48th Scene Being A Guardian

10K 283 28
                                    

~~~~~ROUGE's POV~~~~~

"Ichi"

"Ni"

"Mas maaga pa ata silang gumising kesa sa mga manok sa Pilipinas ah."

"San"

"Nagrereklamo ka jan ikaw din naman di natulog." Sagot ni Reid kay Wendyll.

"Sisihin mo siya" tinuro pa niya ako na parang nasa pageant kami. "Sisihin mo ang taong katabi ng kama ko. Babangon, hihiga, babango, hihiga. Maglalakad, uupo, maglalakad tas uupo nanaman di na naka get over." Panunukso ni Wendyll sa akin.

"Paano ba naman kasi hindi yan tatahimik. Tinamaan ata sa sinabe nila Jen at Mia sa kanya."

"Will you all stop." Pagpapatigil ni Ace sa kanila. "Ang aga aga mas maingay pa kayo sa tilaok ng mga manok."

"Walang manok dito."

Buti nalang binato ni Ash si Reid dahil kung hindi niya iyon ginawa ay ako ang mag babanto ng kahit ano para matigil siya sa mga ugali niyang yan. Nakita niyang wala sa mood ang tao pero hindi pa nakontento at pinapalalapa niya ang sakit ng ulo namin.

"Hihirit pa kasi" sagot pa ni Ash sa kanya ng tinignan ni Reid ito ng masama.

"Ano ba kayo napaka sensitive niyo ngayong umaga para lang pinapatawa kayo."

Sensitive? Paano naman ako hindi magiging sensitive ngayong araw na kami aalis pagkatapos nag away pa kami ni Jen. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang puntahan pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya.

Lumabas kami sa kuwarto namin at bumaba ng sala. Walang mga tao doon kaya lumabas kami para makita kung makikita namin ang mga kapatid ni Kara o ang parents niya. Mabigat man sa kalooban namin na umalis pero kailangan na naming mag paalam sa kanila pati narin kina Jen at Kara na hindi parin namin mahagilap simula kagabe ng nagkaroon ng away sa kuwarto.

"Ang aga naman ata nilang mag exercise. Ito na ata iyon." Sabe sa amin ni Wendyll. Maliban sa mga taong nag pra-practice sa labas ay may gym din sila sa loob ng Mansyon kung asaan andito daw ang buong pamilya ni Kara.

"KIAAAAAA"

"HIAAAAAA"

Mga tunog ng mga taong nag pra-practice at mga galaw ng paa ang naririnig namin sa loob ng gym.

"Gising na pala kayo?"

"Kuya Ren."

"Ohayou."

"Good Morning."

"Sina Kara-chan ba ang hinahanap niyo?" Tanong niya sa amin ng makitang nakatitig kami sa pintuan ng naka close na gym.

"Opo Mamaya na kasi yung flight namin. Mag papaalam lang sana po kami sa inyong lahat." Sagot ni Ash sa kanya.

"They are inside. Pasok kayo."

"Ahh wag na Kuya. Antayin nalang namin sila dito. Baka maka abala pa kami."

"Kung aantayin niyo sila dito sa labas baka maka alis na kayo hindi pa sila lumalabas. Come on."

"S-sige."

Pumasok kami at nakita ang kabuuan ng gym maraming mga gamit doon na nakalagay sa mga gilid gilid. Mga matutulis na bagay, mga mahahabang patpat, mga maliliit na parang kutsilyo and they are being used to do there exercise.

"KIIIAAAAAAA"

Walang gumalaw sa amin ng makita namin kung paano nag e-ensayo sina Kara. Their movements are fast and sturdy. Pisikalan pa ang mga ginagawa nila kapag nag pra-practice sila. Tumaas lahat ng balahibo ko sa balat dahil napaka seryoso ng mga tingin nila. You could feel that they are not treating this as a practice match. They could literally kill.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now