Who You Ka Sakin

111K 1.4K 281
                                    

 DUE TO PUBLIC DEMAND! WHO YOU KAYO SAKIN KAPAG HINDI NIYO PA 'TO NAINTINDIHAN. HIHI.

ALL RIGHTS RESERVED

© CUPSANDCOOKIES

"Wala pa ba?" Tanong ni Zeus na hinihintay ipost yung Top 10 sa classroom.

"Wala pa. Sige na. Umuwi ka na. Babalitaan na lang kita." Sabi ko habang nakangiti. Hindi lang naman siya ang naghihintay. Pati rin ako. Hindi naman ako nageexpect na masali ulit sa top 10 kasi alam kong binagsak ko yung TLE at mababa ako sa Science. Kahit 85 man lang, ayos na wag lang akong magkaron ng 80 pababa.

"Ayiiieee" pangaasar ng mga kaklase ko. Late reaction pa. Nye. Wala naman akong gusto kay Zeus. Porket seatmate gusto agad? Lah.

Ano lang kasi.. nakakakilabot lang kasi yung pagkikilos niya lalo na pagkinakausap niya ko. Tas minsan, nahuhuli ko pang nakatingin sakin. Char. Ang feeler ko. Hahaha. Eh kasi naman.. walang salitang NO CRUSH kapag gwapo at matalino ang seatmate. Talandi. Sus.

Nagduh-di-ko-un-crush look na lang ako sa mga kaibigan ko.

Nagyaya yung mga kaibigan kong pumunta sa cafeteria.. pagsamantalang dun muna namin hihintayin mag4 o clock. Chichibog muna kami.

"5 minutes na lang." sabi ko. Ang tagal kasi ipost yung Top10. Di katulad dati na hinahabol pa namin yung Sir namin para lang makita kung sino yung kasali.

"Hala. Nanamnamin ko muna yung pagkatop 10 ko. Baka mamaya hulog na ako e. Tsk" Sabi ni Anne. Baka Triple Kill na kasi siya mamaya. Ako naman, pacool lang kasi isang buwan kong pinagdasal.

"Nako. Hindi yan. Feel ko nasa top parin kayong dalawa ni Shey." sabi ni Hannah. Well, I hope so.

"Guyth, 1 minute na lang oh." sabi ni Mikaela. sabik din siguro un. Tatlo kaming Top 10 sa tropa. Ako, Si Anne at si Mikaela. Umuwi na kasi yung iba kaya kaming lima na lang ang natira nina Shmily.

"Tara balik na tayo sa classroom." Pagaaya ko.

Habang naglalakad kami sa hallway, nagtatrantums si Anne. Iba na talaga nagagawa ng Love. :(

Sinasayaw niya yung The Boys ng Girls Generation tas nagwhiwhip My Hair pa siya sa mga parents na dumadaan. Ganun na ba talaga kabaliw ang kaibigan ko? Napakadesperada. Hindi lang siya yung pinili ni Nowan e.

 "Hala may parents na. Nakakakaba." sabi ni Mikaela. Yeah.Nakakakaba naman talaga. Damang-dama ko na.

Bago kami umakyat, nagsign of the cross muna ako. Good luck na lang sa makikita kong grades at congrats na lang sa mga Top 10 na kasali ngayon.

Pumasok kami sa silid-aralan namin at nandun si Sir Pol. May mga parents na rin. Dinidikitan niya kasi ng tape yung papel tas hindi naman ako kinakabahan sa magiging resulta. Bakit kaya? 

Hindi muna ako lumapit pero.. si Hannah.

"Shey, TOP 10 ka pa rin! Tignan mo may Trevor sa dulo." As usual. Lagi naman akong nasa dulo. Hindi ako naniwala nung una kasi hindi ko pa nakikita pero nung nakita ko na.. Napisil ko yung balikat ni Shmily sa sobrang tuwa. Hindi ako pwedeng maglupasay sa gitna ng classroom kasi may mga parents na kaya naman napaOMAYGAD na lang ako ng mahina. Thank God. 

Kaso mali ang Name ko. Hindi ako yung nakalagay pero nandun yung Surname ko. Trevor, Shaia I. Pinakadulo. Oh diba? Sinong matutuwa dun? Okay sana kung Trevor, Shey Courtney. Kaklase ko si Shaia, at the same time katabi ko pa. Shaia I. Dasigan. Yun lang ang layo ng apelyido niya sakin. Naman kasi. Kainis. Lagi na lang namamali. Huhu. :(

Tinignan ko pa yung mga kasali sa Top 10.. Ganun pa rin naman kaso si Anne. :( Condolence, friend. Triple kill nga. :(

Tas si Zeus.. wala na rin. Bakit? :( Condolence rin sakanya. Tatlo ang nawala. Si Anne, si Zeus at si Maria. 

Who You Ka SakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon