37th Scene New Demons in School

10.9K 376 12
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Blah. Blah. Blah. Tapos alam niyo. Blah. Blah blah." Nakakaloka lang 'tong si Wendyll simula kasi ng malaman ng Daddy niya na bakla siya naging mas ok na ang relasyon nila ng Daddy niya.

"Oo, alam na namin na okay na kayo ng Daddy mo. And I'm happy for you girl believe me. Pero Diyos ko isang linggo na ang nakaraan di pa ba tapos yan." Naiinis na inuunawa ko ang mga sinasabe niya.

"Ikaw naman friend masyado kang hot. Ano bang problema?" Tanong niya sa akin.

"Hi! Kara." Boses ng isang nakakainis na demonyita ang narinig ko.

"Sila. Sila ang problema ko."

Nakita ko sina Nana at Mia na may hawak na tray.

~~~~~3 Hours Ago~~~~~

"Balita ko may bago kayong kaklase?" Tanong sa amin ni Barbie. Papunta kasi kami sa room ngayon at nakikisabay lang ito dahil kailangan niyang kausapin ang kapatid niyang hindi daw umuwi kagabe.

"Talaga? Pwede pa palang mag transfer ng school kahit kalagitnaan na ng taon" sabat naman ni Jen sa usapan namin.

"Well my Dad told me he knows their parents personally. Kaya pinayagan niya ang pag transfer nila."

"Connections" binuga lang ng bibig ko.

"Ngayon din ata sila papasok."

"Panigurado gulo nanaman 'to hindi naman lilipat ng school ang mga yun kung wala silang ginawa sa dati nilang school." Hinala ni Jen sa mga ito.

"Siguro."

Nang makarating kami sa room, usual daily routine ang nakita namin. May nag sisigawan, may nag lalampungan, may nakatulog, may nag aaway. Wala ng bago.

"Ayun ang kuya mo oh." Sabay turo ko sa kapatid ni Barbie na si Ash.

Makaraan na matapos silang magusap ay umupo kami sa upuan namin at inantay si Sir Jerry.

"Late ata si Sir Jerry?" Tanong ko sa mga ito.

"Hindi yun late. Inaantay ata niya yung mga bagong kaklase natin" sagot sa akin ni Rouge.

"Ba't kaya sila dito napunta sa room natin? Balita ko babae yung mga bagong transfer. Pwede pa naman atang tumanggap yung ibang section." Confuse na tanong ni Reid sa mga kaibigan.

"Malay ko tanungin mo si Jerry kung bakit?"

"Wag na. Sabihin pang tsismoso ako."

"Bakit? hindi ba?" Asar nila dito.

"Wag niyo akong inaano huh. Maganda ang umaga ko." Bitaw naman niya sa mga kaibigan niya.

"Anong inaano?"

"Inaano nga?"

"Anong ano?"

"Ang gulo niyo? Ano kayo ng ano baka ma ano kayo jang tatlo."

"ANO?" Sabay sabay nilang tanong na tatlo.

Nagtawanan naman kaming anim. Ay hindi pala, lima lang kasi 'tong si Ace parang ano lang sa buhay.

"Good morning class." Nanahimik naman kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Sir Jerry. Hindi namin matantsa pero pag siya ang teacher namin lahat ng mga kaklase naming barumbado ay nananahimik. Eh lagi namang nakangiti.

"Guys! May mga bago kayong mga kaklase and if possible I hope na mag bebehave kayo sa kanila." Request naman nito sa mga kaklase namin.

"Hindi ba masyado ng huli para mag transfer ng school?" Tanong ni Janine kay Sir Jerry.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now