Love? Nakakain ba 'yun?

158 12 11
                                    

Para sa best friend ko. Ito na iyong request mo. Haha! Sana magustuhan mo ito.

----------------------

What is love?

A four letter word and a noun that is also a psychotic disorder because of your obsession and exaggeration feelings with that someone.

Yeah. Alam ko. Ako ng bitter. Pero totoo naman eh. Sa tingin niyo ba mabubusog kayo sa love na 'yan? Ni hindi nga nakakatulong 'yang paglalandian niyo sa ekonomiya ng bansa.

Oo nga pala. Hindi ko rin pala kayo masisisi. I was once a victim of love. WAS. Past tense. Tapos na. I believed in forever, happy endings and fairy tales. I even collected romance pocketbooks before. And remembering those times, I want to slap myself.

Bakit nga ba ako nagpauto sa bagay na 'yun? Hindi ko naman napakinabangan eh. Lalo lang akong naging tanga. Umasa na sana nga may nakatadhana sa isa't isa. Sa takdang panahon.

Para sa akin...

Pero wala pa rin. Paulit-ulit lang akong nasaktan dahil sa pag-asa sa bwiset na salitang love na 'yan!

Idadagdag ko na rin. Love is just for those crazy people searching for attention. Bitter na kung bitter pero sinampal na rin sa akin ang katotohanang iyan.

Tandang-tanda ko pa noong first year high school, naging crush ko ang kaklase ko. Oo, crush pa lang. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko doon. Basta ang alam ko noong panahong iyon, mabait, matalino at magaling siyang mag-drawing. Panlaban namin siya sa mga poster contest.

Hindi siya sobrang gwapo pero masasabi kong cute siya. Mukha siyang palaka. Tinatawag siyang 'pa-fall guy ng taon' dahil madaming babae sa klase namin ang nagkagusto sa kanya. Seryoso din kasi ito at hindi loloko-loko.

Pero ang magaling kong puso, ayun, nahulog sa pa-fall na palakang iyon.

Hindi kami close noon. More than classmates, less than friends. Na-stuck kami sa pagitan. Nakakausap ko siya at dahil na rin siguro sa madami kaming napagkakasunduan kaya lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Isama pa na kaklase ko siya hanggang fourth year. Lalo ko siyang nakilala. May mga oras pa nga na sinasabihan niya ako ng mga sikreto at kalokohan niya.

Until I realized that he's my first love.

Gusto ko na nga siyang paalisin at ipa-transfer sa ibang school para matapos na itong kabaliwan ko sa kanya. Kaso hindi rin pwede. Nagtiis tuloy ako. Minsan umiiwas ako, minsan nagpaparamdam. Sadyang manhid nga lang ang mokong. Hindi napapansin ang kinikilos ko.

Mukhang masaya pa nga si tadhana sa paglalaro niya at ako ang unang nakita. Ginawa pang trahedya ang storya ko.

Pebrero. Araw ng mga puso. Binigyan niya ng bulaklak ang isa naming kaklase. Iyong muse ng section namin. Gusto niya pala ito. May tawagan pa nga sila eh... pika-pika. Dinamay pa pati si pikachu. Tsk.

Naging mag-MU ang dalawa.

Madaming nakaalam sa nangyari. Kaya pinagpyestahan sila ng mga irit, kilig at 'yung iba naman ay chismis. Madaming nagselos. Kasama ako doon pero hindi ako dakilang chismosa! Ayos na ako sa pang-iirap sa kanila.

Akala ko talaga noon posibleng magustuhan niya ako. Baka sakaling isa siya sa mga lalaking hindi tumitingin sa panlabas. Baka gusto niya rin ang ugali ko, na dahil matalino ako kahit hindi ako kasingganda ng muse namin.

Kwento? Meron Ako!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora