Ang Perpektong Mundo

29 0 0
                                    

Umuulan ng malakas ngayong gabi, sapagkat may bagyo. Walang masyadong tao sa kalsada dahil bumabaha na. Ngunit ano ang ginagawa ng batang ito, sa basang lugar ay tumatakbo.

Ariciel: Hindi naman ako sinundan diba? Nakatakas na ako sa kanila! Ang saya-saya ko ngunit may halong lungkot rin ang aking damdamin. Hay! Mamaya ko na lang yan isipin. Kailangan ko makasakay sa tren.

Gwardiya: Oy bata! Ano ang ginagawa mo diyan?

Ariciel: Bibili po ng ticket para sa tren.

Gwardiya: Ah, sige. Bilis-bilisan mo at paparating na ang huling tren, mamaya ay maiwan ka pa. Tsaka wala ka bang dalang payong? Eh, basang-basa ka.

Ariciel: Ah wala po eh. Nagmamadali po kasi eh.

Gwardiya: Oh sige maiwan ko na kita, ingat bata.

Ariciel: Sige po! Ingat!

Pagkatapos ni Ariciel bumili ng ticket ay nag-intay siya kasama ng iba pang pasahero. Mga wawalo lang yata ang mga pasaherong nag-iintay kasama niya.

Ariciel: Ang unti naman ng tao. Sabagay, 3 am na at bihira naman ang tao sa estasyon na ito.

Lolang Pulubi: Psst, may sukli ka na pwede mo maibigay sa akin?

Ariciel: Ito po oh, limang piso.

Lolang Pulubi: Salamat naman iha.

Ariciel: Walang anuman po.

Mga pulubing bata: *kinuha ang binigay na limang piso* Haha lola! Di kasi tumitingin sa nakukuhang pera! Tara, pambili natin ng fish ball! Halika na!

Ariciel: Oy! Ibalik niyo iyan! Binigay ko yan kay lolang pulubi!

Mga pulubing bata: Finderz keeperz! Loozers weeperz! Halika, bilis. Buti na lang wala yung gwardiya.

Ariciel: Sige lang, takbo lang! Bali-bali pa English niyo! *tumingin kay lolang pulubi* Lola, okay ka lang po? Kumain ka na po ba?

Lolang Pulubi: Hindi pa eh. *bumusina ang paparating na tren*

Ariciel: Hala! Ang tren, nandiyan na! Ito po lola, isang libo mula po sa akin ay sa inyo na. Sige po, paalam!

Lolang Pulubi: Iha! Ang laki namang pera binigay mo sa akin! Mamaya magalit ang mga magulang mo! At isang libo ito, hindi mo ba kailangan!?!

Ariciel: Okay lang yan! Ingat lola!

Ngunit pagsampa ni Ariciel sa tren ay naipit ang kanyang paa sa bakal.

Ariciel: Hala, paano ‘to!

Ibang pasahero: Bilisan naman! Nag-iintay kami dito. Ito lang ang tanging pasukan ng tren!

Ariciel: Sorry po, sandali lang!

Pasahero 1: Tabi nga! *tinulak si Ariciel*

Pasahero 2: Bagal naman kasi eh.

Ariciel: Aray! Ang paa ko!!!

Kondoktor: Nakasakay na po ba ang lahat?

Ariciel: Hindi pa po! Nandito pa po ako!

Kondoktor: Oh sige, ayos na daw brad. Andar mo na.

Ariciel: HA!?! Sandali lang po! Tulong!

Lolang Pulubi: Iha, tulungan ko kita.

Ariciel: Huwag po lola! Kayo naman po ang maiipit!

Lolang Pulubi: Hayaan mo na, matanda na naman ako eh. Ang paa mo lang naman ang naiipit hindi ba?

Kondoktor: Umupo na po ang lahat! Aandar na po!

Ang Perpektong MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon