"Beginning Of Mine"

1 0 0
                                    

Author's Note

Ito po ay hindi totoong istorya base lang po ito sa mga naiisip ko at paalala po.
"Bawal po sa mga batang may edad na 10 baitang pababa sapagkat may mga salita dito na bawal niyong malaman"

Ito po ay hindi pa kumpleto hanngang part 2 po ito.
Salamat po
______________________________

"Andrea pahinga na ako bukas na lang ulit tayo mag-
usap."
"Ha! Wala pang limang minuto taung naguusap ahh
Bakit palagi na lang ito ha!"
Sabi ni Andrea sa akin
"Pagud na pagod na ako hindi ko na kaya nandiyan ka sa ibang bansa habang ako dito naghihintay sa pagdating mo 3 years na ang makakalipas sabi mo sa akin babalik ka after 1 year pero ano to times 3 ayoko nang maghintay ayoko na bye"
Sabi ko kay Andrea
"Sige kung yan ang gusto mo bye"

1 year later...

"Cristina, Panyo mo nalaglag kanina sa canteen"
"Ay salamat"
Si Cristina ang kabatch ko mula Grade 7- Grade 10 ngayon lang kami naging magkaklase mula pa noon
crush ko na talaga siya pero nung nakilala ko si Andrea hindi ko na siya naging crush.

"Seating arrangement na naman hayst! sana naman maayos na ang magiging katabi ko."
Ito si Roy best friend ko pero tataytatayan ko rin,
"Sino ba ang nakatabi mo?"
Sabi ko kay Roy
"Si Jean!"
Malungkot niyang sinabi sa akin
"Haha! Si Jean di ba may crush sa yo yun hahaha"
Tinawanan ko lang si Roy
"Tawa pa!"
Napikon sa akin si Roy at sinabi kong
"Sorry na tumingin ka na lang sa likod mo at makikita mo ang tunay na nagmamahal sa yo ng lubos"
"Sin... Hi Kath"
Si Kath ang ka M.U ni Roy siya naman ang nanay nanayan ko tapos saktong dumaan si Cristina "Hi bes"
Sabi niya kay Kath, oo nga pala siya ang bestfriend ng nanay nanayan ko at yan nga rin pala ang sinasabi ko na naging crush ko!
"Hi bes! Ohh ano feeling na kaklase mo si Xander!" Patawang sinabi ng Nanay kong luka haha
"Ha! Di ko gets bes haha"
Nagtatanong na si Cristina
"Wala! ang mame talaga"
Sinabi ko ito sa harap niya ng may halong kaba.
(Ringing Bell)
"Tumutunog na ang bell seating arrangement na, batman ikaw na bahala ha! Bye Kath"
Sabi ni Roy habang kinikilig
"Bye Roy"
Sabi naman ni Kath na kinikilig din
"Ohh siya tama na yang baybayan niyong iyan lovebirds, tara na at dadating na sila sir!"
Sabi ko sa kanila

Pagdating ni Sir umupo na kami sa upuan namin habang si Roy nagdadasal na habang tumitingin kay Jean na ang mukha ay parang mangangain. Pinalabas muna kami ni Sir at pinapasok na ang iba kasama si Roy at sayang saya dahil wala siyang katabi kasi sa likod kami nagumpisa.
Nagulat ako dahil kami na lang ni Cristina ang natitira yun pala kami ang magkatabi. Kinabahan ako at habang ang ama ko na best friend ko ay nagsesenyas na para bang bagay daw kami haha syempre masaya ako dahil yung crush ko dati katabi ko na ngayon.

3 months later...

Habang tumatagal napapalapit na ako kay Cristina at hanggang sa dumating sa punto na mahalin siya.
Sinabi ko ito sa Ama't (Roy) Ina ko (Kath) ang payo lang naman nila is "Huwag mo muna aminin kasi may mahal pa siyang iba na si Jake, baka kasi sabihin na wrong timing ka pa edi kasalanan mo pa"
Oo nga pala sila na last 2 months na ang nakalipas at si Jake naman ang only one ni Ctistina, sinunod ko ang lahat ng sabi ng mga magugulang ko haha!
Isang araw parang tamlay si Cristina tiningnan ko ang kalagayan niya....
"Cristina ang init mo dadalhin kita sa nurse"
Pero parang ayaw niya di ko ba alam kung ano ang nangyari pero bigla siya may sinabi " alam ko na lahat sinabi na ni Kath ang lahat, na may gusto ka sa akin, kaya ko kaya huwag ka na lang mangailam."
Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon.
Pag-uwi ko sa bahay tinanong ko si Kath (chat)
"Kath bakit mo sinabi akala ko ba wag sasabihin pero ikaw pala ang mangunguna"
"Tinanong kasi niya sa akin tapos sabi ko wala pero pinilit niya ako dahil daw sa mga kinikilos mo sa kanya kaya yun sinabi ko na sorry"
Sabi niya sa akin.

Pagpasok niya parang lumalayo na siya sa akin dahil sa sinabi ni Kath at ugali ko daw kaya ayaw niya na rin sa akin.
Nabalitaan ko na wala na pala sila ni Jake.
Tinanong ko siya kung totoo
"Wala na kayo ni Jake?"
"Wala ka na doon"
Sabi niya sa akin
Pero pinilit ko pa rin siya
"Ano nga?"
"Oo, last week pa"
Malungkot niyang sinabi sa akin, napangiti ako sa sinabi niyang iyon at sinabi niya na
"Ayos ikaw ayos ako"
Lumipas na ang ilang araw hindi pa rin siya namamansin hanggang sa wala na akong magawa hanggang sa sinabi ko na...

"Cristina wala na akong nararamdaman sa yo"
At mula ng araw na iyon pinapansin niya na ulit ako.
Pero ang totoo may nararamdaman pa rin ako sa kanya........

(AT DUMATING NA NGA ANG ORAS NA KINAKATAKUTAN NAMIN, ANG......
GRADUATION)

"Ohh ano na plano niyo?"
Sinabi ni Roy na parang paiyak na.
"Ako pahinga muna ako bago maghanap ng work, ikaw Bes?"
Sabi ni Kath kay Cristina
"Ako uhmm... Maghahanap na lang ako ng matatrabuhan sa isang building sa Manila"
Sagot ni Cristina
"Ikaw Xander,ano balak mo?"
Tanong sa akin ni Roy
"Ako di ko rin alam eh! Haha"
Sagot ko kay Roy, pero ang totoo magtatrabaho ako sa tito ko sa companya niya sa MANILA.
"Oh ano na magkakahiwa- hiwalay na tayo kita-kita na ulit tayo sa reunion natin, ok bye na ingat kayo ha"
Sabi ni Kath na umiiyak
"Oh siya sige na may celebration pa kami ng pamilya namin ehh bye na"
Sabi ni Roy
"Bye Kath!,
Bye Roy!,
Congrats sa ating lahat"
Sabi ni Cristina sa kanila pero biglang umimik si Kath na...
"Paano si Xander di ka magpapaalam!"
"Kath nama.."
Di ko nasabi ng kumpleto kasi nagsalita si Cristina..
"Edi sige BYE XANDER ohh oks na haha"
Kinilig ako sa sinabi niyang yon.
"Bye! Ingat k... Ingat kayo"
Sabi ko na muntik na madulas ang dila sa sobrang kakiligan ko haha.
Umalis na sila at umalis na din kami ng mga magulang ko.

"Loveliness Man"Where stories live. Discover now