Chapter 1: Last Night

13 1 0
                                    

Final Destination 1



Feeling the cold breeze, I step a foot outside my room. Nandito ako ngayong sa isang hotel dito sa NYC. It's my last night here kaya susulitin ko na ang package ng tour ko dito na libre sa kompanyang pinagtatrabahuan ko.

Tumingala ako sa mapayapang langit. Ang dami namang bituin. Asan ka kaya diyan..

*sigh*

Handa na ba talaga akong umuwi sa Pinas?

Kahit naman ayaw ko hindi na din naman ako pwedeng mag-extend dito sa States. Lagpas dalawang taon na ang extension ko. Sobra na nga iyan kong tutuusin kasi yung nasa contract ko ay hanggang 2 years lang ako sa company dapat pero nagustuhan ng manager ko ang mga gawa kong articles and blogs sa every adventure ko.

Anyway, I am a journalist. And my works are kinda famous here. Ilang beses na rin akong nakatanggap ng parangal dito bilang Journalist. Masaya naman ako sa trabaho ko at kahit papaano ay naaliw naman ako sa halos limang taon kong pananatili dito sa States.

Marami na ang nagbago sa akin. Aside sa tumaas na ako ng konti haha, naging dependent na rin ako. I learned how to stand on my own, to live on my own. Ang dating Abbygail Santiago na lumaki sa bahay na puno ng pasakit at kalungkutan, ngayon ay tanyag na bilang Abby Scotts. Don't get me wrong ha, I am not married yet. Hindi rin ako nagpabinyag ulit dito. Nakilala ko lang talaga ang nag-iisang tao na buong buhay kong hinanap. Ang taong, kahit papaano ay bumuo sa buhay kong wasak pagdating ko dito. At ang taong may-ari ng pinagtatrabahuan kong kompanya, na siyang may-ari din nitong hotel na tinutuluyan ko ngayon.

...Knock knock...

"Come in.." Hindi naman ako nagsasara ng kwarto eh, because I know how safe I am in this place. Hindi gaya nang nasa Pinas pa ako.

"Miss Abby, Mr. Scotts ordered you to have dinner with him." Nakangiti kong nilingon si Amanda, ang aking PA. Hindi naman sana ako magha-hire ng isa pero libre na din ito ng company so why say no, right?

"Okay. I'll be there in a minute." Umalis na din siya pagkatapos.

Inubos ko muna ang hawak kong wine saka ako pumunta sa closet ko at kumuha ng damit para mamaya. Naka pajamas na kasi ako eh, hindi na nga sana ako mag-di-dinner, nakasanayan ko na kasi iyan simula nang napunta ako dito. Kaya nga namayat din ako ng todo dito.

 Kaya nga namayat din ako ng todo dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I

t's almost Christmas! Malamig na rin sa labas pag gabi that's why I decided to wear this outfit.

Naabutan ko si Amanda sa living room ng suite ko na nanonood ng korean movie sa tablet niya. Bata pa si Amanda kaya siguro malakas pa ang epekto sa kanya ng mga kdrama. In my case, ihi na lang siguro ang nagpapakilig sa akin. Hindi sa masyado na akong matanda ah, I'm only 25, napunta na kasi sa trabaho ko ang aking buong atensyon. Kaya kahit anong telenovela pa yan, hindi ko na siguro mararamdaman pa ang emosyong dulot nito.

"Let's go, Amanda?" Pagtawag ko sa atensyon niya. Kinikilig na kasi eh.

"Ah, yes miss, let's go!" Natawa ako sa ekspresyon niya pero itinago ko na lang. Para kasi siyang nakakita ng terror na guro sa harap niya.

Paglabas namin sa suit ko ay nagdiretso na kami sa elevator. Buti na lang for VIP's na itong floor na ito kaya bihira na lang ang napapadpad dito. By the way this building has 60 floors and I am in the 60th floor. Amazing, right? Pwede na kong mag-ala superwoman dito pag nawala na ang ayos ng utak ko at tumalon na lang ako bigla.

Thanks to the VIP's own elevator, napadali ang pagbaba namin. Pagdating namin sa lobby ng hotel sinalubong agad kamo ng mga men in black. Okay, nasanay na ako sa kanila. Ginuide niya kami ni Amanda papunta sa isang itim na sasakyan. I did not bother to look at the name. Alam ko namang mamahalin ito at saka wala akong gusto sa mga sasakyan.

