47th Scene Rouge's Selfishness

10K 313 17
                                    

~~~~~ROUGE's POV~~~~~

"Hai. Have this" binigyan ako ng isang ice pack ng isa sa mga maid nila Jen. I looked at the surrounding ang buong sala ah inoccupy na naming mga mag kakaibigan lahat kamo nakaratay habang nagpapagamot.

Sa buong buhay ko ito na siguro ang pinaka maraming suntok at sugat na natamo ko habang nakikipaglaban. Tama nga ang sinabe ng Papa ko mas maraming taong mas malakas kesa sa akin.

"Aghhhhhh ang katawan ko."

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa akin ni Jen ng marinig nito ang sinabe ko.

"Yan talaga ang tatanungin mo sa akin?"

"Anong gusto mong sabihin ko. Buhay ka pa ba?"

Ano bang mga tanong yan, Jen. Bugbog sarado ako tapos tatanungin mo ko kung okay lang ako. Malamang diba, hindi. Narinig mo na nga ang pag reklamo ko dahil sa sakit ng katawan at ang mga sugat ko at pasa.

Tumango nalang ako para matapos na ang usapan naming dalawa baka mamaya mapa away pa ako sa pangalawang pagkakataon. Hindi na ata kakayanin ng katawan ko ang isa pang suntok lalo na't galing sa girlfriend ko. Talagang matatalo ako pag ganoon.

Tumingin ako sa kanya dahil katabi ko lang siya at inaantay na magising si Kara at habang inaantay ang doctor na pinatawag nila. Nakita kong may mga galos siya at may mga sugat na nanggaling sa mga kutsilyo o ano mang matulis na bagay. Pati damit niya ay hindi na magandang tignan dahil punit na to at parang mini dress na ang tingin niya. Makikita din ang mga balat sa legs niya. Kaya kinuha ko ang tuxedo ko sa likuran ko at binigay sa kanya.

"Ikaw ayos ka lang ba?"

Tinignan naman niya ang sarili niya at pinagmasdan ang nangyare sa dress niya, mukha pa itong nahiya sa itsura niya at bahagya g hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha niya. "Ahhhh. Okay lang ako malayo 'to sa bituka." Ngiting sagot niya sa akin.

"Ganito ba talaga dito, Jen?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Gets kong isa silang member ng Mafia, dito sila lumaki at ganto ang bagay na alam nilang gawin. Pero talaga bang ganito kadelikado ang buhay nila Jen? Akala ko noon pagiging OA lang ang mga action movies na tungkol sa mga Mafia pero hindi pala, I am really really wrong, dahil ngayon natikman ko kung gaano kalupit ang lahat sa mundong ginagalawan nila.

~~~~~FEW HOURS BEFORE THE CONVERSATION~~~~~

"San ba tayo pupunta?" Hila hila kami nila Jen habang naglalakad palayo sa mga tao sa party.

"Wag nga kayong pahalata. Paano tayo tatakas kung kanina pa kayo nag iingay jan"

"Ano? Tatakas tayo?"

"Where are we going?"

"Malayo dito at malayo sa kanila." Sagot sa amin nila Kara. Sina Mia at Nana ay tahimik lang habang sinusundan kami nasa likuran namin sila at masamang nakatingin sa amin.

"Hindi ba tayo hahanapin doon?" Tanong ko sa kanila dahil nag aalala ako. Lagi kaming napapa away kapag kami kami lang ang magkakasama. Minsan hindi pa namin alam kung sino ang mga kalaban namin.

"Syempre hahanapin."

"Ganun naman pala. Ba't di nalang tayo bumalik doon. Baka mapagalitan pa tayo." Katwiran ko sa kanila.

Tumawa naman sina Mia at Nana sa likuran namin. "Para atang nag karoon ka ng isang boyfriend na matatakutin, Jen"

Kung hindi ka lang babae napikon na ako agad sayo. Hindi ko alam kung anong problema nila sa amin pero simula ng makilala namin sila sa school ang init init na ng dugo nila sa amin. Kapag may pagkakataon na may ibabanat sila sa amin ay ginagawa nilang dalawa. Minsan napapaisip ako, wala naman kaming ginagawa sa kanilang mali.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now