41st Scene True Identity

11.3K 373 8
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"WAAAHHHHH! Nihon, I Miss You" makasigaw naman si Kara kala mo isang decadang hindi nakauwi.

"Uy! Kara mahiya ka naman. Ang daming tao oh." Pag payo ko dito sa ginagawa niyang kahihiyan.

"Ano ka ba. Na miss ko nga ang Japan. Namiss ko ang mga tao, ang mga paligid."

Tinignan ko naman siya. Kapag talagang parating ang Araw ng Patay nagbabago ang ugali nito. Kaya mas lalo akong nag aalala dito eh. Hindi mo alam kung talagang masaya ba siya o nag papanggap lang.

"What?" Tanong niya sa akin ng hindi ako umiimik sa sinasabe niya.

"Wala." Simpleng sagot ko dito.

"Ahmmm Ren-san." Tawag ni Kara habang ipinapasok nito sa sasakyan na gagamitin namin ang mga bagahe namin ni Kara.

"Nande?"

"Ba't ang dami atang sumundo sa atin?" Tanong niya pa sa akin habang tinitignan ang linya linyang mga itim na sasakyang nakaka agaw pansin sa mga taong dumadaan.

"Nagtanong ka pa. Alam mo naman ang sitwasyon dito." Sagot ni Nana na naiirita sa mga tumititig sa amin. "Kung bakit pa kasi kelangan nating bumalik dito eh."

Tinignan ko ng masama si Nana dahilan para matahimik siya. Hindi ko siya pinapakialaman sa mga pangbabastos niya pero alam namam siguro nitong rumespeto minsan. Kung hindi kay Kara kay Mia nalang.

"Mauuna na kami. Nag aantay na si Mommy sa bahay. At pwede ba! Pakisabe sa Daddy ko, umuwi din naman sa bahay. Hindi yung tambay siya ng tambay sa bahay niyo." Pag papaalam ni Mia sa amin.

"Mabuti pa. Sumakay na din tayo sa sasakyan " At pwersahan ko siyang pinapasok sa sasakyang naghihintay sa amin.

Isang oras din ang byenahe namin para makarating sa Main House ng mga Alaude kung saan nag aantay ang mga kapatid at ama ni Kara, of course pati narin ang mga Famiglia.

Asa tapat kami ng Main House ay nakita na naming nakalinya ang mga ibang tauhan sa labas at para atang hinihintay kami.

Nang nasa tapat na kami ng gate pinag utusan ni Okaasan na nasa kabilang sasakyan si Ren na palabasin kami para batiin ang mga nag aantay sa amin.

"Okaerinasai Hime-sama, Jen-sama" bati sa amin ng linya linyang mga tao sa labas ng gate ng makita nila kaming lumabas sa aming sasakyan.

"t-t-tadaima." Naiilang naming sagot sa kanila. Hindi naman kasi ganto dito sa bahay. Ang daming tao, ang daming ingay at ang polite ata nilang lahat ngayon.

"Anyare?" Tanong ko kay Kara na nahihiya sa ginagawa ng mga kasamahan namin.

"Anata wa subete teishi suru koto ga. Watashitachiha, dōro no man'naka ni ari, anata wa subete no koto no yō ni engi shite." Sagot ni Kara sa mga ito. ------->(Can you all stop. We are in the middle of the road and you're all acting like that.)

Ng makalagpas kami sa gate ganun parin ang sitwasyon linya linya parin sila hanggang sa loob ng bahay kaya kaming dalawa na naglalakad papasok ay halos mahimatay sa kakahiyan na ginagawa nila. Sarili naming bahay ni Kara ay tinatago namin ang mga mukha namin sa kahihiyan.

Pero ang mas nakakaloka ay nangangalahati palang kami sa Main House ay biglang nagkagulo sa labas.

"Nani ga okotte iru?" Tanong ni Kara sa mga ito. ------->(What's happening?)

"Hime-chan, Jen-chan koko de machi nasai ." Payo ni Ren sa amin at binalingan ang mga kasamahan niya. "Bantayan niyo ang mga alaga ko." Bilin nito at patakbong lumabas ng gate. -------->(Hime-chan, Jen-chan stay here)

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now