Mga 10 minutes siguro yong binyahe namin at narating na rin namin ang restaurant na kakainan namin ngayon. Grabe talaga yung tanda na yun oh ang arte. Ang mahal mahal kaya dito sa Royale Resto!

"Good evening ma'am! Here's the way to Mr. Scotts table.." A tall skinny guy greeted me and guided me to where he is located.

Woah! Bakit ang laki ng ngiti nitong matandang to?

"Hey! What's that smile for?" Ayoko talaga kapag ngumingiti siya ng ganyan. Yung ngiti na unang tingin mo pa lang ay alam mo nang kalokohan ang iniisip niya. Geez!

"Care to sit first?" Half-smirk niyang sabi. Gosh! Ganyan ba siya ka-overwhelmed na aalis na ako bukas?

"Whatever." I rolled my eyes at him pagkaupo ko.

Teka, nasan si Amanda? Bakit wala na siya sa tabi ko?

Para namang nabasa niya ang iniisip ko at sinabi niya kung nasan si Amanda, "she's with the guys, don't worry."

Ah yun naman pala. Akala ko nagmukmok na iyon sa kung saan habang nanunuod ng mga kdramas. Jusko!

"So, you're leaving tomorrow." It's not a question. For sure alam niya na naman talagang aalis na ako.

"Yeah." Ngayon pa lang namimiss ko na siya. Parang ayaw ko na tuloy umuwi dun sa magulong bansa na yon.

"Oh, why are you sad? Don't you wanna go home?" Home? Here's my home. I don't have any home there and I don't consider one as my home.

"Nothing. I just..." I was cut off when a memory flashed at the back of my mind.

"Wala kang awa! Wala kang karapatang gawin iyon sa kanya at sa akin!! Kalimutan niyo ng may anak kayo.."

Ugh! No. Not this time. Geez sumasakit ang ulo ko.

"Are you alright, dear?" Nag-aalala na naman siya. Ayokong makita na may nag-aalala sa akin. Ano ba naman ito!

"Y-yes. I'm fine."
"Let's eat?"

"Okay." Tinawag niya ang waiter at nang ma-serve na ang mga nakakalaway na pagkain sa harapan namin ay kumain na kami. Kahit naman gutom ako may shy cells parin akong natitira sa katawan kaya easy-easy lang. Walang kakompetensya.

"Eat well, Abby. You're so thin, I don't want them to say bad about everything you have here. And, it's not good to your health.." I know right. Naging masaya nga ako dito pero nagkasakit naman nung mga first months ko pa lang dito. Palagi akong inaatake ng asthma dito kaya palagi ding sinusugod sa hospital dahil ang tandang ito masyadong nerbyoso. Kesyo baka mapaano daw ang Prinsesa niya.

Nang matapos kami sa pagkain ay nag-usap muna kami saglit saka nagpaalaman na.

"Bye baby.. Sleep well tonight, okay? I will send you to the airport tomorrow.." Nakangiti siya pero alam ko namang nalulungkot siya na aalis na ako bukas.

"You too, Dad. See you tomorrow, bye.." And with that umalis na ang sinasakyan niyang car at ako naman ay dumiretso na sa sasakyan na sinakyan namin papunta dito kanina. Naabutan ko si Amanda na kausap ang isa sa mga men in black. Akala ko nanunuod na naman ito.

I guess, this is really it. Bukas na ang alis ko. Mamimiss ko ang mga tao dito. Pero I'll make sure na bibisita ako dito every year. Mamimiss ko kaya ang ama ko. Kahit matanda na yun at.. Ay oo nga pala, bakit kaya ganun ang ngiti niya kanina? Wala naman siyang nabanggit sa akin na hindi kaaya-aya sa pandinig. Baka naman pinagtitripan lang ako nun. Hay ayoko na tuloy umuwi. Pero kailangan eh.

May mga bagay na kahit dahilan pa ito ng paghihirap mo noon ay kailangan mo pa ring balikan. Hindi para maranasan mo ulit ang sakit, kundi para maitama ang mga mali.

Philippines.. see you soon..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Final DestinationWhere stories live. Discover now