A LOVE UNTOLD

25 2 0
                                    

Ashley's POV

"James, sa Lunes na alis ko. Magiging maayos ka lang naman dito diba?"

Halos maiyak iyak kong sabi dahil mamimiss ko rin naman 'tong mokong na 'to.

"Hoy Ash, hindi ka kawalan kaya hindi kita mamimiss ano naman kun pupunta kasa New York? Akala mo naman malulungkot ako." Sira talaga 'tong lalaking 'to halata naman ang lungkot na boses niya.

"Teka, kailan ba ako nagsabi na mamimiss mo ako? Loko 'to Galeng gumawa ng storya, gawa ka account sa wattpad baka sakaling maging sikat kang author kesa sa paglalaro mo ng dota." Pakipot pa kasi 'to mamimiss naman talaga ako niyan *Evil Smile*

"Oh ano yang nginingiti ngiti mo dyan?"

"Wala! Alis na ako.. Mag on ka sa fb ha Chat tayo tatlong araw na lang aalis na ako papunta sa New York."

"Geh,ingat."

Saturday 7:00 am

Ashley: Good Morning!!

Seen 7:02 am

Ashley: Wala kang balak magreply?

Seen 7:08 am

Ashley: Sige iseen mo lang ako!!

Seen 7:12 am

Ashley: Ano ba James!
Ashley: Ano kasi problema mo?? Aalis na nga ako tapos di ka pa namamansin.

Ashley: Okay sa totoo lang mamimiss kita. G*go ka kasi di ka man lang tumutol nung nalaman mo na sa New York na ako titira. Okay aaminin ko na.. MAHAL KITA. Sa loob ng tatlong taon na napagsamahan natin naging masaya ako. Dahil sayo, nakalimutan ko lahat ng problema ko. Tang*na naman eh. Bakit kasi kailangang umalis pa ako? G*go MAHAL NA MAHAL KITA JAMES!

Seen 7:45 am

3rd Person's POV

Dumating na ang araw kung kailan aalis na si Ashley, Wala naman na siyang nagawa dahil ito ang gusto ng mga magulang niya.

Hindi na muling nagparamdam sa kanya si James kaya lalo lang siyang nalungkot, Iniisip niya na hindi siya mahal nito dahil simula ng umamin si Ashley na mahal niya si James ay hindi na ito muling nagparamdam sakanya.

"My, anong oras na po??" Di mapakaling tanong ni Ashley sa mommy niya.

"Anak, kanina ka pa tanong ng tanong ng oras. Don't worry malapit na ang flight natin."

Muling nagbukas si Ashley ng facebook niya upang tingnan kung may sinabi na si James ngunit nabigo siya.

NO CHAT AVAILABLE.

Ashley's POV

Heto na nakarating na ako sa New York. Siguro dapat kalimutan ko na lang yung mokong na yun.

______________

______________


______________



______________




______________





______________




After 1 Month

One Message Received

James: Sorry natagalan.

Ha? Anong natagalan na sinasabi nito.

Ashley: Okay lang..? Nasa New York na ako. Musta ka na diyan?

Seen 9:11 am

James: Ahh ganun ba? Nasan ka?

Ashley: Bulag ka ba? Nasa New York nga.

Seen 9:20 am

James: I mean saang particular place sa New York?

Ashley: Ahh.. Actually nasa park ako but I forgot kung what name 'to. Bakit?

James: Tingin ka sa likod mo.

"JAMES??!"

Agad ko siyang sinalubong ng yakap. Hindi na siguro natiis ng mga luha ko na tumulo. Napaiyak na lang ako ng makita ko siya.

"Nananaginip ba ako? Please tell me hindi"

Nakatanggap naman ako ng batok sakanya.

"Hindi nga 'to panaginip. Namiss kita."

Kumalas na siya sa pagyakap saakin.

"Bat ka nandito? Paano? Teka.. Naguguluhan na ako."

Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"Simula nung umamin ka na mahal mo ako hindi ako mapakali dahil ayaw kong mawala ka sakin Ash. Sorry dahil hindi ako nagparamdam sayo. Nagisip ako ng paraan para hindi ka mawala saakin dahil MAHAL NA MAHAL din kita Ash. Ito ang naisip ko, na sumunod ako sayo dito. Natagalan nha lang dahil inayos ko ang lahat ng dapat ayusin. Mahal na Mahal kita Ash."

Maslalo akong naiyak sa mga sinabi niya.

"G*go ka talaga! Mahal na mahal din kita James."

"At kailan ka pa natutong magmura? Masmahal kita Ms. Fernandez soon to be Mrs. Sandoval"

At bigla ko na lang naramdaman ang labi niya sa labi ko. He gave me a full love kiss.

I...WILL...ALWAYS...LOVE...HIM...

The End


HI! Pangit ba? Sorry naexcite kasi ako gumawa ng story kaya hindi masyado napagisipan 😂

Thank you! See you sa next story ko/namin 😊








A Love Untold (ONE SHOT)Where stories live. Discover now