Umasa Na Naman Ako

261 5 4
                                    

Yesha's P.O.V

"Hi Yesha" siya agad ang bumungad sakin.

"Hello Liam" ngumiti na lang ako sa kanya. Bestfriend ko nga pala siya.

"Huy ang ganda mo ngayon ah" sabi nya. Naramdaman ko namang nag-init ang pisngi ko.

"Sus ang hilig mong mangbola!" sabi ko sa kanya. Hinampas ko naman siya para di niya mahalata na namumula ako. Ano kayang nakain ng tao na ito? Pero kinilig naman ako haha. Mahal ko nga pala tong bestfriend ko higit pa sa kaibigan.

"Hindi naman ako nangbobola ah, ang ganda mo naman talaga"

"Tss. Ewan ko sayo!" at umupo na sa upuan ko........

Bwisit kinilig ako dun ah.

*********
Natapos ang klase namin at inayos ko na ang gamit ko. At pinuntahan si Liam na naghihintay sa pinto.

"Yesha sabay na tayo" si Liam lang pala.

"Ok"

"Akin na yang bag mo ako na magdadala" ano ba nangyayari sa taong ito?

"Huwag na"
"Ako na" pinilit pa rin niya ako. Kaya wala akong nagawa kung di ibigay ang bag ko sa kanya.
"O ayan na!" Nanahimik ako saglit at tinanong ko siya.

"Hoy! Ano nakain mo?"

"Ha?"

"Ang bait mo kasi sa akin ngayong araw, may kailangan ka noh?" Ganito kasi yan kapag may kailangan.

"Wala lang,trip ko lang"

"Sus! Kala ko naman naging mabait ka na. Yun pala trip mo lang.." Kaya naman pala ang sweet ngayon.. trip lang pala niya.

"Hahaha"

Tumahimik na lang ako at hindi naman siya nagsalita. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng gate namin.

"Sige na lumayas ka na! Akin na yung bag ko" kinuha ko na ang bag ko sa kanya. Sama ko ba? Ganyan naman talaga kaming dalawa eh atsaka ang sakit nun kanina ah. Trip lang pala niya akala ko naman natauhan na siya at nagustuhan na niya ako. Hay ang sakit! Ang assumera ko kasi eh.

"Salamat ha! Tinulungan na nga kitang buhatin yang bag mo ganyan pa sasabihin mo" sarcastic niyang sabi. Kitam bumalik na naman sa dati niyang ugali.

"Walang anuman!" Sarcastic ko ding sabi sa kanya. Psh! Bahala siya dyan.

"Ewan ko sayo bye!" Lumayas naman na siya.

"Bye, ingat!"

Pumasok na ako sa loob. Tumakbo ako sa kwarto ko. Naiinis ako sa kanya! Hindi ko malaman kung ano ba talaga ako para sa kanya. Nakita ako ni mama at tinawag nya ako.

"Yesha bakit ka nagmamadali?"

"Wala po ma. Akyat po muna ako sa kwarto ko sige po"

"Teka, wag kang tumakbo. Baka mahulog ka sa hagdanan"

"Sige po ma"

Humiga ako sa kama ko. Bwisit,bwisit siya huhu!!! >_<

"Waaahhhhhhh" naiinis ako sa taong yun kaya napasigaw tuloy ako.

"Yesha bakit ka sumisigaw anong nangyayari?" Hala lagot. Napalakas yung sigaw ko.

"Wala po ma. Nakakita lang po ako ng ipis"

"Akala ko naman kung ano sige magluluto na ako ng hapunan natin at darating na ang papa mo"

"Sige po ma"

Bakit kasi ganun siya?!

Nakakainis na ha!!!!
.
.
.
.
.
.
.
Ok na sana eh kaso psh. Ewan ko sa taong yung ang lakas ng topak.

Umasa Na Naman Ako(ONESHOT)Where stories live. Discover now