Nais kong malaman mo..

508 11 1
                                    

Marami na akong nakilalang lalaki.
Marami rin akong kaibigan na lalaki.
Halos lahat ng kasama ko sa bahay ay puro rin lalaki.
Pati angkan namin ay mas lamang din ang lalaki.
Halos lahat na ata ng tao sa paligid ko ay puro na lalaki.
Pero nung nakilala kita.
Ikaw ang pinaka iba sakanila.
Pagmamahal mong may dala dalang saya sa buhay kong gumugunaw na.
Pero tama nga sila.
Kung sino ang huling taong nagbibigay saya
ang siyang magbibigay ng sakit sayo bago mo ipikit ang iyong mga mata.
Mahal na mahal kita pero tama na.
Mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na.
Mahal na mahal kita pero masaya kana sa iba.
Mahal na mahal kita pero sana hindi ka sumuko.
Mahal na mahal kita pero sana nagtiis ka.
Sana kahit saglit nag tiis ka.
Alam kong nasaktan kita.
Alam kong wala nang mas kakapal pa sa mukha kong malakas ang loob para humingi pa ng isa pang pagkakataon.

Pagkakataon na hindi mo naman ipinagkait ibigay sa tulad kong walang kwenta.

Dalawang pagkakataon.

Binigyan mo ang isang katulad ko ng dalawang pagkakataon.

Pero kupal ako.
Gago ako,
Wala akong puso.
Kasi yung dalawang pagkakataon na willing mong ibinigay.
Ay tinapos ko lang rin sa iilang mga salita.

Mga salitang "Ayoko Na" at "Pagod na ako"

Kasi hindi ko na maintindihan.
Ang gulo gulo.
Yung ako na palaging masaya.
Yung ako na nagbibigay kulay sa iba.
Yung ako na napaka positibo sa lahat.
Yung ako na the last woman standing.
Yung ako na sandalan ng lahat.
Yung ako..
yung ako ay naubos na.
Ikaw nalang ang naging dahilan ko para sumaya.
Araw araw akong pumapasok kahit hindi ko na kaya.
Pero isinasantabi ko lang lahat dahil alam kong pagkatapos ng lahat ay makakasama naman kita.
Tuwing uwian sabay tayo palagi diba?
Lagi mo akong inaantay.
Lagi mokong sinasabayan.
Lagi mo akong hinahatid kahit na mga mata mo ay namumugto na.
Namumugto na sa pagod pero andiyan ka.
Andiyan ka parin sa aking tabi.

Araw araw patindi ng patindi.
Araw araw hindi ko na alam kung paano pakakalmahin ang aking sarili.

Paulit ulit ang mga nangyayari.
Bawat araw mas sumisikip ang aking mga dibdib.
Natatakot na ako.
Natatakot na ako lumaban sa mundo.
Matapang ako 'di ba?
Kaya ko lahat 'di ba?
Lahat ng bagay ay aking kakayanin dahil alam kong nasa tabi kita.
Ngunit
Umabot na ako sa puntong ayokong mawala ka.
Pero alam ko na kapag ang gaya ko ang iyong makakasama ay baka masira ka.
Mahal na mahal kita pero gusto kong malaman mong hindi na kita gusto makasama.
Pakiramdam ko ang toxic toxic ko na.
Hindi ko kaya na makita ang taong mahal na mahal ko ay masisira dahil lang sa gaya ko na wala namang kwenta.
Gusto kita palayain kahit ayoko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa aking isipan basta ang alam ko lang ay tama na.
Habang tumatagal ay hindi na nagiging sapat ang iyong mga ngiti.
Hindi na nagiging sapat ang sobrang pagmamahal na iyong ipinapadama.
Sapagkat nakokonsensya ako na hindi ko kayang sabihin sayo na nasisira na ako at gusto ko ng tapusin ang buhay ko.
Mahal na mahal kita sobra pero alam kong mas sasaya ka sa iba.
Napaka swerte ko sayo pero ayokong masira ka.
Ako ang palagi mong takbuhan kapag malungkot ka.
Ako ang lagi mong kinakausap kapag nauubusan kana.
Natutuwa ako at hindi ko alam kung anong saya ang palagi kong nararamdaman kapag natutulungan kita.
Gusto ko iparamdam sayo na may taong nandiyan kahit na pakiramdam mo ay wala kang silbi.
Pero hindi ko na kasi alam kung ano na ang nangyayari.
Mahal..
Mahal sana maintindihan mo.
Na sa bawat araw na kasama kita at nakahiga ako sa mga balikat mo.
Tanging hiling ko lang na sana habang buhay nalang tayo na ganito.
Gusto kita ipagdamot.
Gusto ko akin ka lang.
Pero nagiging makasarili na 'ko.
Noong mga oras na sukong suko na ako ay gusto ko na sabihin sayo.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ibahagi sayo.
Dahil ayokong makita mong nagiging ganito ako.
Ayokong makita mo na mahina ako.
Kaya sa bawat gabi na lumilipas.
Walang oras na hindi ako umiiyak.
Saksi ang kaibigan ko sa bawat patak ng aking luha.
Saksi siya na mahal na mahal kita pero ayoko kasing madamay ka.
Alam ko makasarili ako.
Pero may sarili kana kasing problema.
Ayokong makidagdag pa.
Gusto ko palagi lang kitang nakikitang masaya.
Ayoko na madamay ka pa saaking dinadala.
Dahil mahal na mahal kita sobra.
Kasi kasangga tayo diba?
Kasangga kita sa lahat.
Ikaw ang taong nakakaintindi sa ugali ko.
Ikaw nalang ang mayroon ako.
At ako rin naman sa 'yo.

the art of letting goWhere stories live. Discover now