45th Scene The One We Had Lost

10.7K 294 11
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Kara." Binigay sa akin ni Jen ang bouquet ng flower na pina order ko pa last week. Favorite color ni Faith 'to kaya special delivery pa 'to sa ibang place dahil hindi pa nag blo-bloom sa buwan na 'to ang bulaklak na paborito niya.

Ngumiti naman ako kay Jen at nagpasalamat sa kanya bago ko harapin ang puntod ni Faith, iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Walang mga Higanbana na malapit sa puntod ni Faith kahit sa nitso nito ay wala.

"Pasensya ka na huh. Hindi ko naman sukat akalain na kakalbuhin nung stalker ko ang mga Higanbana na tinanim namin dito." Naiinis kong pakikipag usap kay Faith. Kahit alam ko naman na walang sasagot sa akin.

"Wag kang mag alala. Pag nalaman ko kung sino ang stalker na yun. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niyang pag angkin sa mga bulaklak na dapat ay para sa'yo."

"Kara sina Mia andito na." Pag papaalam sa akin ni Jen na andito na ang isa ko pang pinsan.

"Ohayou." Pag bibigay bati ko sa pinsan ko kaya binati din niya ako.

"Talagang walang tinirang bulaklak ang Lover mo dito kay Faith, Kara."

"Wag mo ng ipaalala mas lalong kumukulo ang dugo ko." Nakita ko naman ang matamis na ngiti sa seryosong mukha ni Mia.

Infairness naman kahit hindi maganda ang pakikitungo namin ni Mia sa isa't isa. Pero, pero sa mga panahon na ganito na pareho kaming nag hihinagpis sa pagkawala ng isang pinakamamahal na parte ng buhay namin ay nagdadamayan kaming dalawa. Malapit kasi sa aming dalawa si Faith. Siya ang glue sa aming dalawa ni Mia na laging nagbabangayan.

Si Faith ay mas matanda sa amin ng dalawang taon kaya mas mature siya kumpara sa aming lahat. Siya ang laging nag papaalala sa amin na kami dapat ang nag kakampihan at hindi ang nagpapatayan.

Maniwala kayo o hindi inggit kami ni Mia kay Faith siya kasi ang katuwaan ng lahat, inaalagaan ng lahat at minamahal ng lahat. Habang kami ni Mia! Kinakatakutan ng lahat. Pero kahit na ganoon mahal na mahal namin si Faith.

Kaya siguro nung namatay siya sobrang sakit at pang hihinayang ang naramdaman namin ni Mia. Wala kaming masising tao dahil hindi naman namin kilala ang gagong lalaking minahal niya. Kaya kaming dalawa ni Mia ang nag sisihan. Obviously hindi yun naging magandang idea dahil ngayon ang titulong "pinsan" nalang ang natitirang nag-ba-bind sa amin para hindi magpatayan.

Pero okay naman na ngayon. Simula ng mangyare ang sunod sunod na insendente sa amin ay nagiging casual na kami sa isa't isa paunti-unti. At least ngayon hindi na kami yung dati na nag sisigawan or nagdadabugan kapag nag kikita o naririnig lang ang pangalan.

"Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ni Mia ng mailagay sa puntod ni Faith ang bulaklak na katulad din ng akin ay paborito ni Faith.

"Ngayon, ngayon lang."

"Nabalitaan kong nagwala si Enma sa inyo kagabi."

"Ang bilis talagang kumalat ng balita. Ang layo ng bahay niyo Mia pero nakaabot parin doon." Pang asar ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong nangyare. Bigla nalang siyang nagwala. Okay naman siya ng umaga. Nung umuwi lang talaga kami galing Shibuya bago siya nagwala."

"Baliw talaga."

"Ang pinagtataka ko. Tinatanong niya sa akin kung bakit daw nakikipag kaibigan kami ni Jen sa killer ni Faith."

"Kung hindi nga lang kasi. . . . . . ."

"Ano? May sinasabe ka?" Tanong ko sa kanya kasi hindi ko marinig ang binubulong bulong niya.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now