46th Scene The Attempt

9.5K 295 13
                                    

~~~~~REN's POV~~~~~

"Wala ata tayo sa mood mag Party." Nangingiti kong tanong sa mga ito dahil mas byerne santo pa ata ang mga mukha nila kesa sa mga patay.

"Kasi naman sabe ko ng hindi ako pupunta sa party na 'to. Ang kulit kulit niyo naman kasi."

"I second the motion."

"Hindi naman kayo mamatay kung hindi ako pupunta."

"I second the motion"

"This would be the first" sagot ko sa mga ito na nakangiti parin na nakatingin sa mga mahahabang nguso nila.

"Huh?" Sabay pa nilang natanong sa akin.

"Na wala kayo sa mood para pumunta sa party na 'to. This is your favourite day of the year after all."

"Wala nga ako sa mood. Ang kulit naman" Sabay ulit nilang sagot sa akin. Hindi naman siguro sila telepathic sa isa't isa, hindi ba? Para sumagot ng eksaktong mga words.

"Ginagaya mo ba ako?"

"Ikaw ata ang nanggagaya sa akin eh." Pasagot ding sagot ni Kara kay Mia. "Bakit ba kasi kelangan na kaupo pa kita."

"Sa tingin mo! gusto ka din naming kaupo lalo't kasama ang mga yan" tinuro ni Nana sina Enma at Sophea na hindi pinapansin ang mga iba. Kahit pa magkakasama sila sa iisang mesa. Yung dalawa naman na tinuro ni Nana ay walang pake sa pinag uusapan nila. Pareho kasing may sariling mundo kaya hindi na nila pinapatulan ang mga banat niya.

"Kinakausap kita?" Mataray namang tanong ni Kara kay Nana. "Sabat ka ng sabat hindi naman ikaw ang kinakausap."

Hindi na nakakapagtaka na nag sasagutan sila dahil nasa iisang table sila na halatang asiwa na magkakasama sila. Ano kayang nangyare sa mga bata, nakakapanghinayang na dati naman hindi sila ganito to be exact, lagi silang magkakasama at nag kakasundo, paminsan minsan lang ang away pero ngayon ay halos ayaw nilang magsama sa iisang mesa. Lalo na 'tong si Enma na hindi ngayon pinapansin si Kara, parang may tampo ito sa amo.

"Asan nga pala si Chan-chan, Ren san?" Pagbabagong tanong sa akin ni Kara habang nilalaro ang palaypay ng damit niya.

"Ahh! Nasa kabilang table siya kasama ng mga kapatid mo."

"Eh ba't andito ka?" Tanong din ni Mia. Para atang pinag didiskitahan ako ng mga ito. Kanina lang nag sasagutan sila ngayon naman nag kakampihan sila sa pang aasar sa akin.

"Pinapa-check kayo ni Travis. Baka daw umalis kayo ng walang paalam."

"Hahahahahahaha 😅😅😅😅😅" tawang awkward ang sabay kong narinig sa mga bunganga nila Kara at Jen. Pansin ko din na napahinto sina Enma at Sophea sa ginagawa nila.

"AAAHHHHHH . . .MAY BALAK KAYONG LUMABAS, ANO?" Turo ko sa mga ito. Halatang may binabalak ang mga tawang iyon.

"Wala akong alam jan." Sagot sa akin ni Mia at tinignan pa si Nana na katabi nito.

"W-wala."

"Oo nga, san naman kami pupunta kung sakali."

"Hime-chan, Jen-chan you are not allowed to leave the premises. Hindi dahil may mga kasama kayong mag aakyat bakod ay makakalabas kayo agad dito. Magagalit ang Kuya niyo" I warned them. I've been with them since young kaya alam ko ang likoy nila. Mahigpit ang mga bantay ngayon lalo pa't may celebration na nagaganap dito, mas malaking tsansa na baka may nag aabang na mga kalaban sa labas. Hindi naman pupuwede na i-cancel ang halloween party dito dahil naging tradition na ito sa Famiglia Allaude.

"Hindi nga kami aalis."

"I am not joking. Isusumbong ko kayo kay Travis."

"Ito naman, napaka sumbongero mo." At pi-nout pa ni Kara ang labi niya na akala naman niya ay tatablan ako ng puppy eyes niya.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now