Vendor (One-Shot Real life Horror Story)

959 22 11
                                    

Himbing na himbing ako sa pagkakatulog ko. Alam kong nananaginip ako pero may kakaiba. 'Yung tipong alam mong tulog ka pero gising ang diwa mo lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naririnig mo. Ultimo yung tunog lang ng electric fan ninyo ay klarong-klaro sa pandinig mo. Maging ang katawan mo'y hindi magalaw-galaw maski mga daliri. Yun ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon.

Ngunit ang isa pang nakapagbibigay-taka ay yung mga paggalaw ng mata mo habang nakapikit ka'y ramdam na ramdam mo at alam na alam mo kung saan ipupunta. Parang natutulog ka na gising. Basta nakakalito kung ano ba ang realidad at ang totoong kaganapan sa panaginip.

Ganyan lang ang nangyari sa magdamag na pagkakahimbing nang tulog ko. Walang ni-ano ano ang gumugulo sa isipan ko basta ang alam ko lang ay tulog ako.

Katahimikan ang bumabalot sa kapaligiran. Tanging ang paghinga mo lang at ang pag-ugoy ng electric fan ang maaaring marinig.

Ngunit naglaho ito nang may narinig akong isang sigaw na nagmumula sa labas ng bahay namin.

Isang pamilyar na sigaw. Isang sigaw na marahil kinagigiliwan ng mga taong naka-tambay sa labas ng kanilang mga tahanan. Ang pagsigaw ng vendor ng kanyang nilalakong panindang BALUT.

"BALUUUUUUUUUUUUUUUT!" rinig kong sigaw ng vendor. Medyo nasa kalayuan palang siya ng aming bahay. Ngunit rinig na rinig naman ang tinig nito bunga ng pagkakabalot ng katahimikan sa paligid. Nakailang ulit itong pagbigkas ng kanyang nilalakong paninda.

At iyon ang nagpamulat ng aking mga mata. Gising na ako ng mga oras na iyon. Nagkuskos ako ng aking mata. Ang pagsigaw ng balut vendor ang nagpagising sa'kin. Naalimpungatan ako at umupo sa aking pagkakahiga. Sabay pag-unat ng aking katawan.

Biglang balik ako sa aking pagkakahiga. Kinuha ko ang aking cellphone na mula sa ilalim ng unan ko. Tinignan ko ang oras mula dito.

3:16 A.M

Laking panghihinayang kong nakita ang oras na alas-tres palang ng madaling araw. Napaaga ako masyado ng paggising at malayo pang maghanda ng sarili para sa school. Kadalasan kasing oras ng paghahanda ko'y mga 5:30 A.M.

Wala akong magawa. Hindi na ako makabalik sa pagtulog. Hindi ko na ulit makuha ang tulog ko. Hindi padin naglaho ang tinig ng balut vendor.

Sa kinalalagyan ng tinig niya ay halatang nasa tapat na siya ng bahay namin. Paulit-ulit lang ang pagbigkas niya ng mga katagang iyon. Hindi ko masyadong pinansin dahil wala naman akong interes bumili ng paninda niya.

Hawak ko ang cellphone ko at tinignan ang mga messages sa akin. Nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Napalingon ako mula dito.

Natanaw ko ang isang mamang matanda na may hawak-hawak na basket. Iniangat niya ang dala-dala niya. Halatang siya ang balut vendor.

Inalok niya ako at mabilis ko namang tinanggihan iyon. Umiling lang ako kasabay ang isang ngiti at binawian din niya ako ng ngiti. Sabay alis ng balut vendor sa pagkakatanaw sa bintana ng kwarto ko. Hindi naman kase ako kumakaen non simula nang makita ko ang espesyal na laman nito na SISIW o isang maliit na ibon o itik. Kaya naman ganun nalang ang pagtanggi ko sa balut vendor.

Nakaramdam ako ng uhaw ng mga sandaling iyon. Papalabas na ako ng kwarto at laking gulat ko ng pagbukas ko ng aking pintuan.

Bumungad sakin ang aming hagdan pababa. Biglang sumagi sa isip ko ang balut vendor na sumilip sa bintana at nagalok ng kanyang paninda.

Papanong nakasilip sa bintana ang vendor na 'yon? Sapagkat ang bahay namin ay hanggang 2nd floor at ang kwarto ko'y nakapwesto sa 2nd floor ng bahay. Walang hagdan sa labas para makaakyat ang isang normal na tao at makasilip sa bintana ng kwarto ko dahil may pagkamataas ang bahay namin.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kakaibang kilabot na bumalot sa aking katawan. Ang kilabot na pati ang maliliit na buhok ko sa batok ay nagsitaasan. At nakaramdam din ako ng kaunting takot. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Akmang nakatayo lang ako sa labas ng pintuan at napako ang mga paa ko sa sahig.

Nang matauhan ako ay bumalik ako sa kwarto ko at ipinagpaliban na lamang ang uhaw na aking nararamdaman kani-kanina lamang. Takang-taka ako sa nangyari kanina. Hindi mawari sa aking isipan kung ano ang vendor na iyon.

Nagmatapang ako nang dahil sa aking pagiging mausisa. Nagbalik-tanaw ako sa bintana kung saan sumilip ang vendor na nakapagbigay sakin ng matinding kilabot.

Laking gulat ko ng matanaw ko siya na nakatingin din sakin. Nasa malayo siya ngunit matatanaw mo padin kahit may kalayuan at kababaan ang pwesto niya. Ibang-iba ang itsura niya ngayon dahil ang mga mata niya'y nanlilisik na nakatingin sa akin ngunit namukhaan ko siya dahil sa kanyang suot na puting t-shirt ang puting tuwaliang nakasabit sa kanang balikat niya.

Kinilabutan ako nang mas matindi kesa sa kaninang naramdaman ko. At maging ang takot na nararamdaman ko kanina ay nadagdagan.

Mabilis kong inilayo ang paningin ko sakanya at pumikit ng matagal sabay humarap na'ko sa likod ko habang nakapikit at ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso kong puno ng takot.

Pag-mulat ko ng mga mata ko'y bumungad sa harapan ko ang BALUT VENDOR. Nanlilisik padin ang kanyang mga mata ngunit ngayon ito'y namumula na at masyado nang malaki. Muling napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw. Wala akong magawa kundi ang titigan lang siya. Sabay ng kanyang pagngiti na nakapagbigay muli sakin ng matinding kilabot. Ang mga ngiting iyon ay tulad ng pagngiti niya nung inalok niya ako ng balut. Nanginginig lahat ng kalamnan ko maging ang mga labi ko.

Napasigaw lamang ako nang lumapit na siya mismo sa mukha ko at sa kinatatayuan ko.

A/N: Sana magustuhan ninyo. Based on true story yan. Kaso di ko na siya papangalanan. Comment nalang kayo at vote. SALAMAT READERS!

-KapitanTUTAN21

Vendor (One-Shot Real life Horror Story)Where stories live. Discover now