Stories published a note. Voiceav

24.4K 288 65
                                    

HaveYouSeenThisGirL Stories published a note.

Voiceless ♪ EPILOGUE: leaving you VOICELESS (notes part 2)

*** After 3days ng pagbabalik ko, niyaya ako ni Aila na maggala gala sa may mall na malapit. Sabi niya bonding day man lang daw namin after so many years of not seeing each other edi ayun pinagbigyan ko ang bruha since miss ko na rin naman siya. Kasama namin of course ang baby ko, I can't bear to leave Blue, he's my treasure. >_

Kung saan saan kami nakapunta, shopping dito shopping dyan. Grabe para kaming galit sa pera kung makagastos. -___-Di bale na paminsan minsan lang naman eh. XD

"Saglit lang Momo ah, may papakinggan lang ako." pumunta si Aila dun sa isang pila ng mga CD's at may pinakinggan dun. Nasa Odessey kasi kami ngayon, alam mo na nagtitingin tingin ng mga magagandang CD na mabibili. Ganto lang talaga kami kahit may internet na at downloadable na free songs ay mas pinipili pa din namin bumili ng CD dahil sa tunay na fans talaga kami ng music.

Ako naman hawak hawak ko si Blue sa kamay ko habang nagtitingin tingin ng CD's. Medyo nawiwirduhan nga ako kasi puro korean songs na lang ang mga nakikita ko, ganto na ba kauso mga korean songs sa Pinas? Wuu.

Pero habang nagtitingin tingin ako ng CDs, nakita ko sa isang CD na may album title na "HEAR ME" tapos nakalagay dun picture ng isang lalaki na nakatalikod at nakalagay sa pangalan niya ay MC. Bigla bigla naalala ko yung napakinggan ko sa radio, ito rin yun eh.

Sinubukan kong isalpak sa pakinigan ng CD dun sa Odessey iyong CD na iyon at pinakinggan ko. Number 1 sa album yung kanta mismong "HEAR ME" na siyang mismong title na rin ng album.

"Hmmm..." napapapikit ako habang nakahawak ang isang kamay ko sa may headset at pinapakinggan yung kanta. Nagagandahan ako kahit hindi ko naiintindihan yung kanta.

Yung boses kasi nung kumakanta... it makes me remember of someone...

Kaparehas siya ng boses ni Sync. And the melody of the song? It's very familiar to me tho hindi ko lang talaga maintindihan yung lyrics kasi naman korean.

Pero naiinlove ako dun sa boses, alam kong imposibleng maging si Sync ito pero ang sarap iimagine na naririnig ko ulit ang boses niya. Simula rin kasi nun I didn't dare to listen to his songs anymore dahil alam kong mas made-depressed lang ako pag naalala ko ulit siya.

Pero this time... how it feels good to hear a voice like his.

"Momo!"

"Ay kabayo!" nabigla naman kasi ako dahil habang nakikinig ako bigla na lang akong tinapik ni Aila sa balikat, nakabalik na pala siya hindi ko tuloy namalayan.

"Anong pinapakinggan mo?" pinakita ko yung CD, "Ah yung Hear Me? Hehe. Type mo? Sikat yan satin ngayon, number#1 rank niyan sa mga korean songs na namamayagpag dito sa Pinas."

"Wow, talaga?" "Yup, actually dahil sa sikat na sikat siya dito sa Pinas ay nakapagdesisyun ang company nila sa Korea na magheld ng concert dito, sa Saturday na nga iyon eh. You want to go?" "Ha? I like the music kahit hindi ko naiintindihan but I think I'm not interested na manuod ng concert ng isang singer na hindi ko pa naman gaanong nakikilala ang mga kanta. Saka hindi naman ako fan ng korean songs, ngayon nga lang ako nakarinig eh. Hindi naman kasi trend yan sa London."

"Ano ka ba, okay lang yan Momo. Try mo lang, pogi yung singer! HAHAHAHA!" luka luka talaga itong babaeng ito, nawala lang ako natuto ng lumandi at pogi na ang hanap. -___-

"Pero kidding aside Momo, actually fan kasi ako niyan eh. May concert ticket na nga akong nabili para sa Saturday." :D

"Nyeee. Adik ka oh." "Sadya! hahaha! Sumama ka sakin Momo, please?" "Ayoko nga," "Parang sasamahan mo lang ako, libre naman kita ng ticket eh, pleaseeeee?" "Kahit sasamahan lang kita Aila ay hindi pede, hindi ko maiiwan si Blue nuh! Walang magaalaga." "Edi isama mo!" "Oy ano ka ba, concert yun edi hello, puyatan yun? Hindi pedeng mapuyat itong bata!" "Jusme naman Momo, edi uuwi na tayo before ten pm okay?" "Edi parang nagaksaya ka lang ng ticket?!" "Dali na kasi Momo, andun naman si Mirko, ihahatid niya na lang kayo pauwi pag inaantok na si Blue." "Eh andun naman pala si Mirko, edi may kasama ka na pala bakit pinipilit mo pa akong sumama sayo." -___-

voice less2Where stories live. Discover now