Part 1.2

307 10 4
                                    

Edi ako na ang SINGLE!

A short story written by: StrawberryStation

ALL RIGHT RESERVED

No part of this book may be reproduced in any manner whatsoever or transmitted in any form or by any means, electronics or mechanical, including photocopying, copying and pasting, printing, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, expect where permitted by law.

---

Edi ako na ang SINGLE! Part 1.2

"ay lintek! Pasukan na pala bukas! Wala pa akong binder!" (>.<)

Masyado akong natuwa sa sembreak kaya nakalimutan ko na magpapasukan na pala bukas. Mabuti nalang napatingin ako sa kalendaryo! Hay nako... kung hindi, baka ako lang ang walang gamit bukas. Istudyante pa man din ako. Dapat laging handa! Tsaka medyo excited na ako bukas dahil namimiss ko na yung mga Girlfriends ko.

Dali dali akong naligo at nagbihis para pumunta sa SM dahil mamimili ako ng mga gamit ko. 3pm na. Ok lang yan. Hindi naman marami ang bibilhin ko eh.

"oh ayan pambili mo. Ibalik mo yung sukli ah!"

"mama naman! Akin nalang yung 200! Wala akong pera pang kain!"

"ay nako bahala ka. Basta yung sukli ko ah!"

Itinago ko na sa wallet ko ang 500 na ibinigay ni mama. 300 lang ang budget ko pambili ng gamit. Binder, Yellow pad tsaka ballpen lang naman eh. Oo nga pala, kasama na yung pamasahe ko dun sa 300. Pang merienda ko pa... huhuhu! (>.<)

Habang palabas ako ng bahay ay binati ako ng dalawa kong kaibigan na lalaki.

"oh Nikka, saan ka pupunta?" - Jason

"sa boyfriend ko."

"ayie! Sa boyfriend niya daw! Bakit magdedate kayo?" - John

"oo, wala daw siyang kasama sa bahay nila."

Nagtawanan silang dalawa sabay turo sa likod ko.

"Mang Toto! Pupunta daw siya sa bahay ng boyfriend niya oh! Kasi wala daw kasama!" - Jason

Napatingin ako sa likod ko at nandun nga si Papa na nakatayo habang nakatingin sa akin ng ewan. Patay... (>_<)

"joke lang yun Pa. Hehehe..."

Maya maya ay nginitian niya ako sabay tulak sa balikat ko. Grabe makatulak parang hindi ako anak!

"umalis ka na nga bata ka! May nalalaman ka pang boyfriend eh wala ngang nanliligaw sayo."

"BWAHAHAHAHAHAHA!!!"

Muling tumawa ang dalawang mokong. Napasimangot nalang ako sa sinabi ni Papa. Grabe naman! Walang nanliligaw! Parang sinabi naman ni Papa na ang pangit ko! (>o<)

Umalis nalang ako habang umiiling iling at hindi ko na sila pinansin. Sumakay na ako sa tricycle at sa likod ako ni manong driver umupo.

Maya maya ay may sumakay sa loob ng tricycle.

Edi ako na ang Single!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon