilig lang naman kasi ako :""""> Nga pala, bukas na ang 2nd anniversary namin. Oo, 2nd! ♥ 1st year college na ko at siya naman ay 3rd year college. Akalain niyo yun? Nagtagal kami? Sabi ko naman kasi sa inyo, mahal namin ang isa't-isa at walang makapaghihiwalay sa'min.

Teka, ano kayang mairegalo kay Babe? Last year kasi, nagbakasyon kami sa Baguio kasama ang mga pamilya namin. Nagkasal-kasalan kami sa simbahan don. Ang saya-saya talaga nung araw na 'yon.

Mabalik nga tayo, ano kayang mairegalo? Hmm. Kung bilhan ko kaya siya nung relo na gustong-gusto niyang bilhin. Last year kasi, nakita namin yun sa SM at ang ganda niya. Hindi lang niya mabili kasi mahal kaya sabi niya, pag-iipunan daw muna niya. Tutal, nakaipon naman na ako, mabibili ko na yun. :)

Nag-ayos na ko ng sarili ko at nagpunta sa SM. Hindi na ko nagtext kay Babe na aalis ako ng bahay dahil alam kong susundan ako nun. So, eto nga nasa SM na ko. Nakita ko naman yung relo. Hindi pa rin siya nabibili hanggang ngayon. Ang mahal naman kasi eh.

Nilapitan ko yung saleslady at sinabing bibilhin ko yung relo. Mukha namang nakilala niya ko at nag-isip pa siya saka sinabing "Ahhhh! Ikaw yung babae na may kasamang gwapo last year! Kayo pa rin ba? Aww. Sana magtagal rin kami ng boyfriend ko katulad niyo." Medyo na-flattered naman ako sa sinabi niya. Nakwento niya rin sa'kin na ang dami nga raw namamahalan dun sa relo. Napatawa ako.

Binili ko na yung relo at nilagay sa shoulder bag ko. Pupunta nalang ako sa bahay ni Babe. Trip ko kasing surpresahin siya. Bumili na rin ako ng pizza na pwede naming kainin. Baka kasi di pa siya nagmi-miryenda.

Nandito na ko sa may tapat ng bahay nila at nakita kong bukas ito. Nag-dalawang isip ako. Ninakawan kaya sila? Hala! Oh baka naman naiwan lang nilang bukas. Haay. Sana naman hindi totoo yung una kong naisip diba?

Pumasok ako sa gate at kumatok sa pintuan. Walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at napansing bukas din ito. Lalo akong kinabahan. Pano na lang kung nanakawan nga sila Babe? Hala!

Binuksan ko ang pinto at sumigaw,

"Babe?!" walang sumagot.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto niya at binuksan ang pinto. Bumulagta sa'kin ang hubad na katawan ni Jerome at ng isang babae na kaklase niya. Pano ko nalaman? Nakita ko yung ID at uniform niya sa sahig. Nagulat ako. Oo! Sobra! Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Naghahalikan sila habang nakahubad.

Nakapikit pa si Jerome at parang sarap na sarap sa paghalik sa babae. Tumigil siya sa paghalik sa babae at binuksan ang mga mata. Napatingin siya sa'kin at nagulat. Itinulak niya yung babae kaya napahiga yung babae sa kama. Tumayo si Jerome at kumuha ng kumot para ipangbalot sa hubad niyang katawan.

Tumakbo na ko paalis sa bahay nila at dali-daling sumakay sa taxi. Narinig kong tinatawag niya ko pero hindi na ko lumingon. Dahil alam kong "Pag-lumingon ako, ako ang talo."

Nakarating naman ako ng maayos sa bahay pero yung puso ko, hindi maayos. Umakyat ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Wala ngayon sila Mama dito dahil nasa business meeting. Mag-isa lang ako dito. Buti nalang. Walang makakakita sa itsura ko ngayon.

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko na talaga kinaya. Ang sakit kasi. Mahal na mahal ko siya at hindi ko inaakalang ipagpapalit niya pala ako. Ang sakit talaga. Gusto ko ng matapos 'tong sakit na 'to. Kumuha ako ng isang papel at nagsulat. Pagkatapos kong magsulat, kinuha ko yung blade na nasa drawer ko. Unti-unti kong ipinwesto ang blade sa pulso ko hanggang sa maramdaman ko na yung hiwa niya. Dumaloy ang dugo sa kamay ko at unti-unti na rin akong nanghihina. Pumikit ako at bumulong sa hangin. "Mahal na mahal kita Jerome."

Dear Jerome,

Babe, I love you. Alam mo naman sigurong mahal na mahal kita, diba? Pero bakit? Bakit mo ginawa yun? Nagkulang ba ko? Sana sinabi mo nalang para alam ko diba? Ang tagal-tagal na natin. 2nd Anniversary pa natin bukas pero dahil sa nakita ko, parang hindi ko na ata makakaya pa. Sorry babe. Gagawin ko 'to kasi sobrang mahal kita. Ipag-sorry mo nalang ako kila Mama ha? Sabihin mo, mahal na mahal ko rin sila.

PS: Yun nga palang regalo ko saýo para bukas, nasa bag ko. Sana magustuhan mo. I love you forever and ever Babe ♥ Happy anniversary. :*

Just a Kiss (One Shot)Where stories live. Discover now