From The Start: Chapter 1

73 3 0
                                    

Author's Note: I advice na basahin muna ang "YMMLY". Kasi panigurado akong maguguluhan ka. =) But then, since slow update pa ito, iadvice ko din na sabay mong subaybayan ang dalawang kwento. Para maintindihan natin. :) Yun lang. Thanks. :)

Here we go.

*********

Kapag niloko ka ng taong Mahal mo, kanino ka ba dapat lumapit?

Kanino ka kakapit?

Kapag pakiramdam mo inagaw na sayo ang lahat, kanino ka magpapadamay?

Oo, madaming tao ang pwede mo hingahan ng sama ng loob. Pero ilan ba sa kanila ang willing na makinig sa problema mo?

Parang kailan lang, AKO yung girlfriend nya. AKO yung mahal nya. AKO yung nakakapagpasaya sa kanya. AKO yung palagi nyang kasama at nasa tabi nya.

Pero anong nangyari? Wala. Natapos na ang lahat sa amin na wala man lang akong natanggap na explanation. Haha. Sarcastic much. :/

Akala ko wala ng dadamay sakin ng masaktan ako. Umabot pa nga sa punto na, kahit pinsan ko sinukuan ako.

Oo, plano kong ibalik sya sakin. AKO ang nauna sa kanya eh. Hindi naman papayag ang isang Korine Angela Mercedes na maagawan at magmukang kawawa dahil pinagmukhang tanga.

Lalo na kung pati yung kaisa isang kinakapitan ko, pakiramdam ko iniwanan ako. Pinabayaan.

Nung ipinadala sya sakin ni Mark akala ko kakampi ko na sya. Yun pala hindi. Akala ko lang. Alam ko namang magsasawa sya sa katigasan ng ulo ko kaya alam kong susukuan nya din ako.

Hindi nga. Kasi patuloy pa din sya sa..

"Emo ka na naman dyan. Tss. Tara na." sabi sakin ni Rainier at hinila pa ako papunta sa labas ng hospital.

Oo, sinundo nya ko. -_-

"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong nya ulit sakin pero hindi ako sumasagot. Wala akong pakialam sa kanya.

"Angela, I'm sorry. Kaya ko lang naman hindi sinabi sayo kasi--" sabi pa nya sakin at hindi pa iniistart ang kotse nya.

"para magmukha akong tanga" malamig na sabi ko at idinapo na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

"tss." sabi pa nya at pinaandar na ang kotse nya.

Ang tagal ng byahe. Pero katulad ng kanina, wala pa din akong pakialam kung saan kami pupunta.

Basta ang nasa isip ko eh, pano ko maibabalik si King sakin.

"san mo ba ko dadalhin?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing panay puno na ang dinadaanan namin.

"Finally, nagsalita ka din." sabi nya pero diretso pa din sa pagdadrive.

"saan nga?" tanong ko ulit.

"kakain" sabi pa nya at tinatap ng daliri nya ang manibela.

"kakain lang tayo, lumayo ka pa ng gantong kalayo?" naiirita kong sabi. Naman kasi e. :/

"Bakit? May reklamo ka? Oh eh di ikaw na mag drive." sabi pa nya at pinark pa sa gilid ang kotse.

"Ayoko nga. Ano ako driver mo?" nakataas ko ng kilay na sabi sa kanya. Kairita.

Tinatanong nyo ba kung bakit? Kasi eh! Pag sya kausap ko natatameme ako. Nauubusan ako ng ipagtataray. T.T

Kasi mas mataray sya sakin. Bakla ata to eh. -_-

"Crush mo lang kasi ako." sabi ng kasama namin sa kotse. Ay teka kami nga lang pala ang sakay nito. Teka ulit for the second time, anong sabi nya? Crush ko sya? Abaaaaaaaaaaa. Ang kapal naman ng fes talaga. -_-

"asa ka" sabi ko sa kanya at nag make face pa.

"talaga? tignan mo nga ko sa mata?" paghahamon nya sakin.

"Yun lang ba?" sabi ko at humarap sa kanya.

Pero iniiwas ko din agad.

Kasi eh! Bakit ba ganun sya makatingin! Pati pag ngiti naiilang ako! Hayst. -_-

And after that I heard him chuckled.

Hagikhik ng nanalo. Tse. Oo na. Ako na ang may crush sa kanya. Matagal na. High School pa lang ata ako nun. Sa lahat kasi ng barkada ni Mark sa kanya ako di makabengol. -_-

Palagi sya ang BOSS saming dalawa. -_- Hindi katulad kay King, Reyna ako. Pero dahil sa Queen Lim na yun. Wala na. Dama na lang ata ako. Hindi naman kasi pwede yung horse. Masyado akong maganda para maging kabayo. -_-

"Oh san na tayo pupunta? Bakit nag U-turn ka na?" takang tanong ko sa kanya.

"Ganun talaga. Pag wala ng ibang way, mag U-turn ka na. Malay mo paglihis mo ng daan may mapala ka na." makahulugang sabi nito sakin.

Pinapatamaan ba ako nito? -_-

Bakit? Binabawi ko lang naman ang akin ah? Anong masama dun? Di ba?

"Iuuwi na kita. Ipagluto mo ko." sabi nya at sabay paharurot ng kotse nya.

Oh di ba? Napaka-bossy talaga.

-_-

--------

an: Hello! Nagustuhan nyo ba? Hihi. Eto na ang simula ng sariling story ni Korine at Rainier. Maikli lang to pero sana magustuhan nyo. <3

Vote. Comment. Fan.

PS: Baka may suggestion kayo sa flow ng story. Willing ako ilagay yung ideas nyo. :)

From The Start ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon