Sayang(oneshot)

33 3 4
                                    

Dedicated to ZiMiguel

Yuri's POV

Badtrip.
Alas singko na ng umaga hindi pa rin ako nakakatulog.
Hanggang ngayon kasi di pa rin ako nakakaget-over.
Ewan ko ba kung anong nararamdaman ko.
Nasaktan ata ako sa sinabi mo.
Mali pala,nasaktan ako
sa ginawa mo.

Ikaw,OO IKAW!
Buwisit ka!

Ikaw na walang ibang ginawa kundi buwisitin ako mula pagkabata.

"Yuri dapat kapag lumaki na tayo hindi kana payatot ah.Para kanang tingting oh para kapag yayakapin kita di ka mababali"

"Yuri ang liit mo para kang dwende pero okay lang para mas madali kitang maakbayan"

"Yuri ampanget mo!"

Ikaw na palaging nandiyan para sa akin.

"Kung may problema ka andito lang ako ha?"

Ikaw na nagmahal sa akin.

"Kahit na anong kapintasan mo mamahalin parin kita.Kahit na maraming humadlang mamahalin parin kita.Pakatandaan mo Yuri mahal na mahal kita"

Ikaw na walang ibang ginawa kundi paasahin ako.

"Yuri kapag naging tayo na,ipapakilala kita agad sa mga magulang ko"

"Yuri kahit gaano katagal hihintayin kita"

"Yuri pangako ikaw lang mamahalin ko"

Lahat ng pinangako mo napako.
Lahat ng sabay nating plinano nawala.
Sabi mo hihintayin mo ko?
Ambilis mo namang sumuko.
Nakanap ka na ba ng iba?
Napagod kana ba?

Pasensiya na .Masyado ata kitang napahirapan.

Nagulat nalang ako isang araw
"Pasensiya na Yuri.Hindi ko na kaya.Baka hindi ako yung dapat na para sayo"

Bakit kung kelan nahulog na ako sayo saka ka naman sumuko?Minahal na kita eh pero nahuli ata yung pagmamahal ko.

Sobrang nasasayangan ako.
Akala ko kasi darating tayo sa puntong ikaw at ako hanggang huli.
Ansakit lng isipin.

Mananatili nalang alaala lahat ng napagdaanan natin bilang magkaibigan.

Sana masaya ka ngayon.Sana napanindigan mo yung naging desisyon mo.

Sana dumating yung araw na maging masaya na din ako.
Sana makalimutan ko na lahat ng sakit.

Sorry ha.Masyadong matagal kasi kitang pinaghintay.Sinubok ko kasi kung gaano ka katatag.

Kung sinabi ko lang sana ng maaga.
Kung nakapaghintay ka lang sana.
Edi masaya sana tayo ngayon.
Sobrang sayang.

Nanghihinayang,
Yuri

Sayang (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon