Sabi nila, every great love story ends in tragedy. Kasi 'di ba, the best way to become immemorial is to cause pain tragic enough to etch a mark for eternity? 'Yong tipong taon na ang nakalilipas, hindi mo pa rin malimutan 'yong nangyari, kasi ramdam mo pa rin 'yong sakit?
Parang sina Isolde at Tristan.
Parang sina Count Vronsky at Anna Karenina.
Parang sina Heathcliff at Cathy.
Parang sina Romeo at Juliet.
Kaya siguro ganoon ang nangyari sa amin ni Benny.
Kaya siguro ganoon kasakit.
Siguro... great love ko siya.
Siguro.
Pero baka naman may better na darating kaya nagkaganito. Iyong tao na magpapa-realize sa akin kung bakit hindi naging kami ni Benny... kasi siya pala talaga.
Na lahat ng nangyari, lahat ng sakit na naramdaman ko, worth it naman pala. Kasi siya pala 'yong kapalit.
Naaalala ko pa tuloy 'yong dati.
Nakaupo lang ako habang hinihintay ko si Benny. Katatapos lang kasi ng university graduation namin kaya nagutom ako. Tatlong oras ba naman kaming nakabilad sa araw tapos ni tubig, nakalimutan ko pang bumili. Ayan tuloy, halos dehydrated na ako nang masabi n'ong speaker iyong huling salita ng speech niya.
But still, Padayon! Laban lang! Ilang taon kong ginapang 'to, ngayon pa ba ako susuko?
"Babe, same order?" tanong sa akin ni Benny habang nakapila siya. He would always volunteer to buy, even the smallest stuff for me. Minsan nga, tinutukso na ako na baldado raw ako kasi lahat na lang, si Benny ang gumagawa. E, hindi ko naman siya pinipilit.
Sabi niya lang, it's his way of spoiling me. Hindi pa raw kasi kaya ngayon. Wala pa raw siyang budget para ma-spoil ako sa materyal na bagay dahil pareho pa kaming nag-aaral... kaya dinadaan niya sa effort.
I nodded. He smiled.
But somehow, something felt weird...
Pagbalik niya sa lamesa, dala niya iyong order namin. Iyong usual pa rin naman. Italian deepdish pizza para sa akin at saka lasagna para sa kanya. Gano'n pa rin naman. Wala namang pinagbago sa dati naming kinakain. Ito pa rin naman 'yong nakagawian namin.
"Congrats, babe!" sabi niya at saka may inabot sa akin.
"Gift again?"
Umiling siya.
"Bigay ni Mama," he said and beamed. "Sobrang sorry daw na hindi siya nakapunta sa grad nating dalawa. Sana pala lagi na lang nakokonsensya si Mama! Ang galante, e!" sabi niya na natatawa pa. Hindi kasi nakarating si Tita dahil hindi na-approve iyong vacation leave niya. Na-curious tuloy ako dahil hindi naman talaga mahilig magbigay si Tita ng regalo. Kuripot kaya 'yon kahit na head nurse na sa hospital sa Canada. Mag-nanay talaga sila ni Benny. Sobrang maingat sa pera.
Madali kong binuksan iyong box. Itinaas ko iyong susi na nakalagay sa loob.
"Ano 'to?"
Ngumisi lang si Benny.
Wala akong nakuhang sagot, but for some reasons, nagsimulang kumabog ang dibdib ko.
Parang... may mali.
"Ubusin mo muna 'yan tapos punta tayo after," he said at saka inagaw sa kamay ko iyong susi at saka binalik sa box. Napatungo na lang ako at saka pinagpatuloy iyong pagkain. Pero nawalan na ako ng gana sa pizza ko.
BINABASA MO ANG
I Watched Him Fall For Someone Else (COMPLETED)
General FictionWhen her longtime boyfriend proposes to her, Nari does not seem happy. She rejects him, hoping he would understand. But two years, seven days, three hours, five minutes, and thirty seconds later, Nari enters a church and watches him get married to s...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte