43rd Scene True Feelings

10.3K 327 14
                                    

~~~~~ASH's POV~~~~~

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Reid na nag iisa sa balkonahe ng kwarto namin. Nakita ko kasi siya kanina na umakyat habang asa baba kami at nag kwekwentuhan pero natagalan siya at hindi pa bumababa kaya sinundan ko na siya dito sa taas.

"Ano namang klaseng tanong yan." Mapakla lang niyang sagot sa akin.

"Bro, kaibigan kita. Lumaki tayong magkasama. Sa tingin mo hindi ko pa alam kung okay ka o hindi."

"Medjo hindi, medjo oo."

"Ano namang klaseng sagot yan?" Natatawa kong tanong sa kanya. "Are you regretting the help that you did with Rouge?" Ang tinutukoy ko ay ang ginawa niyang paraan kanina para magtapat si Rouge kay Jen.

Tumingin naman siya sa akin. "Of course not."

"Kung ganoon bakit parang hindi ka natutuwa sa resulta ng plano mo? Do you really like Jen that much?"

"I like Jen, totoo yun. Kakaiba siya sa lahat ng mga nakilala ko and I somehow . . . . . felt na siya na yung . . . . .the one." Pag co-confess niya sa akin ng katotohanan.

"You are regretting your move."

"No" simpleng sagot niya. "Alam ko naman kasi na mas gusto niya si Rouge more than just being a friend, ramdam ko yun."

"You have a chance, Jen is also close to you. May panlalaban ka."

Tumawa naman siya sa sinabe ko. "Bro, I will never risk my friendship with you guys for just a woman."

"She's not just a woman. Ikaw na mismo nagsabe you felt that somehow she's your the one."

"Hindi pa ganoon ka grabe ang nararamdaman ko kay Jen para i-risk ang pagkakaibigan namin ni Rouge."

"So you gave way para kay Rouge?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi kagaya ko, Rouge totally fell in love with Jen. Kita naman nating lahat yun. At kung magiging third wheel ako, alam nating mag sasakripisyo nanaman ang gago para sa akin. Siya nanaman ang magiging "the guy", ayoko nga ng ganun. Kaya this time I felt na I need to give way for him."

What Reid had said. Totoo yun, si Rouge ang type na mas gugustuhing makitang masaya ang mga kaibigan niya kaysa maramdaman niyang maging masaya. He has always been the type of person who gives things rather than accept them. Kahit na alam niyang kanya ito talaga ay ibibigay parin niya sa amin kapag naramdaman niyang gusto namin ang bagay na iyon. Gulat kayo noh! Ang maawtoridad at tough na Rouge ay isang mapagbigay na tao.

Maisip nga, Ilang beses na nga bang nangyare yon kay Reid na laging nag gi-give way si Rouge para sa kanya. Kaya siguro ngayon na alam na alam niyang gustong gusto ni Rouge si Jen ay siya na mismo ang nagpatalo para naman maging masama ang kaibigan namin at hindi yung palaging siya yung nag bibigay.

~~~~~5 Hours Ago~~~~~

"Hoy Rouge" binato ko ng pillow ang kaibigan namin.

"Ano ba?"

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" I asked Rouge.

"Wala" simpleng angas na sagot lang niya sa tanong ko.

"Psst" isang sitsit ang narinig ko.

"Bakit?" Tanong ko kay Reid.

Sinenyasan naman niya akong lumapit sa kama niya at parang pasimple pang wag daw akong maingay.

"Bakit ba?" Tanong ko dito ng makalapit ako sa kama niya.

"Gusto mo malaman kung anong problema nung dalawa?" Tanong niya sa akin na tinuro yung dalawang kaibigan namin na tahimik at parang lumilipad ang mga utak at kung saan saan napupunta ang pag titig nila sa balkonaheng sarado naman.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now