42nd Scene Sweetest Meryenda

11.6K 347 16
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"OMG"

"Nakakaloka"

"Ibig niyong sabihin mga Mafia kayo." Sabay turo sa amin. "Kayong lahat?" At tinuro nanaman ni Reid ang Pamilya ni Kara "Po" habol pa nito ng sinamaan ng tingin ni Kuya Caleb ito na ikinangisi ko.

"Ngayon na alam niyo na ang totoo. Puwede na kayong mamahinga." At nag posing si Kuya Caleb na parang makikipag laban ito, kaya ninerbyos naman ang mga kaibigan namin.

"ANIKI" tawag ko sa kanya.

"Joke. Mag relaks kasi kayo, masyado kayong stiff."

If I know kung hindi ko 'to pipigilan talagang gagawin niya ang binabanta niya sa kanila. Hayyyyyy ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to. Halatang hindi nagmana sa magulang ni Kara. Siguro si Kuya Caleb eh ampon kaya ganyan ang ugali. . .hayyyyy . . .

"Hindi magandang biro" basag ko sa kanya.

"Ikaw Jen, nagtagal lang kayo sa Pilipinas gumagaya ka na kay Kara na bastos."

"Heh" pag papatigil ni Kara sa kapatid niya.

"That's enough" pagpapatigil naman ni Otousan sa amin.

Tumigil kami sa ginagawa naming mga basagan at inantay ang susunod na sasabihin ni Otousan na ngayon ay umupo sa dating upuan namin ni Kara na kaharap ang mga kaibigan namin. Napaka laki talaga ng presence ni Otousan kahit hindi mag salita lahat kayo tatahimik kung siya ang gumalaw.

"Ngayon na kilala niyo na ang tunay na pagkatao nina Kara at Jen isa lang ang pakiusap ko sa inyo na sana ay kung ano man ang napag usapan at nalaman niyo sa loob ng bahay na ito ay walang makakaalam nino man maliban sa inyong narito."

"Papa"

"Otousan." Tawag namin sa kanya dahil sa paghingi niya ng pakiusap sa mga taong hindi niya kakilala at ngayon ay nag bo-bow pa siya na hindi naman niya pangkaraniwang ginagawa kahit kanino.

"Ahhh. .ano bang sasabihin natin?" Bulong ni Ash sa mga kaibigan.

"I'll keep the secret." Sagot agad ni Izzy ng walang sumagot sa Four Kings. "I mean, they did keep a secret to us and I should be angry with them cause they're our friends but somehow I do understand why they need to keep it to us." Paliwanag niya. "So, I'll keep the secret. I will never tell anyone, anything."

"Ako din." Segunda naman ni Wendyll.

"You also have our words. We will never say anything to anyone about this." Sagot naman ni Ace.

"Thank you." Sagot ni Otousan sa kanila.

"Sana totoo ang sinasabe niyo dahil hindi ko hahayaang masaktan niyo ulit ang kapatid ko." Babala naman ni Kuya Caleb sa kanila.

"Puwede ba! Okay na eh. Nangengealam ka pa." Naiinis na taga ni Kara sa kapatid.

Matapos ang usapan ay hinayaan na kami ng Pamilya namin para mag sama sama na walang mga kabuntot.

"Sabe ni Papa mas okay ng dito nalang kayo sa Main House tumambay habang andito kayo sa Japan. Kung wala sanang outbreak of war  sa Underground World doon sana tayo pupunta sa bahay ko kaya lang wrong timing ang pagkakaalam niyo ng secret namin. Kaya magtiis na muna kayo dito." Pagaalalang may halong paninisi ni Kara sa mga ito.

"Main House?" Tanong ni Wendyll.

"May Apat na Quarter house ang Pamilya Alaude. Nakapangalan ang tatlong bahay sa tatlong anak ng current Boss ng Alaude Famiglia ibig sabihin noon sina Kara at ang dalawa niyang kapatid"

My girl is a Mafia!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon